I immediately grab my bag na naglalaman ng mga gamit na kakailanganin for 2 days. We're going to Cebu today just like Papa told us as a celebration for Logan's good grades. Specifically, we're planning to go in Ginatilan, Cebu since Mama grew up there. It might be Mama and Lola's reunion since it's been many years since they last saw each other.
Tumawag si Papa ng taxi para maihatid kami sa airport. Hindi pa traffic since it's just 4 am in the morning. Logan was sitting next to me and sleeping. I took a picture of him and giggled. May panis na laway pa. Papa is sitting in front and talking to the driver, he's very friendly. I looked at Mama that is currently typing on her phone. Sumandal ako and put Logan's head on my shoulder. I put on my earphones and close my eyes for a while. Nagising na ako nang pababa na sina Mama.
We find a seat for us. Logan and I were somewhere in the middle while Mama and Papa was sitting in front of us. Nang papataas na ang eroplano ay nakaramdam ako ng hilo. I didn't have the courage to look down since I always fear heights. Logan borrowed my phone and took a picture of the clouds.
"Just don't remove it on the playlist. Matutulog muna ako," he nods at me and continue taking pictures.
Nagising lang ako nang tapikin ako ni Logan at pinaaalalahanan na ang mga pasahero na maghanda na para sa pagbaba ng eroplano. Pagbaba namin dito ay sumunod lang kami kanila Mama hanggang makalabas ng airport. Sinalubong kami ng isang lalaki.
"Kuya!" sigaw ni Mama nang makita ang lalaki.
Lumapit kami rito. "Tito Abel niyo, mag-mano kayo," kinuha ko ang kamay niya at nagmano at sumunod naman si Logan. "Ito si Lori," wika ni Mama at hinawakan ako sa balikat. "Si Logan.."
"Dalagang dalaga na si Lori, huling kita ko sa kaniya ay dalawang taon pa lang siya. Si Logan, ngayon ko lang siya nakita." I just smiled at him.
Sumunod kami sa kaniya hanggang tumigil kami sa isang tricycle.
"Pasensiya na kayo, ito lang ang sasakyan ko sa ngayon.."
"Okay lang, pare" wika ni Papa.
Si Papa ay sumakay sa likod. Magkatabi naman kami ni Mama at si Logan naman ay nasa baby sit.
"Tss.." pagmamaktol na wika ni Loagn. Tinabig ko siya but he just rolled his eyes.
"Medyo malayo pa ang biyahe, matulog muna kayo," wika ni Mama.
Hindi na ako inaantok since nakailang tulog na ako simula kanina. Naging tahimik ang biyahe pwera sa lubak-lubak na daan. Tumigil ang tricycle sa isang maliit na bahay. Pumasok kami sa loob at nakita ang isang matandang babae na nakaupo sa upuang mahaba na yari sa kahoy.
"Nay, mano po." Inabot ni Mama ang kamay at nagmano rito. Sumenyas siya na lumapit kami sa kaniya.
"Eto na po si Lori, Nay. Iyon naman po, si Logan," gaya ni Mama ay nag-mano rin kami dito.
Ngumiti siya sa amin. Based on her looks, malakas pa naman siya.
"Maayong buntag," wika niya sa amin.
"Diyan kayo matulog sa isang kwarto. Dalawang kwarto lang ang mayroon, pagsaylu-i ako"
Kinalbit ko si Mama. "Mama, hindi ko po naiintindihan ang iba niyang sinasabi," she smiled at me and sit beside Lola.
Sinamahan kami ni Tito Abel sa kwarto. Kami ang magkatabi ni Logan sa isang kwarto at sa kabila naman ay sina Mama at Papa. Nang iwan niya na kami ay bumuntong hininga si Logan.
"Maybe I should read a Cebuano dictionary."
Maya-maya ay bumakas ang pinto at iniluwa ang isang batang babae. I think she's just 4 years old or 5. Lumapit siya sa akin at ngumiti "Unsa imong ngalan?" tanong niya sa akin. Nilingon ko si Logan na nakatingin sa akin. "Maybe she was asking for your name," he shrugged his shoulders.