Umuwi muna kami sa bahay para makapagpahiga sina Mama at ako naman ay para kumuha ng damit. Nag-file ako ng leave para mabantayan si Dark. Dalawang araw na pero hindi pa din siya nagigising. I feel like dying pero gaya ng sinabi ni Logan ay hindi ko dapat na masyadong ipahalata. Nang mag-ring ang phone ko ay tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
"Margie." bungad ko. "I'm nasa Philippines na nung 2 days ago pa. Di me ma-contact you."
"Margarette, I'm sorry. Its not that I don't want to talk to you but I'm hanging up. I have something important to do, bye."
"Ma, aalis na po ako!" sigaw ko kay Mama na nasa taas ng bahay at nagpapahinga. "Balitaan mo kami sa lagay ni Dark, mag-text ka sa akin!"
"Halika na, Logan.." inabot ko ang kamay niya pero hindi niya iyon ibinigay at nagtuloy tuloy ng labas. Ayaw ko man siyang isama doon, ay walang makakapigil sa kaniya dahil gustong gusto niya talaga. Pero parang hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maayos which is ang hirap dahil hindi naman ganito ang sitwasyon namin dati.
Pumara kami ng tricycle at agad na sumakay. Okay na kaya si Dark?
"Your phone is ringing," malamig na sambit ni Logan. Tita calling..
"Tita?"
"Lori, Dark is awake. Hurry," wika ni Tita sa kabilang linya. Parang nabuhay ang dugo ko at bumalik ang sigla. "Manong, pakibilis po."
"He's awake?" tumango ako sa kaniya at ngumiti samantalang siya ay tumingin lang sa akin saglit at umiwas na ng tingin. Pagdating namin sa hospital ay agad kong tinanong ang nasa customer's service "Saan po inilipat si Dark Arsen Fortalejo"
"Room 525 po, Mam," magalang na bati niya sa akin.
Agad kaming tumakbo papunta sa elevator na muntik ng masara. Buti na lang ay may humarang ng kamay kaya nakapasok kami ni Logan. "Than- Cray?"
"Hi Lori," he smiled genuinely. "I found you again," sumara ang elevator habang tatlo lang kaming nasa loob. "Hey there, lil kiddo," he waves at Logan who just rolled his eyes on him. "Suplado ka pa rin," bahagya kaming natawang dalawa.
"I want to have a longer conversation with you but I'm in a hurry," nang bumukas ang elevator ay agad naming hinanap ang Room 525. Nang matagpuan iyon ay agad kaming pumasok at naabutan namin ang mga tao na nakapaligid sa hospital bed habang malungkot ang mga aura. What happened?
[Now Paying: Stranger by Secondhand Serenade]
Lumapit ako sa kanila at nagbigay daan naman sila para makalapit ako sa gilid ni Dark. "Who are you?" parang hinagisan ng granada ang puso ko nang marinig ang katagang iyon. Naalala ko ang sinabi ng doctor na malaki nga pala ang damage na nangyari sa utak niya dahil sa car accident. And it was all because of me..
"I can just remember my cousins, my parents, and Kristoff. I am sorry but can you introduce yourself to me? Or maybe you just enter a wrong room?" lalong nadurog ang puso ko. This was all my fault kaya bumalik ito sa akin na parang boomerang. "H-hello. Parang mali nga ako ng pasok ng kwarto, hehe. S-sorry po." nagtuloy-tuloy ako ng labas sa kwarto at saktong pagsara ng pinto ay napahagulgol ako. Here I am again, so weak, fragile and vulnerable.
Sumunod ng labas si Andrei at agad akong niyakap. "I am sorry for what happened the last time. But now, I want to help you. I can lend my shoulders and cry as long as you want."
"If I just knew na ganito ang mangyayari.."
"Shh," lalong humigpit ang mga yakap niya sa akin. "Its so painful here," itinuro ko ang sa may banda ng puso ko. All I can right now is pain. From 1-100, I will rate my pain as 101%