Isang dalagang may kulay brown ang buhok na nasa wheelchair ang nakatingin sa mga paru parong lumilipad sa napakalaking hardin.Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang ganda ng kalikasan ng lapitan ng kanyang Mama at Papa na may malungkot na mga mata.
''Mom I wish i had a little sister para in case mawala na ako may mag aalaga sa inyo.''wika ni Desiree,ang nagiisang anak nina Mariano at Violeta Nuevez na isa sa pinakamayamang negosyante sa buong bansa.
''Dont say that sweetie,hindi ka mawawala nangako ka samin ni Daddy na ikaw ang mag aalaga pagtanda namin diba?.''umiiyak na wika ni Violeta habang si Mariano naman ay pilit na nagpapakatatag para sa asawa.
''Baby anong gusto mong gawin,tell me iha.''tanong ni Mariano na luluhod sa harap ng pinakamamahal na anak niya.
''Gusto ko pag nawala ako,gagawa kayo ni Mommy ng baby.Please Daddy gusto ko ng little sister,please Mom,Dad.''wika ni Desiree sa mga magulang na tatango na lamang para sa anak na may sakit.
''Gusto mo mamayang gabi gawa kami ng baby ni Mommy.''pagbibiro ni Mariano sabay tingin sa tila galit na si Violeta.
Matagal na simula ng mag sex silang mag asawa,four years old pa lang noon si Desiree ng mahinto ang mutual relationship nilang dalawa.Nahuli kasi ni Violeta si Mariano na may ibang babae kaya simula noon ay hindi na sila nagsiping dahilan upang maging solong anak si Desiree ng pamilyang Nuevez.
''Mommy oh niyaya ka ni Daddy.''wika ng kahit nanghihina ay pilit na ngumingiti na si Desiree habang pinagmamasdan ang mga magulang na nagpapakatatag para sa kanya.
''Sige gagawa kmi ng baby basta promise me na aalagaan mo ok? so u need to be strong and healthy for your little sister.''wika ni Violeta na sinakyan na lamang ang kagustuhan ng pinakamamahal na anak.
Ngumiti si Desiree at tumingin sa bughaw na kalangitan,humiling siya sa Diyos na sana kung kukunin na siya nito ay bigyan ang mga magulang niya ng isang anak na siyang magpupuno ng kasiyahan sa buhay nila.Mararamdaman niya ang mga kamay ng mga magulang na hahawak sa unti unting lumalamig niya na palad.Ramdam ni Desiree na nalalapit na siyang mawala.Nanghihina man ay imumulat niya ang kanyang mga mata at titingnan ng buong ngiti sina Mariano at Violeta.
''I love you Mom,Dad.''wika ni Desiree na unti unting mahihirapang huminga na agad ikinabahala ng mag asawa.
''Tumawag ka ng ambulansya!Desiree anak wag mo kaming iwan,please please!Dadalhin ka naman sa ospital,wag mo kaming iwan baby.''wika ng umiiyak na si Violeta habang si Mariano naman ay nakayukong hawak ang kamay ng anak nila.
''Mariano! Mariano do something!''sigaw ni Violeta ng marinig ang huling hininga ni Desiree at ng tingnan niya ito ay wala ng buhay na nakasandig sa upuan ang ulo.
Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mamatay si Desiree ay makikita ang isang may sakit na Mariano na inaalagaan ng asawa niyang si Violeta.Simula ng mamatay si Desiree ay kinalimutan na ni Violeta ang sakit ng pagtataksil ni Mariano sa kanya.Nagsimula silang ulit ni Mariano bilang mag asawa at kahit papano ay naka move on sa buhay ng malamang si Mariano naman ay may prostrate cancer.
''Napaka unfair ng buhay sakin Mariano,una kinuha satin ang anak natin ngaun naman ikaw.Ito ba ang gusto ng Diyos ang iwan akong mag isa sa mundong ito?''wika ni Violeta kay Mariano na nakahiga sa kanilang kama nakatingin sa umiiyak na asawa.
''Mahal ko,napakaraming kasalanan ko sayo lalo na sa anak natin.Wag ka ng malungkot nasasaktan akong makita kang ganyan.''wika ni Mariano na nahihirapang tingnan ang malungkot na asawa nito.
''Kapag mawala ka siguro lahat ng yamang ito idodonate ko nalang sa charity.Wala naman tayong tagapagmana para mag asikaso ng lahat ng pera at negosyo natin.''wika ni Violeta ng hawakan ni Mariano ang kamay niya.
''May tagapag mana ako,im sorry if i have to bring this issue to you.I have 3 daughters sa tatlong babaeng nakarelasyon ko dati.I know mahirap tanggapin pero sana Violeta,sana bigyan mo sila ng pagkakataon sa buhay natin.''wika ni Mariano sa tila nagulat na si Violeta.Hindi alam ni Violeta ang iisipin at sasabihin sa revelation na iyon ng kanyang asawa.Tatlong anak sa tatlong babae? masakit na marinig mula kay Mariano ang pag amin ng pagtataksil nito pero lalong masakit para kay Violeta na amining inanakan niya ang mga babaeng nakisalo sa bawal na pag ibig sa asawa nito.
''So gusto mong ipamana lahat ng yaman mo sa mga anak mong bastarda? Hay ewan sumasakit ulo ko sayo.''wika ni Violeta na aalis at iiwan si Mariano sa kwarto nila.
Dahan dahang tatayo si Mariano at kukunin nito ang cellphone sa tabing drawer.Agad niyang tatawagan ang abogadong si Atty. Enriquez upang ipahanap ang tatlong anak nito sa ibang babae.Konti nalang ang panahon niya at gusto niya bago siya mamatay ay makita niyang panatag si Violeta sa mga anak niyang bastarda.
Itutuloy.............
BINABASA MO ANG
BASTARDA,ANAK NG KABIT
ChickLitNang mamatay sa sakit na cancer ang nag iisang anak ni Mariano Nuevez tatlong anak sa ibat ibang babae ang papasok sa mansion nito upang gampanan ang pagiging tagapag mana ng mayamang Don.Si Helga,anak sa isang prostitute.palaban at matalas ang dila...