BASTARDA ANAK NG KABIT
Written by Milfeul Hancock
Umalis na sa mansion ang mag iinang sina Violeta at Patricia habang si Helga naman ay napag pasiyahang manatili sa mansion kasama ang isa pang anak ni Mariano na si Rino.Pinagpatuloy ni Natasha at Violeta ang pamamalakd sa hotel/resort business nila habang si Helga naman ay binigyan ng karapatan ni Rino na ihandle muli ang resto business nila sa isang sikat na mall.
‘’Palaguin mo yan,wag ka ng pumalpak Helga.Nabalitaan ko ung ginawa mo sa resto na mga extotic foods na binenta niyo and I can say it’s the most dumbest and gross thing someone has thought of.’’wika ni Rino sa mapapataas ng kilay na si Helga.
‘’Well at least pumatok.tumaas kaya ang sales naming.’’pagmamalaki ni Helga sa mapapa iling na si Rino.
‘’Oo nga mataas ang sales sangkatutak naman ang violations,minsan wag masyadong magmarunong learn how to use the word research.Im done talking to u, ayusin mo yang negosyong yan that’s all I can give to u.’’wika ni Rino sabay talikod sa mapapangangang si Helga na nagpanting ang tenga matapos marinig ang insulto mula sa kuya nito.
‘’Maangas ang ungas! Sige lang pagdating ng araw ikaw naman ang iinsultuhin ko tandaan mo yan!’’wika ni Helga sabay alis upang simulang pamahalaan ang negosyong pinagkatiwala sa kanya.
Samantala sina Patricia at Gavin naman ay nagsama na sa condo ng binata at nagpasiyang umalis ng bansa.Hindi na sila nakapag paalam pa at mas piniling lumayo matapos malaman ni Patricia ang tunay na pagkatao niya.Lumipas ang tatlong taon ay makikitang naluluge ang mga kumpanya ni Violeta.Ang natitira na lamang nila na pag asa ni Natasha ay ang hotel/resort na siyang magsasalba sa napaka laking utan nila sa bangko.
‘’May gustong bumili ng shares niyo Tita,ung isa ay si Rino at ang isa naman ay isang un known buyer.’’wika ni Keith na abogado ng mag ina at masugid na manliligaw ni Natasha.
‘’Ma ayoko dun kay Rino wala lang akong sapat na ebidensiya pero sa tingin ko siya ang sumasabotahe ng ibang mga negosyo ntin.’’wika ni Natasha sa mapapaisip na si Violeta.
‘’Ayokong isipin na ganun ang ginagawa niya Natasha,pero kung ganun man ang ginawa niya ay mas pipiliin ko pang makulong kesa mapunta sa kanya ang pag aari ko.Kailangan na nating mabayaran ang mga utang natin sa bangko bago pa tayo mamulubi.’’wika ni Violeta na sumisikip ang dibdib sa sunod sunod na problemang kinakaharap nilang mag ina.
‘’Wag po kayong mag alala Tita,tutulong po ako sa abot ng makakaya ko.’’wika ni Keith sabay tingin kay Natasha.
‘’Thank u Keith,maraming salamat sa loyalty mo samin ng anak ko.’’wika ni Violeta sabay tingin kay Natasha.
‘’don’t worry Ma,kakayanin natin to.Thank u Keith sa lahat lahat ng naitulong mo samin ni Mama.’’wika ni Natasha sabay hawak sa palad ni Keith.
‘’Im always here for u,ikaw at si Tita tinuturing ko na kayo bilang kapamilya.’’wika ni Keith sa mag ina na umaasang magiging mabuti ang buhay nila.
‘’I need to go,may business meeting pa ako sa mga upcoming investors wish me luck ok?’’wika ni Natasha sabay halik sa ina habang inaalalayan ni Keith.
Si Keith ang maghahatid kay Natasha sa meeting nito sa isa sa mga investor na gustong bumili ng share ng hotel/resort business nila.Habang papunta sa location ng meeting ay mapapatingin si Natasha kay Keith habang nag dri drive ang binata.
‘’All these years hindi ka parin nagbabago,hanggang kalian ka magiging ganito?’’tanong ni Natasha sa mapapangiting si Keith.
‘’Hanggang sa matutunan mo na akong mahalin Nat,hindi ako magsasawang ligawan ka dahil mahal na mahal kita.’’wika ni Keith kay Natasha na mamumula at nagpasiyang manahimik na lamang habang nakatingin sa daan.
‘’I wish this is the right one,we really need to save our company.’’wika ni Natasha sabay baba ng kotse ng makarating na sila sa location ni Keith.
‘’Just have faith,im sure makikita din natin ang right person na bibili ng shares sa company.’’wika ni Keith na agad inalalayan si Natasha paakyat ng isang resto.
Sa table 5 uupo sina Natasha at Keith habang hinihintay ang kausap na buyer.Ilang saglit pa ay isang babaeng pamilyar sa dalawa ang lalapit at uupo sa tabi nila.
‘’Helga!’’wika ng nagulat na si Natasha ng Makita ang bagong Helga na pinaganda ng yaman at pera.
‘’Yes its me,ako ang gustong bumili ng shares niyo ok lang ba?’’tanong ng tila nagyayabang na si Helga habang magkakatinginan naman sina Keith at Natasha.
‘’Are u with Rino? The last time I heard from u is binigyan ka ng share ni Rino sa ari arian ni Papa.Kung kakampe mo siya sorry hindi ko ipagbibili ang shares sa inyo.’’wika ng tila nag aalinlangan na si Natasha sa kapatid na bastarda.
‘’Me and RIno? Duh no way makikipag kunchaba ako sa ungas na un! Yup binigay niya nga sakin ang rights ko kc dapat lang noh! Ano siya swapang para pagkaitan ako upakan ko ung gunggong na un!Saka wag ka ngang mag inarte alam kong malapit ka ng mapobre kaya kung ako sayo kumagat ka nalang ok? ‘’wika ng hindi nagbabagong ugali na si Helga na ikinairita Ni Natasha.
‘’At bakit naman sa dinami dami ng kumpanya ung akin pa ang gusto mong bilhin.Hindi ako bobo Helga kaya deretsuhin mo na ako.’’wika ni Natasha sa mapapataas ang kilay na si Helga.
‘’Bkit hindi? Kapatid kita and sisters should always help each other dba? Except dun sa kuya nating Ungas.’’wika ni Helga kay Natasha na hindi impressed sa sagot ng dalaga.
‘’Hindi ako convinced sa reason mo,sorry but im not selling it to you.Tara na Keith!’’maikling sagot ni Natasha na ikinainis ni Helga.
‘’Mayabang ka! Parehas kaung mag ina! Ako na nga ang nagmamagandang loob ganyan ka pa! well kung ayaw mo ibenta sakin d wag walang sisihan ok?’’wika ni Helga sabay tayo at naunang umalis habang nakatingin ng masama sina Keith at Natasha.
Itutuloy……………….
BINABASA MO ANG
BASTARDA,ANAK NG KABIT
ChickLitNang mamatay sa sakit na cancer ang nag iisang anak ni Mariano Nuevez tatlong anak sa ibat ibang babae ang papasok sa mansion nito upang gampanan ang pagiging tagapag mana ng mayamang Don.Si Helga,anak sa isang prostitute.palaban at matalas ang dila...