Nag kanya kanya ng lakad ang tatlong bastarda patungo sa mga kumpanyang ipinapamahala ni Violeta sa loob ng isang buwan sa kanila.Unang nakarating sa destinasyon nito si Helga sa isang restaurant located ni Glorietta.The Gourmet,isang classy at mala French style resto ang pamamahalaan ng napakagat labi na si Helga.
‘’Good morning Mam welcome to THE GOURMET!’’wika ng manager na agad sinalubong si Helga.
‘’Bakit ang lamya ng lugar na to,kaya pala hindi dinadayo ng mga costumer kasi hindi siya anong tawag dun entertainment!’’wika ni Helga na ikakataas ng kilay ng manager.
‘’Entertaining po Mam,ganito po kasi ang gusto ni Mam Desiree na style nung nabubuhay pa siya.’’wika ng manager kay Helga.
‘’Kaya pala mukhang patay ang lugar nato,daig pa ang sementeryo sa pagkalamya ng resto.Ako na ang mamahala at gusto koi pa renovate ntin ang lahat ng branch ng THE GOURMET.’’wika ni Helga habang pagbubulungan naman siya ng mga staff at titingnan ng masama ng manager ng resting hinahawakan niya.
Sa isang factory ng mga sapatos at garments mapapadpad si Patricia,makikita sa mukha nito ang frustration dahil sa style ng mga sapatos at damit na ginagawa ng kumpanyang pinamahala sa kanya.
‘’Ito po ang mabili sa atin,school shoes po na mataas ang demand sa market.’’wika ng manager kay Patricia na hindi na impress sa school shoes na pinagmamalake ng babae.
‘’I need to think leave me please.’’wika ni Patricia ng pumasok na ito sa office.Sumakit ang ulo niya dahil hindi niya alam kung pano at saan mag uumpisa.Oo at fashion designing ang kinuha niyang kurso pero sa itsura ng kumpanyang pinapa handle sa kanya nawala ang creativitsa itsura ng kumpanyang pinapa handle sa kanya nawala ang creativity ng dalaga sa pagkadismaya.
‘’I need to call Hugo!’’wika ni Patricia na agad hihingi ng advice sa kaibigan nitong fashion designer.
Samantala si Natasha naman ay nagulat ng madatnan niya ang hotel na pinapamahala sa kanya na walang katao tao.Hindi pa alam ng mga staff na si Natasha na ang bagong mamahala ng kompanya. Lumapit siya sa reception center ng mapansing busy sa kaka telebabad ang receptionist.Hindi siya nito pinansin kahit nakatayo na siya sa counter.Mapapailing si Natasha at pupunta sa kitchen kung saan maabutan nitong binabalot ng isang empleyado ang baboy na kinuha nito sa fridge.
‘’Sino ka? Ay siguro ikaw ung bagong hire na staff,wala dito si manager andun sa room 9.’’wika ng lalake na ikinataas ng kilay ni Natasha.
Hindi makapaniwala si Natasha na mga pabaya,magnanakaw at walang kwenta ang mga staff ng hotel/resort na pinapamahala sa kanya.Madumi ang pool,puno ng alikabok ang mga furniture,may nagkalat na mga tae ng ibon at may askal pang makikita na nakatira sa loob mismo ng hotel.
‘’Excuse saan ko makikita ang room 6?’tanong ni Natasha sa isang dalagitang nakita niyang nagma mop ng sahig.
‘’Dito po miss,guest po ba kayo? Naku pasencia nap o hindi ko pa nalinis ung kwarto mamaya nap o kayo pumasok.Gusto niyo po ban g kape?’’wika ng dalagita sa mapapangiting si Natasha.
‘’Ilang taon ka na ba? Parang ang bata mo pa para magtrabaho dito ah!’’tanong ni Natasha sa dalagita.
‘’Fifteen po,dito po kasi kami nakatira ng Nanay ko.Chef po siya dito sa hotel,tumutulong po ako dito kapalit ng pagtira naming ni Nanay.’’wika ng dalagita sa naawang si NatashA ng makarinig ito ng hagikhikan ng dalawang taon na lumabas sa room 6.
‘’Excuse me ikaw ba ang manager ng hotel?’’tanong ni Natasha sa binatang lalake.
‘’Multo! Multo! Hala teka kaw bay an Mam Desiree?’’wika ng kasamang babae ng binatang lalake.May edad na ito,medyo mataba at puno ng alahas ang katawan.
‘’Ikaw ang manager? Well may pag uusapan tayo,come to my office ngaun din!’’striktong wika ni Natasha habang takot na takot ang manager na nakatingin sa inaakala niyang si Desiree.
Pagdating sa office ay nandire si Natasha ng Makita ang karumihan ng opisina.Hindi na niya nagawang umupo at tumingin na lang na may inis sa manager na takot na takot ng Makita siya.
‘’Hindi ako si Desiree,im her sister! I cant believe na ito ang resort na imamanage ko! Ikaw ba ang manager?’’tanong ni Natasha sa mapapatangong matanda.
‘’Well your fired! Anong klase kang tao? Pina manage sayo ang hotel na ito hindi gawing sariling bahay mo!’’sigaw ni Natasha na maririnig halos sa buong hotel/resort.
Isa isang naglabasan at nagpuntahan sa office ang mga empleyado ng resort.Gulat at takot ang makikita sa mga mata nila ng Makita ang bagong mag mamanage ng kumpanya.Makikita din nila ang manager nilang si Lanie na nag alsa baluta at umiiyak na naglalakad palabas ng office.
‘’Ako si Natasha Nueves,anak ni Mariano Nueva sang bagong manager ng kumpanyang ito.Magsisimula ang araw na ito na lahat kayo ay maglilinis at gusto ko wala akong makitang ni katiting na dumi o alikabok sa hotel naiintindihan niyo ba?’’mataray n autos ni Natasha sa mapapatangong mga employee niya.
‘’Mam siya nga po pala wala nap o tayong sabong panglinis,ubos na rin po ang chlorine para sa pool at halos sira nap o ang mga vacuum cleaners at washing machine.’’wika ng isang babaeng empleyado sa magkukunot ang noo na si Natasha.
‘’God anong klaseng mga empleyado kayo! To think na buwan buwan nakaka tanggap kayo ng sweldo sa Papa ko ay nagagawa niyong abusuhin ang kabaitan ng pamilya ko?’’wika ni Natasha sa magkakatinginan na mga empleyado.
‘’Mam wala po kaming natatanggap na sweldo sa inyo,kaya nga po kami napilitang tumira dito kasi ilang buwan na pong hindi binibigay ni Don Mariano ang sweldo naming..’’wika ng isang matandang lalakeng empleyado sa magugulat na si Natasha.
‘’Hindi totoo yan! I just read the recent accounting file ng kumpanya at buwanan ang pagbibigay ng sweldo sa inyo kahit walang kita ang hotel!’’wika ni Natasha ng maalala nito ang manager na pinaalis niya.
‘’THAT BITCH! ANONG PANGALAN NG MANAGER NIYO?’’sigaw ni Natasha na sobrang nangunsume ng maisip nito na ninakawan ang kumpanyang pinamamahalaan sa kanya ni Violeta.
‘’Hon sa tingin mo makakaya ng tatlo kong anak na pamahalaan ang mga napabayaang business natin?’’tanong ni Mariano sa mapapangiting si Violeta.
‘’Kailangan nilang kayanin,dito ko makikita ang managing skills nila at kung sino ang karapat dapat na mamahala ng mga major business n gating pamilya.’’wika ni Violeta na ini imagine ang frustration sa mga mukha ng tatlong bastarda.
Itutuloy………..
BINABASA MO ANG
BASTARDA,ANAK NG KABIT
ChickLitNang mamatay sa sakit na cancer ang nag iisang anak ni Mariano Nuevez tatlong anak sa ibat ibang babae ang papasok sa mansion nito upang gampanan ang pagiging tagapag mana ng mayamang Don.Si Helga,anak sa isang prostitute.palaban at matalas ang dila...