BASTARDA,ANAK NG KABIT
Written by Milfeul Hancock
Hindi mapakali si Patricia,nakakatatak na sa utak nya ang mga sinabi ng bagong nagpakilalang kapatid nito sa ama.Pinakalma siya ni Gavin habang sina Violeta naman at Natasha ay nasa kwarto at hindi makapaniwala sa bagong pasabog sa buhay nilang mag iina.
‘’Huwag niyo ng masyadong isipin ang mga nangyari Ma,makakasama sa inyo ang madepressed.’’wika ni Natasha sa kanyang ina.
‘’I cant believe it! All this time! All this time naniwala ako na ako lang ang pinakasalan ng Daddy mo. Tanggap ko ung pambabae niya dahil confident ako na ako lang ang nag iisang MRS. NUEVES sa buhay ni Mariano.Then suddenly eto? Eto ang bubungad sakin? I was a Mistress all this years! Isang kabit tulad ng mga babae ng walang hiya mong ama!’’hagulhol na pag iyak ni Violeta habang nakikinig at kalmado lang si Natasha.
‘’Ma I know nasaktan ka sa mga nangyari pero para skn hindi naman masama kung misis o mistress ka sa buhay ni Papa.All those years na ikaw ang kasama ni Papa sa tabi niya enough na un para mapatunayan ni Papa na ikaw ang mahal at pinili niya.Kung ano man ang past ni Papa dun sa una niya tapos na un ang mahalaga ikaw ang nakasama ni Papa mula noon hanggang sa kunin siya ni God sa atin.Ma kungdi dahil Papa hindi kita makilala,hindi tayo magkakasama.All what matters now is we have each other,hindi mahalaga ang pera para skn.Ang importante ay magkasama tayo and we will pass this trial together Ma.’’wika ni Natasha sabay hawak sa kamay ni Violeta.
Sa mga sinabing iyon ni Natasha ay nabuhayan ng loob si Violeta.Ngumiti ito at niyakap ng mahigpit ang anak sabay tingin sa larawan ng namayapang asawa.
‘’Magsisimula kaming ulit ng anak ntn Mariano,hindi ako papayag na maging miserable muli ang buhay naming ng dahil sayo.’’wika ni Violeta sa sarili habang yakap si Natasha.
Samantala hindi na matiis ni Patricia ang sarili at agad hinanap si Mariano Jr. na nooy malungkot na nakatingin sa larawan ng amang si Mariano sa library.Agad na lalapitan ng dalaga ang binata na nagulat ng bigla siyang hawakan sa balikat.
‘’Deretsuhin mo ako anong alam mo sa pagkatao ko?’’tanong ni Patricia habang nakasunod naman si Gavin sa likod niya.
‘’Bakit hindi mo tanungin ang Nanay mo Patricia,sa tingin ko wala ako sa lugar para sabihin sayo kung ano ka talaga sa pamilyang ito.’’wika ni Mariano Jr. sa naiinis na si Patricia.
‘’Hindi na kailangan ikaw nag umpisa nito kaya sayo ko dapat malaman ang sagot.Tell me now dahil hindi kita titigilan hanggat d ko nalalaman ang totoo.’’wika ni Patricia sabay hawak sa braso ng binata.
‘’Well I know u will say that,ok sasabihin ko na sayo ang totoo.Hindi kita kapatid,or lets say hindi ka namin kapatid.Hindi ka Nueves,hindi ka anak ni Mariano Nueves.U can ask your mom sa mga detalye kung bakit pero yan ang katotohanan sa pagkatao mo Patricia.
Hindi mababakas sa mukha ni Patricia ang pagkagulat ng malaman nito ang katotohanan mula kay Mariano Jr. May kutob na siya pero gusto niya lang I confirm sa binata kung tama ba ang kanyang hinala.Agad na tinalikuran ni Patricia si Mariano habang si Gavin naman ay nakasunod sa dalaga.
‘’Patricia huminahon ka!’’wika ni Gavin habang sinusundan ang nagmamadaling si Patricia.
‘’Im calm don’t worry,pwede ipag drive mo ako sa bahay ni Mama.’’pakiusap ni Patricia sa mapapatangong si Gavin.
Isang ngiti sa labi ang makikita kay Helga ng marinig nito ang usapan sa pagitan ni Mariano Jr at Patricia.Sa isip nito ay ang pagdiriwang na nabawasan ng isa ang mga kakumpitensiya nito sa mana.
‘’One down,medyo problema ko tong si Jr. kailangan kong alamin ang agenda ng lalakeng to.’’wika ni Helga na agad pupunta sa kwarto niya ng madatnan si Natasha at Violeta na magkahawak kamay na naglalakad sa pasilyo.
‘’Helga iha pwede ka bang makausap?’’tanong ni Violeta sa tila nagulat na si Helga.
‘’Ok Tita!’’maiksing sagot ni Helga at agad sumunod sa mag inang Violeta at Natasha sa may veranda.
‘’Helga iha ngaung alam na natin ang tunay na kalagayan ko sa buhay ni Mariano ay hindi ko na maga guarantee sayo ang share mo sa pamilyang to.Ang kayamanan ko ay mapupunta kay Natasha pero ang parte sa ama niyo ay hindi na ako ang may hawak ngaung alam na natin na hindi ako ang legal na asawa ni Mariano.Kung sakaling hindi ka mabigyan ng karapatan sa yaman ng inyong ama, malugod kitang tatanggapin sa itatayo naming kumpanya ni Natasha.Gusto ko sana na kayong 3 magkakapatid ay maging close sa isat isat lalo na si Patricia.Im sorry kung may lamat ang nakaraan natin kaya naman bumabawi ako ngaun Helga sa inyong dalawa ni Patricia.’’paliwanag ni Violeta sa mapapaisip na si Helga.
‘’Sis ngaung wala na si Papa tayo nalang nila Mama at nila Patricia ang naiwan para tingnan ang isat isa.Sana…sana sa pagkakataong ito magkaisa tayo para sa future nting 3.’’wika ni Natasha kay Helga na mapapatingin sa mag ina.
‘’Ok lang ako kung yan ang gusto niyo,thank u kung hahatian niyo ako sap era niyo.Sa totoo lang nanliit ako kasi sa ating 3 ako lang ang hindi pinanganak na may kaya.Si Patricia may career yan siya sa pagmomodel,ikaw may mana ka sa Mama mo at ako after nito wala lang baka bumalik na naman ako sa u know dati kong work…dancer sa club.Ilalaban ko ang karapatan ko sa mana ni Papa pero salamat kung isasama niyo ako sa plano niyo.OKs na oks skn yan Tita at Natasha pero sguro dpt pagisipan niyo muna kung isasali niyo rin si Patricia.’’wika ni Helga sa mag ina.
‘’Bakit sis ayaw mo bang kasama natn si Pat? Sana magkaayos na kayong dalawa,were all sisters and we should love each other.’’wika ni Natasha sa mapapangising si Helga.
‘’Well hindi natin kapatid si Patricia,narinig ko usapan nila nung Jr. ntn at binulgar niya na hindi anak ni Papa ung babaeng un.’’wika ni Helga na ikinagulat nina Helga at Violeta.
‘’Asan ngaun si Patricia? I need to talk to her!’’wika ni Violeta na tila nakaramdam ng awa sa dalaga.
‘’Umalis kasama ung baklang designer, siguro susugurin niya Nanay niya dahil sa nalaman niya.’’wika ni Helga sa nag aalalang si Violeta.
Tama ng hinala si Helga dahil sa bahay ng ina nitong si Paula makikita ang dalaga at si Gavin.Saktong andun si Lui na kausap si Paula tungkol sa hinihingi nitong pera kapalit ng pananahimik nito sa totoong pagkatao ni Patricia.
‘’Ma tell me sino ang totoong ama ko!’’bungad ni Patricia na ikinagulat ni Paula at Lui.
‘’Iha what r u talking about? Siyempre si Mariano sino pa ba?’’wika ng nauutal na si Paula.
‘’you’re a liar! All this time pinaniwala mo ako na ama ko si MARIANO! Un pala nakiki amot lang ako ng pagmamahal sa amang hindi ko naman pala kadugo!How can u do this to me? Why ma!’’wika ng mapapaiyak na si Patricia habang magkakatinginan naman sina Lui at Paula.
Itutuloy………………….
BINABASA MO ANG
BASTARDA,ANAK NG KABIT
ChickLitNang mamatay sa sakit na cancer ang nag iisang anak ni Mariano Nuevez tatlong anak sa ibat ibang babae ang papasok sa mansion nito upang gampanan ang pagiging tagapag mana ng mayamang Don.Si Helga,anak sa isang prostitute.palaban at matalas ang dila...