CHAPTER TWO

4.8K 80 2
                                    

Bahay na gawa sa amakan at semento ang bubungad kay Atty. Enriquez ng mapadpad ang kanyang sasakyan sa isang malayong bayan sa Bicol.Makikita ang isang dalagang nasa 5'7 ang height na nagwawalis sa may bakuran ng bahay na agad lalapitan ng abogado.

''Good morning Miss,andyan ba si Amparo Lopez?''tanong ni Atty. Enriquez sa haharap na dalaga.Napataas ang kilay ng abogado ng makita ng harapan ang babaeng humarap sa kanya.Maputi ito,matangos ang ilong,may mapupungay na mga mata at mapupulang labi,kamukhang kamukha niya ang namayapang anak ng kanyang amo na si Mariano Nuevez.

''Nanay ko po siya bakit po?''tanong ng dalagang nasa harap ni Keith,ang abogado ng mayamang angkan ng mga Nuevez.

''Andyan ba siya? gusto ko sana siya makausap.''wika ni Keith na nahalina sa ganda ng dalagang nasa harap niya.Siya ang simple version ni Desiree ang namayapang anak ni Mariano at Violeta.Kung dadamitan ang babaeng ito ay magiging kasing klass at sosyal siya ni Desiree na namatay sa cancer dalawang taon na ang nakalipas.

''Namatay na po ang Nanay ko noong nakaraang buwan,ano po ba ang kailangan niyo sa kanya.''tugon ng dalaga sa nagulat na si Keith,hindi niya inaasahan na patay na si Amparo at tanging siya na lamang ang pwedeng magpaliwanag sa dalagang nasa harap niya ang tungkol sa tunay nitong pagkatao.

''Ako si Keith Enriquez,ang abogado ng mag asawang Mariano at Violeta Nuevez.Si Mariano ay ang iyong ama at ikaw ang isa sa mga anak niya.Pinapunta ako dito ni Mr. Nuevez para dalhin sa Manila upang makilala nilang mag asawa kasama ang dalawa mo pang kapatid sa ama.''deretsong paliwanag ni Keith sa tila hindi nagulat na dalaga.

''Bakit ngaun lang? matagal siyang hinintay ng Nanay ko tapos ngaung wala na siya papupuntahin ka niya dito para kunin ako?Pakisabi hindi ko siya kailangan,namuhay ako ng walang ama sanay na ako na wala siya.''matigas na wika ng dalagang nagtanim ng sama ng loob sa amang tila pinabayaan siya at ang kanyang ina.

''Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?''tanong ni Keith na ramdam ang galit ng dalagang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang ama.

''Natasha,yan daw ang ibinigay na pangalan sakin ng Mariano na yan, kung ako lang gusto kong papalitan.''wika ni Natasha habang pinagmamasdan siya ng batang abogado na nasa harap niya.

''Natasha iha sino ba yan?''tanong ng isang may edad na babae na kadarating palang galing palengke.

''Abogado nung tatay ko,kayo na ho ang kumausap may pasok pa ako.''wika ni Natasha na agad tinalikuran si Keith na namangha sa angking katatagan ng dalaga.

''Hi ako po si Atty. Keith Enriquez abogado ng pamilyang Nuevez kayo po si?''magalang na tanong ni Keith sa mapapangiting babae.

''Ako si Luisa,kapatid ko si Amparo tiyahin ako ni Natasha.''wika ni Luisa na malugod na pinapasok sa bahay ang binatang abogado.

Samantala sa mansion ng mga Nuevez makikita ang isang dalagang maputi,makinis at may pagka chinita na naka bathing suit at nagpapa araw sa may swimming pool.Matalim ang mga tingin ni Violeta sa dalagang ito na ipinakilala ni Keith sa kanila na si Patricia,anak sa isang dating modelo na naging kabit ng asawa nitong Mariano.

''Yaya can u give me some cold juice please.''wika ng pa sosyal na si Patricia na agad sinunod ng katulong.

Hindi nagustuhan ni Violeta ang tila bossy na attitude ng anak ni Mariano sa labas na si Patricia.Ngunit wala siyang magawa dahil ito ang gustong mangyari ni Mariano,ang makilala ni Violeta ang mga anak nito sa ibang babae para kilatisin at kilalaning mabuti.Maya maya pa ay lalabas sa isang kwarto ang isa namang dalagang may kausap sa cellphone.Napaka tabil ng dila at daig pa ang bakla kung umatungal habang may kausap sa kabilang linya,Ito ay ang anak ni Mariano sa isang prostitute, siya si Helga.Maganda din naman si Helga,matured nga lang ang mukha nito sa edad niya.Sexy ito magdamit at bulgar kung magsalita,kumukulo ang dugo ni Violeta sa tuwing makakarinig ito ng mura mula sa bibig ng bastardang anak ng kanyang asawa.

''Sumasakit ang ulo ko sa bahay na ito.''reklamo ni Violeta na tumaas ang dugo habang pinagmamasdan ang mga bastardang nakikitira sa kanilang mansion.

''Naku Mam diba po ba may isa pa,ireserve niyo nalang po ang lakas niyo sa pang huli baka mas grabe pa sa dalawang iyan.''wika ng tsismosang matandang maid sa amo nitong si Violeta.Napa buntong hininga na lamang si Violeta habang iniisip ang problemang dumating sa bahay nilang mag asawa.Kailangan niyang magpakatatag dahil nakasalalay ang pagkilatis niya sa mga anak ni Mariano sa mapipiling tagapag mana ng pamilya nila.

''I just hope na matapos na ito,pero ill make sure na hindi magiging madali ang pagpili ko sa mga bastardang ito.''wika ni Violeta na siniguradong hindi mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan nilang mag asawa sa kamay ng maling bastardang pamamanahan nila.

Itutuloy............

BASTARDA,ANAK NG KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon