CHAPTER FOURTEEN

2.9K 68 4
                                    

ANG NAWALAY NA KAMBAL

Isang buwan na lamang ay malapit ng manganak si Violeta sa panganay nila ni Mariano ng makipag kita ang asawa sa dalawang babaeng nabuntis din niya.Matapos binigyan ng pera at binilinan ni Mariano na huwag na siyang kontakin at istorbihin sa buhay nito na agad susundin ng mga babaeng inanakan at naging ka relasyon niya.Lingid sa kaalaman ni Mariano ay kumuha ng espiya si Violeta para tiktikan ang taksil nitong asawa.Uuwi sa mansion si Mariano ng magulat sa galit na expression sa mukha ni Violeta.

‘’Baboy ka! How could u do this to me Mariano? All this time? All this time tatlo pala kaming binuntisan mo? Don’t you dare touch me! I hate you! I hate you ahh…ahhh ang sakit!’’sigaw ni Violeta ng magulat si Mariano ng makita ang tumutulong dugo sa hita ng asawa.

‘’Violeta dadalhin kita sa ospital!’’wika ni Mariano na agad bubuhatin si Violeta at dadalhin sa pinakamalapit na ospital.

Habang naghhihintay sa nanganganak na asawa ay isang babae ang galit na galit na nakatingin kay Mariano sa labas ng Delivery Room.Hawak nito ang patay na sanggol na nailuwal isang araw ang nakaraan.Muhi at galit ang makikita sa mukha ni Amparo,isa sa mga babaeng nakarelasyon at niloko ni Mariano na nagluwal ng sanggol na kulang sa buwan at d kinalaunan ay sinawimpalad na pumanaw ng araw ding iyon.Dala ng pangamba ay lalabas si Mariano ng ospital upang manigarilyo at madadaanan nito ang galit nag alit na si Amparo na hindi man lang niya nakilala at magawang tingnan sa pagmamadali nito.

‘’Magbabayad ka! Pagsisihan mo ang ginawa mo sakin Mariano!’’wika ni Amparo ng makita ang pagdedma sa kanya ni Mariano.Isang masamang plano ang nabuo sa isip ng babae,hahalikan niya ng buong pagmamahal ang patay na batang hawak nito at agad na naghanap ng paraan para makapasok sa delivery room.

Kambal na babae ang nailuwal ni Violeta,nagkaroon ng komplikasyon si Violeta ng halos maubusan ito ng dugo dahilan upang magkagulo sa delivery room.Isang nurse ang kukuha sa isa sa mga kambal at papalitan ng isang patay na sanggol habang busy ang lahat para muling ibalik ang unti unting nanghihinang katawan ni Violeta.Nang makalabas ay agad na pinuslit ni Amparo ang isa sa mga kambal ni Violeta palabas ng ospital ng makasalubong niya si Mariano.

’Amparo! May anak ka na pala?’’tanong ni Mariano sa tila nagulat na si Amparo.

‘’Oo anak natin Mariano,sige aalis na ako.’’wika ni Amparo ng hawakan siya sa kamay ni Mariano.

‘’Anak natin? May anak tayo? Gusto ko siyang Makita!’’wika ni Mariano ng itaboy siya papalayo ni Amparo.

‘’Wala kang karapatan sa bata,akin ang anak ko Mariano hindi mo siya sa akin makukuha.’’wika ni Amparo na agad tinalikuran si Mariano.

Malunkot na pinagmasdan ni Mariano si Amparo na umalis kasama ang anak niya.Iyon na ang huli nilang pagkikita ni Amparo.Pagbalik sa Delivery room ay tuwang tuwa na ibinalita ng doctor na kambal ang anak ni Mariano,nakahinga din ng maluwag si Mariano ng malamang  ligtas na rin ang asawa nitong si Violeta ng makarinig ng sigaw mula sa nurse sa delivery room.

‘’What happened?’’tanong ng doctor kasama si Mariano ng mapansing may hawak itong patay na sanggol sa kamay.

‘’Dok hindi po ito ang kakambal ng isang bata.’’wika ng nurse habang b iglang mag flash back kay Mariano ang pagkikita nila ni Amparo kanina lamang.Nagmadali na tumakbo papalabas ng ospital si Mariano at parang baliw na hinanap si Amparo kasama ang isa nitong kambal na anak.Bigo niya itong makita at nanlulumong bumalik sa ospital ng tanungin siya ng nurse tungkol sa patay na bata.

‘’Gusto ko kausapin si Dok.’wika ni Mariano na agad nagplano para ilihim kay Violeta na kambal ang anak nilang mag asawa.Ipinalibing ni Mariano ang anak ni Amparo katabi ng libingan ng kaniyang mga magulang at sumumpa ito na hahanapin at babawiin nito ang anak na kinuha sa kanilang mag asawa.

‘’Desiree,yan ang gusto kong ipangalan sa kanya.’’wika ni Violeta ng madatnan niyang hawak ng asawa ang isa sa mga kambal na anak nila.Nakaramdam ng awa si Mariano habang  nakatingin sa tuwang tuwa na si Violeta na ibinuhos na ang lahat ng pagmamahal sa natirang kambal na anak niya.Walang kamalay malay si Violeta na may isa pa siyang anak na inilayo ng kalaguyo ng asawa na si Amparo.

‘’Gawin mo ang lahat mahanap lang ang anak ko,magbabayad ako ng malaki mabalik lang siya sa akin.’’utos ni Mariano sa isang private investigator na inupahan para hanapin ang nawawalang kapatid ni Desiree.

‘’Huwag kang mag alala ako na ang magiging Mama mo ngaun.Aalagaan kita at mahahaling parang tunay kong anak.Natasha,yan ang ipapangalan ko sayo,yan sana ang ipapangalan ko sa anak kong nawala.Sorry kung simpleng buhay lang ang maibibigay ko sayo,pero pangako pupunuin ko ng pagmamahal ang buhay mo anak ko.’’wika ni Amparo habang hinehele ang batang ninakaw nito sa kinamumuhiang si Mariano.

‘’Sir natagpuan na po namin ang kinaroroonan ng anak niyo.Patay na po si Amparo pero ang anak niyong si Natasha ay buhay at nakatira ngaun sa Bicol.’’wika ng private investigator kay Mariano na lubos ang kagalakan ng malamang buhay pa ang isa sa kambal at kapatid ni Desiree.

‘’Panginoon ko bigyan niyo ako ng lakas para masabi ko ng maayos kay Violeta ang tungkol kay Natasha.Sobra ko na siyang  nasaktan at hindi ko alam kung magagawa pa ba niya akong mapatawad sa lahat ng mga kasalanan ko sa kanya.’’wika ni Mariano habang nakatingin sa larawan ng anak nitong si Desiree.

Itutuloy……………

AUTHORS NOTE: Mamayang gabi may isa pang ud sana nagustuhan niyo ang chapter na ito.

BASTARDA,ANAK NG KABITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon