03. Kingdom Animalia

108K 3.5K 305
                                    

Hunt's

"Am I that bad?"

I asked Heath that question. It's been bothering me since the day I last talked to Junko. Hindi ko alam kung paan niya nasasabi sa akin ang mga bagay na iyon. Hindi niya ako kilala – hindi na niya ako kilala. We used to be friends. I used to have a crush on her pero noon lang iyon. She went back to Japan to study and when she came back, parang hindi na kami magkakilala. I was seventeen when she came back – siya naman ay kaga-graduate ng college noon. Hindi ko na rin naman ipinagpatuloy pa ang pakikipagkaibigan sa kanya because I was busy with school and everything. Plus, ang alam ko noon, ipakakasal siya kay Hyron. Dunno what happened to them.

Wala siyang karapatan para husgahan ako. Of course, sasabihin niyang mas magaling si Hyron sa akin. She was fucking him. Napapailing na lang ako. Hinihintay ko ang sagot ni Heath sa akin. He was busy putting gloves on his hands. Mag-iisang round kasi kami ng boxing. This is our workout – boxing minsan ay kick boxing. Ibinato niya sa akin ang gloves ko.

"I don't know. What exactly did Junko tell you?" Tanong niya pa.

"That Hyron is better. Hindi naman totoo iyon. People keep telling me Hyron is better than I am – bakit? Nagpanggap ba akong patay for a long time? Hindi rin ako ang naging dahilan nang muntikang paghihiwalay ng mga magulang natin. I graduated cum laude, Heath. I deserve the CEOship more than him. I have a clean record."

Napapalatak si Heath habang pumapasok sa boxing ring. Nagsuot na rin siya ng head gear tapos ay inaya na ako sa loob.

"Maybe Junko sees something that you don't..."

"Yeah? Like what? Hyron's dick?"

"Ulol! Akala ko ba nakipag-ayos ka na kay Kuya?"

"Nakikipagplastikan lang ako lalo na sa harap nila Mama. Ayoko naman na kasi ng gulo but know, I'm getting sick and tired of it. I will never accept the fact that he came back. Naisip mo ba? Noong bumalik siya, inatake sa puso si Lolo Sancho."

"Move on, okay? Hindi ka na bata. Nagtatanim ka ng sama ng loob kay Hyron, siya naman walang pakialam, mukha ka lang tanga." Sabi pa ni Heath sa akin. Si Heath ang pinakamalapit sa akin sa mga kapatid ko. Siguro ay dahil kaming dalawa ang magkasunod at palaging naglalaro noon. Si Hyron naman kasi, malayo ang edad sa amin. Noon kapag naglalaro kami, mas madalas siyang nagbabantay sa amin habang nagbabasa ng libro.

"Let's get it on!" Sigaw ko at pinagsuntok pa ang magkabilang kamao ko. Si Heath ay pumorma na. We started boxing each other. I was in the mood. This is the only way to refresh my mind, to take my mind of Junko. Ayoko munang isipin ang mga pinagsasabi niya sa akin. Wala siyang alam sa akin. Kilala niya lang ako but she doesn't know what I am thinking.

And right now, all I can think about is her. Hindi talaga ako matahimik. I don't know. Siguro dahil may kapatid akong mga babae, mga pinsang babae na kapag nangyari sa kanila ang nangyari kay Junko ay baka makapatay ako – lalo na kung si Haley ang involved doon.

"Wait!" Nagtaas ng kamay si Heath. Hinubad niya ang head gear niya tapos ay tumakbo pababa ng ring. Kinuha niya ang phone niya at saka nag-text. Napailing ako. Nawalan na ako ng ganang mag-work out. Ibinato ko ang gloves ko pati ang head gear and the hit the showers. Pagpasok ko roon ay nadatnan ko si Percy, si Oliver at si Odysseus.

They were getting dressed. Ako naman ay naghuhubad pa lang. They were talking about Hyron's new baby. Ako naman ay hindi nakikisali dahil sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita ang pamangking kong iyon. Hindi ako nakikipaglapit kay Hyron o kahit sa mga anak niya – mabuti pa kay Ate Hyan. Malapit ako kay Louis at kay Abel but Hyron, he creeps me out. Mas mabuti pang namatay na lang siya noon.

One more nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon