"Why is dad yelling?"
Haley barged in my room. Ako naman ay ginagamot ang mga pasang iginawad sa akin ng magaling kong kapatid kanina. Wala siyang karapatan. Ang kapal ng mukha niyang saktan ako samantalang sa aming dalawa siya iyong may karamaldumal na ginawa.
"Maybe he's watching his favorite football team win. I dunno, Hals." Napatitig siya sa akin. Lumapit siya para siya ang gumawa ng paggamot sa mukha ko. I hate Hyron. I sighed again.
"Dapat kasi hindi mo na ginawa. Muntik pa tuloy atakihin si Mama. Saka sana naman maging civil ka na kay Kuya."
"Kahit kailan hindi ako magiging civil sa kanya. Ang kapal ng mukha niya!" Pasigaw na sabi ko. Napailing si Haley. Mukhang marami siyang gustong sabihin pero hindi na lang niya itinuloy. Tumayo na lang siya at lumabas ng kwarto ko kasabay nang paglabas niya ay ang pagpasok naman ni Dad.
His face was expressionless and he seemed so cold. Dumiretso siya sa akin pagkatapos ay kinuwelyuhan ako. Napasinghap si Haley lalo nang halos kaladkarin ako ni Daddy palabas ng kwarto ko at pababa ng hagdan.
"Helios, please! Please!"
Literal na itinapon ako ni Daddy sa labas ng bahay namin. Nasubsob ako sa matigas na semento. I looked at him at punong-puno nang pagkamuhi ang mga mata niya.
Nilapitan ako ni Dad at muling kinuwelyuhan para suntukin. Napasigaw lalo si Mama.
"Hector! Hector tama na!" Tumakbo si Mama papunta sa akin at niyakap ako. I had never seen Dad si mad. Parang hindi ko siya kilala. Palagi lang naman siyang kalmado kapag kausap ako o ang mga kapatid ko pero ngayon, walang - wala ang pagiging kalmado niya. Hindi niya ring hinahayaang umiyak nang ganoon si Mama pero ngayon, nanginginig na ang buong katawan niya sa pag-iyak pero walang sinasabi at ginagawa si Mama.
Akmang susuntukin ako ulit ni Dad pero umalma si Mama at hinampas ang binti nito.
"Tama na! Mapapatay mo si Hunter! Patayin mo na lang din ako!" Humagulgol si Mama. Niyakap niya ako nang napakahigpit. Umiiyak naman ako dahil sa sakit ng katawan at pagtataka kung bakit ako nagkakaganito. Ano bang ginawa ko? Si Hyron ang dapat nakakaranas nito.
"Dad!" Sigaw ni Heath. Dumating siya pero huli na. Bugbog sarado na ako. "Ma..." Tinabihan ni Heath si Mama na yakap -yakap ako habang umiiyak.
"You can never enter this house again, Hunter." Daddy's voice boomed like a thunder in the storm.
"Helios naman..." Humihikbing sabi ni Mama. Hindi ako makapagsalita kasi dumudugo ang bibig ko.
"I'm disowning you, Hunter. From now on you are not a Demitri and all the perks your name has is cut off. Magpasalamat ka sa ina mo at buhay ka pa ngayon!"
He turned away. Kasabay noon ay ang pagdating ng mga pulis. Wala akong kamalay-malay kung bakit. Hindi ko na rin sinubukang magpumiglas dahil baka masaktan na naman ako.
Si Mama ay iyak nang iyak. Ipinasok ako sa police car. Si Heath ang sumunod sa amin.
Hindi nagtagal ay nasa loob na ako nang malamig na rehas na iyon. Nakangiti sa akin ang mga ulol na kasamahan ko sa loob. Maya-may ay sumilip na si Heath Riley.
"Anong kaso ko? Sinong nagpakulong sa akin."
"Wala kang kasi but they won't let you out. According to them you were detained here because General Santoro command. In short, pinakulong ka ni Dad."
"Why would he do that?!"
"Hoy! H'wag kang maingay!" Sabi noong isang preso. Hindi ko siya pinansin.
"Bail me out!"
"I can't. Only Dad can sort this out. I'm sorry, Hunt." Napabuntong - hininga na lang ako. Hindi nagtagal si Heath sa lugar na iyon. Hindi naman ako mapakali. Ano bang ginawa ko? Bakit galit na galit sa akin si Daddy? I have no idea what's happening now pero alam kong hindi dapat ako nandito.
I sat on the cold floor thinking what I did wrong. Hindi ko na nga napansin ang oras. Nakatulog ako at nang magising ako ay pinagtitinginan ako ng mga kasamahan ko.
"Mukha kang mayaman." Sabi noong isa.
"Pero bugbog sarado naman." Wika pa noong mataba.
"Pwede natin itong pagkatuwaan."
Hindi ako nagsasalita. Bigla na lang bumukas ang rehas at sumigaw ang pulis."Demitri, laya ka na."
Agad akong tumayo at sumunod sa pulis. Inaasahan kong si Mama ang makikita ko sa labas o si Dad na kahit galit sa akin ay willing namang makipag-usap pero ang nadatnan ko roon ay si Hyron. Siya ang nakikipagusap sa mga pulis. I made a face nang magkatinginan kaming dalawa.
Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Sumakay kami sa kotse niya tapos ay pumunta kami sa isang park. He stopped the car and then he sighed.
"We have to talk."
"Bakit, alam mo ba kung bakit ako pinakulong ni Dad? Ano na naman bang ginawa mo, Hyron? Ikaw ang kinakampihan ni Daddy sa lahat, anong sinabi mo para ipakulong at itakwil niya ako?"
"Wala akong ginawa." Tiim ang mga bagang niyang tinitigan ako. "Hindi ako ang may kasalanan kung bakit nandyan ka. Ikaw, iyong sarili mo."
"Wala akong ginagawang masama."
"Meron!" Sigaw niya. He sighed and then he faced me. "Ni-rape mo si Junki, Hunter. Twelve years ago on your eighteenth birthday, you took advantage of her. Kaya siya takot sa'yo, kaya ayaw niyang lumapit sa'yo. She was truamatized because of that. Binugbog mo siya, sinaktan tapos ay ginahasa mo siya. Dad find out kaya nandito ka ngayon. How could you not remember what you did, Hunter?!"
Napatulala lang ako. Hindi pwede ang sinasabi sa akin ni Hyron. Wala akong ginawang masama kay Junki. Hindi ko magagawa ang bagay na iyon! Ayoko ngang isipin na maaaring masaktan si Mama at si Hals o ang iba ko oang mga pinsang babae tapos sasabihin niya sa akin na ginawa ko ang bagay na iyon.
I can't even hurt a fly!
"You're just saying that!" I hissed. "Gusto mo rin na tulad ni madumi ang pagkatao ko. Bakit ba hindi mo matanggap na I am way better than you do? Na hindi dahil sa akin kaya namatay ang mga grandparents natin at hindi dahil sa akin kaya naghiwalaybang mga magulang natin noon! You have a fucked up life hindi ibig sabihin noon kailangan fucked up din ang akin!"
Pinanlakihan ako ng mata ni Hyron.
"Yes I have a fucked up life pero at least hinarap ko lahat ng consequences ng mga kasalanan ko noon, Hunter. Hindi tulad mo na kinalimutan mo ito at umaakto ka na para bang ikaw ang api-apihan sa kwentong ito."
He threw me out of his car. Naiwan aki sa park na naguguluhan. Bakit nangyayari sa akin ito? Ginawa ko ba talaga iyon at kung ginawa ko talaga iyon bakit naghintay pa si Junko ng ganito katagal bago niya sinabi ang mga bagay na ito?
I have to know. I have to talk to her to prove my innocence. Wala akong ginawang masama. I am sure of that.
BINABASA MO ANG
One more night
General FictionMainitin talaga ang ulo ni Hunter Ray Demitri. In his opinion, siya ang nag-iisang pinakamatinong anak ni Yza at Helios Demitri. He spent his whole life trying to do good in his parents' eyes, but one incident made him doubt himself and it involves...