Hunt's
"Saan ka nagpunta?"
Ngumiti lamang si Haley sa akin habang papalapit siya kay Mama. Nakaupo kami isa sa mga benches sa lounge ng mall. Nag-uusap lang kami ni Mama kanina tapos ay bigla na lang siyang nawala kaya nagtataka akong hinanap siya.
"Wala, Kuya. May nakita lang akong friend, nag-chika lang kami." She said sweetly. Bigla akong napatawa. Tumabi siya kay Mama at saka humilig sa balikat niya.
"Anak, thank you." Sabi ni Mama sa akin. Napaupo rin tuloy ako. Hinawakan ko ang kamay niya at hinakgan ang likod niyon.
"Anything for you, Mama."
"Let's take a picture." Sabi pa ni Hals.
"Teka, Sali ako!" Napangisi ako nang makita kong humahangos si Heath na kasama si Reese. Bumagal ang lakad ni Reese nang makita si Mama. Si Haley ay tinapat ang phone niya sa amin. We all smiled. I smiled – and it was genuine. Matapos ang ilang buwan, ngayon lang ako ngumiti ulit nang totoo – iyong alam kong masaya ako – masaya ako dahil nandito si Mama at si Haley. They are my two favourite girls in the world. Hindi si Hyan dahil hindi naman kami lumaki nang malapit sa isa't isa. Mahal ko siya pero mas mahal ko talaga si Haley. Bunso kasi siya.
"Hi, Reese!" Mama greeted Heath's girl. Tumango siya. Lumapit naman si Heath sa kanya.
"Manunundo na kami. Hunt. Hinahanap na ni Helios ang Reyna niya."
"Walang problema." Sabi ko. Niyakap at hinalikan ko si Mama. Si Haley ay yumakap din sa akin tapos nag-alambitin pa sa leeg ko bago ako hinalikan nang dalawang beses sa pisngi.
"Punta ako mamaya. Dadalhan kita ng pagkain." Tinapik niya ang balikat ko.
"Damihan mo. Para kina Jampol din." Bilin ko pa. Tumango si Heath. Si Mama ay lingon nang lingon sa akin. I was waving at them at nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay naglakad na rin ako paalis. Magdyi-jeep na lang ako pabalik ng Hotel. Natatawa ako kapag naalala ko kung paano ako tinuruan ni Jampol at Cedrick sumakay ng jeep. Naranasan ko ring mahold-up. Sabi nilang dalawa, kapag ganoon daw, h'wag na h'wag daw akong manlalaban. Pera lang daw iyon.
Parang ang hirap naman. Pinaghirapan ko iyong pera sa loob ng isang buwan tapos kukunin lang sa akin. Hindi iyon tama. People are working hard for money – para may pantustos sila sa pang-araw – araw na buhay tapos kukunin lang ng kung sino?
That's not fair.
Nasa escalator ako nang makita ko si Junko. I was sure it was her. Mas mahaba lang ang buhok niya ngayon at mas may kulay ang mga pisngi niya. She was holding hands with a blonde guy and she seemed like she was consumed by his presence but then, her gaze met mine. Wala akong reaksyon gayundin siya. The man put his arm around her. Mukhang doon nagulat si Junko.
Nawala na sila sa paningin ko. Lumabas naman na ako ng mall at naghintay ng jeep. I like the jeepney ride. Marami kasi akong nakikita. Nang makarating ako sa hotel ay naroon na agad si Heath. Nauna pa siya sa akin samantalang mas ang traffic.
"Nagpadala si Mama ng hapunan." Sabi niya. Sinabayan niya ako sa pagpasok sa loob. "Si Artie." Turo niya sa pinsan namin na karga ang anak niyang lalaki at nasa gilid naman ang anak niyang babae.
"Hey!" Artie called on us. "Kamusta na? Ang tagal nating hindi nagkita! Balita ko , Heath, okay na kayo ng girlfriend mo! Buti naman kasi dapat talaga mag-settle down ka na, may edad ka na kaya. Ito namang si Hunter, anong bago sa'yo? Akala ko nagbibiro lang si Apollo noong sinabi niyang dito ka na nagtatrabaho at galit sa'yo si Uncle Helios. Totoo bang ginahasa mo si Junko Nagao? Kasi kung oo, bakit mo naman ginawa iyon sa kanya? Kawawa naman si Junko pero kung hindi mo naman iyon ginawa, bad siya. Saka naniniwala akong wala kang kasalanan kasi everyone is innocent until proven otherwise. Anyway, kamusta ka naman dito? Okay ka ba? Pumunta ka sa birthday ni Lantis ha! Invited ka kahit ang sungit – sungit mo kasi naman---"
BINABASA MO ANG
One more night
General FictionMainitin talaga ang ulo ni Hunter Ray Demitri. In his opinion, siya ang nag-iisang pinakamatinong anak ni Yza at Helios Demitri. He spent his whole life trying to do good in his parents' eyes, but one incident made him doubt himself and it involves...