14. Sunsets

97.6K 3.8K 778
                                    


Hunt's

Halos araw-araw ay sumasama ako kay Hyron sa pangingisda niya. Nakasanayan ko nang gumising nang alas tres nang madaling araw para sabay kaming pupunta sa laot. Kahit paano naman kasi ay napaglilibangan ko na rin iyong pagsakay sa Bangka niya at pangingisda. Isa pa, pakiramdam ko muli kong nakikilala ang kapatid ko.

"Bakit hindi ka mag-business ng sardinas?" Tanong ko sa kanya nang umagang iyon.

"Meron naman na, pero nagsisimula pa lang. I put it under Hecate's name. I want him to have something under his name while growing up."

"Do you want him to be like you?" I was talking about his place in the business field.

"I told him that he can be whatever he wants when he grows up – kahit maging bading pa siya walang problema sa akin. He's my son and I don't want to pressure him, baka kasi gawin niya ang ginawa ko noon." Napabuntong-hininga siya. Napatango na lang ako.

"You should really bring Dad here. Matutuwa siya. He'll be prouder of you this time because you put together a little community and you give them jobs, Hyron."

Habang nag-uusap kami ay na-realize ko bigla kung bakit si Hyron ang ginusto ni Daddy para maging kapalit niya sa pwesto. I can see it now, he has passion, and he lives and breathes for this thing. It's his life and he's doing a great job in it.

"Ikaw, ano bang gusto mong gawin?" He asked me. "I am asking you now, before, in my case, no one ever asked me what I really want to do, so what do you want to do, Hunter?"

Napaisip ako. Gusto ko pa ring maging CEO ng Demitri Industries. Ngumisi ako sa kanya.

"I still want to be the CEO of the Demitri Industries, Hyron. I want your job. I want to be the next head of the family."

"Yael will be the next head of the family. If Uncle Gab retires, he's gonna be the next Yto Consunji."

"Mas gago siya sa akin, bakit hindi ako. Apo ako ni Sancho Consunji. I can be the next him." Bigla akong natawa sa sinabi ko. Alam kong hindi ko kayang pantayan si Lolo Tatay pero libre namang mangarap. Tinapik ni Hyron ang balikat ko.

"You're something, little brother. You're gonna soon find out what you want to do with your life. And it will be worth it. Pero bilisan mo ha, kasi medyo nagkaka-edad ka na."

Natawa ako sa huling sinabi niya.

"Kamusta naman ang edad mo? Malapit ka nang lumagpas sa thermometer."

"Natural, mas matanda ako sa'yo."

It seemed so unreal that I am talking to Hyron like this. Hindi ko naisip na hahantong kaming dalawa na nakakapgbiruan kami. I hate him – I still hate him but that hate is bearable now.

Dumaong na ang Bangka namin. Tulad nang araw – araw na nangyayari ay nag-aabang na si Hati roon. Ngayon ay kasama niya si Cocoy at si Hecate. Nagtatakbo si Hecate sa Papa niya habang si Hati ay nakatingin lang sa kanya.

If I wanted something in my life right now, that is a family. I want to have my own. Gusto ko ring maranasan iyong kay Heath, iyong para siyang palaging kinikilig kapag magkausap sila ni Reese sa phone, gusto kong maranasn iyong contentment na meron si Hyan dahil kay Abel at sa tatlo nilang anak. Gusto kong makita iyong klase ng tingin ni Hati kay Hyron. Gusto ko nang taong palaging nasa tabi ko tuwing masaya ako o malungkot – parang si Theo kay Haley.

Hindi ko man alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko ngayon, alam kong gusto ko ng sarili kong pamilya.

I went back to the house to take bath. Amoy dagat na kasi ako at isda and it's not a very nice combination. Hindi na namamaga ang binti ko hindi tulad noong nakaraang linggo na hirap talaga akong maglakad.

One more nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon