12. Soon

86.9K 3.8K 485
                                    

Hunt's

Dapat ko na bang sabihin ang panaginip ko at kung sino ang napaniginipan ko? But I am not sure yet. Paano kung mali ako? Masasaktan na naman si Junko. I sighed. Ang hirap ng sitwasyon ko. Bakit ba kasi hindi na lang ako.

"She's going to be fine right? She's going to get better?" Nagtatanong si Alexious sa doctor na tumingin kay Junko. The doctor said yes to him. Napabuntong-hininga siya.

"Then if that's the case, Mrs. Cho, I'll be going back to Baguio. I have a lot of things to attend to."

Nahuli kong nakatitig lang si Hyron sa boyfriend ni Junko. Umalis na siya at hindi na nagdalawang salita sa amin. Hindi ko maintindihan diba dapat siya ang punong abala dito lalo na ang girlfriend niya ang nasa ospital? Kung tutuusin siya lang ang dapat nandito at hindi kami ni Hyron. Pero siya pa talaga ang kauna-unahang umalis.

"Natatae ka ba, Hunt?" Tanong sa akin ni Reese. Pareho naming sinusundan ng tingin si Alexious.

"Hindi." Tumayo ako at lumapit kay Mrs. Cho. She was still crying. Nakayakap siya kay Hyron. Gusto ko sanang itanong lung pwede na bang makita si Junko pero nahihiya ako. Nakatingin lang sa akin ang kapatid ko. Bigla tuloy akong bumalik sa kinauupuan ko.

"Can we see her now?" Tanong ni Hyron. Muntik nang pumalapak ang tainga ko. Agad akong sumunod sa kanila. Sa fourtj floor naroon si Junko. Nang pumasok kami sa silid niya ay tulog na tulog pa siya. Ang putla - putla ng hitsura niya. Iyong labi niya para bang naibabas sa suka. Puro sugat iyong bandang dibdib niya tapos nakabalot ng benda iyong braso niya hanggang palapulsuhan.

"Bakit may sugat si Junko sa bandang leeg?" Si Hyron ang nagtanong.

"Kinakalmot niya kasi ang sarili niya. Nangyari na ito noon twelve years ago. Pero hindi kami umabot sa gusto niyang mamatay na dahil nabuntis siya noon. Sumaya si Junko dahil sa bata sa sinapupunan niya but it's different now because she thinks that she has nothing."

Napakuyom ang mga palad ko. Tahimik akong naupo sa couch. Hinding - hindi ako aalis dito. I somehow felt responsible for her situation. Kahi na gaano na katagal, party ko pa rin ang pinuntahan niya at kung totoo ang panaginip ko at ang naaalala ko, dapat may ginawa ako noon pero wala kaya alam kong dapat akong may gawin ngayon.

Pinauwi ni Hyron si Mrs. Cho para makapagpahinga ito at sinabihang bumalik na lamang mamayang gabi. Naiwan kaming dalawa at nagtititigan. Siya ang naunang nagsalit.

"Bakit di ka pa umuwi?"

"E di ikaw." Matipid na sagot ko.

"Hunter, you have no business here."

"Lalo ka na! May asawa ka na saka dalawang anak dapat hindi ka nagpupunta dito! Masyado kayong close akala ng iba may relasyon kayo. Dumistansya ka naman, Hyron!"

Mukhang ikinabigla niya ang sinabi ko. Nabigla rin naman ako. Napangisi siya tapos ay tumayo na.

"Babalik na lang ako mamaya at isasama ko si Hati. Anong gusto mong dinner? Fried chicken ba?"

"Oo." Nakasimangot na sabi ko. "With ketchup ha. Saka sabihan mo si Hyan na h'wag nang lapitan si Junko. Si Haley sinugod siya sa bahay." Sumeryoso ang mukha ni Hyron.

"I'll talk to her. See you later, Hunt."

Finally, umalis na rin si Hyron. Mag-isa na lang akong naiwan roon upang bantayan si Junko. I couldn't help but look at her for even if she was in a deep misery, hindi naman maitatangi ang kagandahan niya. Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya. Hinawakan ko ang kamay niya pagkatapos ay yumuko sa mismong kama niya.

I want to tale her away and hide her from all of these. Kung pwede lang sana na hindi na siya masaktan --- gagawin ko ang lahat. I care for her and I want things to be alright for her.

One more nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon