Junko's
Hyron sat beside me. Kaharap namin ngayon si Hunter, si Heath at ang girlfriend ni Heath na si Reese. Ayoko man pero nakatitig ako kay Hunter. My kung anong nag-iba sa kanya sa loob ng ilang buwang hindi ko naman siya nakikita. Iyong huling tagpo naming dalawa, kakaiba iyon. I hated him – lalo niyang ipinakita sa akin kung ano ang kaya niyang gawin kaya lalo akong nakaramdam ng muhi sa kanya.
"Tungkol saan ito?" Parang inis na wika ni Hyron.
"Kahit hindi ka dapat kasali dito, epalogs ka –" Yes I called Hyron Demitri epalogs – tulad ng tawag namin sa quarters kay Constessa. "Tungkol ito sa sinasabi ni Junko na ginawa ko sa kanya twelve years ago. I have nothing to do with it."
"Bakit ba napakahirap para sa'yo ang aminin ang ginawa mo?" Nanunumbat na wika ko. "Hunter, I want nothing to do with you. Ang gusto ko lang aminin ko sa lahat ng ginawa mo. Hanggang ngayon pakiramdam ko ay ako ang masama because I told your family what you did to me."
"Unfair naman kasi talaga, Junko. Hindi pwedeng dahil sinabi mo lahat maniniwala na. Siguro may gumalaw sa'yo noon pero sigurado akong hindi ako because I couldn't remember a thing. I want to know what really happened, ayaw mo namang sabihin because you don't want to open the wounds. Ikaw lang naman ang makakasagot ng tanong ko but you chose to shut your mouth. Paano tayo magkikita sa gitna kung itatanggi mo ang isang bagay na ikaw lang ang makakapagbigay?"
Hyron looked at me.
"Hunter has a point, Junko."
What? Napatitig ako kay Hyron.
"It'll be easier if you tell him. Baka sakaling – don't bash me – " wika niya sa akin. "Maintindihan niya at bumalik sa kanya ang nangyari noon."
I sighed.
"Sumama iyong pakiramdam ko after the party so I went upstairs to the comfort room para sumuka. Pero nahihilo pa rin ako sa I went to a room to lay down and sleep for a while habang hinihintay iyong text ng driver ko. Moments later, I was awakened by a hand. It was---" I choked. "Touching me. I told him to stop but he didn't listen."
Remembering what happened made my insides melt. Nanginginig ang mga mata ko. Tinitigan ko si Hunter na nakikinig naman sa akin.
"How'd you confirm that it was Hunter?" Tanong noong girlfriend ni Heath.
"I saw his eyes and I heard his voice."
"Hindi lang si Hunter ang green eyes sa mundo. It can also be Heath."
"What the fuck, Reese?!" Heath exclaimed. Hindi naman siya pinansin ng girlfriend niya.
"It was Hunter's birthday. He was there too that night, diba?" Tiningnan niya si Heath. Napatango naman ang nakakabatang kapatid ni Hunter.
"But it's not me. Hindi ko nga siya nakita sa party!"
"Or it could be Hyron..." Ngumisi naman si Hunter. Napatingin ako kay Hyron na walang expression ang mukha. "You were there. Hinatid mo si Hyan. You just rose from the dead. Nagtagal ka diba?"
"Oo. But I didn't see Junko there."
"Or maybe it was your Dad." Sabi na naman ni Reese. Natigilan iyong tatlong lalaki.
"That's impossible! Dad will never do it!" Halos magkakapanabay nilang sigaw.
"Nage-gets ninyo ba iyong sinasabi ko?" Reese looked at me. "It's not because Hunter has green eyes, siya na ang gumahasa sa'yo. It's just a matter of color. Napakaraming ganoon ang mata sa mundo and it so happens na si Hunter ang kilala mong may ganoon."
BINABASA MO ANG
One more night
General FictionMainitin talaga ang ulo ni Hunter Ray Demitri. In his opinion, siya ang nag-iisang pinakamatinong anak ni Yza at Helios Demitri. He spent his whole life trying to do good in his parents' eyes, but one incident made him doubt himself and it involves...