Twenty-five minutes before the actual wedding
Mr. Hunter Ray Consunji – Demitri (Demigod)
"I will love you with all my heart---"
"Sus! Gasgas na iyan, Hunt! Iba naman! Kunwari, I will love you with all my atay and balunbalunan."
Binato ko ng unan si Heath. Hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon sa suite ko sa mismong Consunji Hotels at nangugulo sa akin. Bihis na siya. He was wearing a gray Armani suit and he looks like Bruno Mars' dancer. Siniguro kasi ni Junko na sa kasal naming dalawa, ako lang ang naka-itim na Armani suit.
Junko will be the only one wearing white. She actually didn't like the idea of wearing a white gown. Ilang beses naming pinag-awayan iyon nitong mga nakaraang buwan. Naniniwala siyang hindi na siya malinis, at hindi nararapat ang puting gown para sa kanya which is very wrong because for me, and in my eyes, she was the only purest of all.
"Wedding vow koi to, h'wag kang makialam!" I hissed at him.
"Ang luma eh!"
"Eh sa iyon ang nararamdaman ko! Tang ina mo sa kasal mo humanda ka sa akin! Uululin rin kita!" Babatuhin ko ulit siya ng unan pero bumukas ang pinto at nakita ko si Daddy kaya ibinaba ko ang unan na iyon. Tinitigan ko na lang nang masama si Heath at nanahimik na. Dad was looking at me and him. He sighed.
"I can't believe my boys are all grown up now. Noong una, prom night ang ikinatatakot kong dumating, and now, itong kasal. One by one, you are being taken away from us by life. I can't help but think that the years spent with us aren't enough..."
I couldn't help but smile at whatever he was saying. Dad was being emotional again. Iyon din ang reaksyon niya noong sabihin kong magpapakasal na kami ni Junko. Mauuna nga dapat si Heath pero gusto kasi ng parents ni Reese na makapagsuot siya nang magandang wedding gown sa araw ng kasal nila ng kapatid ko.
Reese just gave birth to twin girls – Baby Ruth and Jelly Bean. Tuwang – tuwa si Heath sa mga anak niya. Hindi yata siya makapaniwala na nakabuo siya ng tao. Sa span ng nine months na buntis si Reese madalas niyang sinasabi na kapag may batik daw, ibibigay niya sa amin ni Junko. Ulol nga kasi talaga siya.
Tinapik ni Dad ang balikat ko. "What are you doing, anak?"
"His vows. Hanggang ngayon hindi pa siya nakakapagsulat. Habang si Junko, sure na may mahabang vows iyon."
"Shut up! Shut up okay?!" Sigaw ko. Inis na inis na ako sa kapatid ko. Natawa naman si Daddy. "May vows ka ba kay Mama noon?" Tanong ko.
"Meron yata. Hindi ko na matandaan pero para mas madali, Hunt, tell her what's really inside your heart." I couldn't believe that Dad can be this romantic. Pinakatitigan ko ang papel na hawak ko. Puro bura't sulat ang naroon. Napapailing na lang ako. May point si Dad, kailangan sabihin ko ang nasa puso ko.
"Okay na. Alam ko na ang gagawin ko."
Before I can do anything else, may ibinigay si Dad sa akin na isang malaking velvet box. Agad kong binuksan iyon. Of course, I like gifts. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang gold na pocket watch na may naka-engrave na Demitri sa gilid. I looked at Dad.
"It was a gift from your mother. She gave that to men on our tenth year anniversary and I am giving it to you as a wedding gift. It is your something old." I wanted to cry. All my life, pakiramdam ko palagi akong dapat may patunayan kay Daddy dahil sa palaging mas napipilis si Hyron kaysa sa akin. But having this as a gift, it made me feel like I am as important as Hyron for him. Walang ano-ano'y niyakap ko siya nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
One more night
General FictionMainitin talaga ang ulo ni Hunter Ray Demitri. In his opinion, siya ang nag-iisang pinakamatinong anak ni Yza at Helios Demitri. He spent his whole life trying to do good in his parents' eyes, but one incident made him doubt himself and it involves...