08. New ones

94.6K 3.4K 972
                                    


Hunt's

I looked at Junko. She was so scared. Pilit kong kinalma ang sarili ko at pinigilan ko ang sarili kong lumapit sa kanya. I am very disappointed with myself. Sa ginawa ko ngayon lalo ko lang napatunayan sa kanya na kaya kong gawin ang iniisip niya. I was just mad. I know it's not an excuse. I have anger problems kaya nga noon, dahil palagi akong napapa-away at palaging mainit ang ulo ko – right after I tried violating Lualhati pinadala ako ni Mama sa New York – sa isang emotion rehab roon para matulungan ako sa problema ko sa galit ko. But this woman, she's triggering every negative emotion inside my being.

Inayos niya ang sarili niya at tumayo na. She took her bag and her phone. Tumayo rin ako.

"Junko, I'm sorry. I was out of line."

Humarap siya sa akin.

"Out of line?! Uulitin mo na naman ba ang pambababoy mo sa akin?! Bakit ba hindi mo na lang aminin sa sarili mo na binaboy mo ako sa we can both move on?!"

"Paano ko aaminin ang isang bagay na hindi ko ginawa at wala akong kaide-ideya?" Kalmado pero mariing tanong ko sa kanya. "I know I can be a lot of things, Junko. But I can never do that. Siguro nga nagawa ka kay Hati pero iyong sinasabi mo noong gabing iyon hindi ko siya matandaan. Wala akong maalala at kahit anong gawin ko, hindi ko maalala ang sinasabi mong iyon. How can I do that? Naalala kong bago ka magpaalam noon ay masaya tayong dalawa. I told you how I felt about you – isa pa, hindi ako nakainom nang marami niyon. I never did---" Sinampal niya ako.

"Hindi ka nakainom? You were drinking like a sailor!" She hissed at me.

"Those were only ladies drinks!" Pag-amin ko. I was only eighteen then, hindi ako sanay uminom. Iyon ang isang bagay na ibinawal ni Papa sa aming magkakapatid. Hindi kami pwedeng makatikim nang alak hangga't hindi kami eighteen. At noong gabing iyon wala pa rin akong lakas nang loob para uminom ng hard kaya puro ladies drinks lang ang tinira ko noon. Uminom ako ng scotch pero ni hindi ko naubos iyon dahil para bang umikot ang lalamunan ko nang matikman ko iyon.

Props lang iyong pagkakahawak ko roon. Natatandaan ko at malinaw na malinaw sa akin dahil palagi akong inaasar ni Heath tungkol sa bagay na iyon. It was our little secret. Sa yabang ko ba naman kasi, kapag nalaman ng mga kaibigan ko na magpasahanggang ngayon ay tinitir ko pa rin ay ladies drink, pagtatawanan nila ako.

"I saw you, Hunter the morning after. You were there. It was your voice that I heard and your eyes that I saw that night. Binaboy mo ako at kung hanggang ngayon hindi mo maamin iyon, siguro nga dapat ka lang mabulok dito!"

Binuksan niya ang pinto at lumabas siyang padabog. Naiwan akong nagtataka. Ipinagpipilitan niya ang isang bagay na alam ko at sigurado akong hindi ko ginawa talaga.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ako ng lounge. Habang malalim ang pag-iisip ko ay napatatda ako nang makita ko si Yael na lumalabas ng kitchen na may suot na apron habang nakikipagkwentuhan sa chef doon.

"Sa uulitin, Yael. Palagi kang may dalang pagkain, mas masarap magluto iyong misis mo kaysa sa akin."

Tumawa ang pinsan ko. "The best si Misis eh. Sige Chef, mauna na ako."

Noon kami nagtama ng paningin. Tinanguan ko siya. Lumapit siya sa akin.

"Kamusta, Hunter?" Tanong niya. Mas matanda lang si Yael sa akin ng halos dalawang taon.

"Hell."


"Tara, yosi tayo." Yakag niya sa akin. Naglabas si Yael ng isang kahang Marlboro lights. Sumunod ako sa kanya. We ended up smoking in the roof top of the Consunji Hotels. Mula sa kinatatayuan namin ay natatanaw ko ang Skyline Vejar. Nakadalawang stick na si Yael habang ako, nakaka-isa pa lang.

One more nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon