Hunt's
"Thank you, Heath."
Inihatid ako ni Heath sa bahay ni Uncle Ninong. Wala na akong matatakbuha. Sa dami ng credit card at atm ko - wala naman nang kwenta ang mga iyon kaya heto ako sa harapan ng gate nila Uncle Ninong at kahiy hiyang - hiya ako ay sa kanya ako tatakbo.
Maga pa ang mukha ko pero hindi ko na iyon alintana. Pumasok ako sa bahay nila. Sinalubong kaaagad ako ni Ninang Nikita at puno nang pag-aalalang hinaplos niya ang mukha ko.
"What happened?" Tanong niya sa akin.
"Helios Demitri happened, Ninang. Si Uncle po?"
"Nasa itaas siya. Sige puntahan mo. Ipaghahanda kita ng hapunan."
Patapos pa lang amg araw na iyon pero ang dami-dami nang nangyari sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano bubuuin ang sarili ko pagkatapos nito. Sa isang iglap ay nawala lahat ng pinaghirapan ko at gumuho lahat ng pinaniniwalaan ko.
"Hunter, you look like hell." Ngumisi lang ako sa tinuran ni Uncle Ninong. Anak ako ni Helios at kung mukha akong impyerno ay dahil iyon sa kanya. I sat on the couch and face uncle. Bigla ay bumalik sa akin ang mga sinabi ni Dad kanina. Heath and I discussed that while driving here. Sinabi na raw ni Dad iyon sa kanya noong nakaraan pero ganoon pa ron ang impact sa kanya. Hindi pa rin niya alam kung paano niya pakikitunguhan ang katotohanang iyon.
Ako naman ay hindi ko maintindihan si Mama. If Dad violeted her, paanong nagpakasal pa sila? Stockholm syndrome ba ang sitwasyon nila? Is Mama really in love with Daddy o dahil lang sa may mga anak sila?
Tumitig ako kay Uncle.
"How did you manage to forgive the man who raped your twin sister?"
Natigilan siya saglit at saka nagbuntong - hininga.
"Masaya si Yza kaya nagawa kong tanggapin si Helios." Simpleng sagot niya. "Pero hindi ibig sabihin noon kinalimutan ko kung anong ginawa niya but as long as my sister is happy then I am okay with it."
Hindi ko talaga maintindihan. Is there such thing as that kind of happiness? Hindi pwedeng masaya ka lang para sa ibang tao tapos magiging masaya na rin ang sarili mo - being happy means being happy with yourself not because of others.
"Did you hear about me and Junko?" Iniba ko na lang ang usapan. Tumango na lang ako sa kanya.
"Katatawag lang ng Daddy mo para sabihin na itaboy kita, Hunter."
Napasimangot ako. Pati ba naman si Uncle ay maninipulahin niya? Tatay ko siya - hindi niya dapat sinisira ang buhay ko!
"But... I am my father's son pero tama rin naman si Helios. Kailangan mong matuto ng isang malupit na leksyon tulad noong ginawa ni Tatay kay Yael noon."
"Pahihirapan ninyo ako?" Nanlalaki ang mga mata ko.
"I understand your father, Hunter. Hindi ka man idemanda ni Junko dahil sabi nga ni Ares ay hindi na pwede maliban na lang kung aamin ka sa kasalanan mo - kailangan namang may mangyari sa'yo. You're thirty. You should be established by now pero nanghihingi ka pa rin ng pera sa mga magulang mo." Tumayo si Uncle Ninong.
"Starting tomorrow, magsisimula ka bilang maintenance attendant sa Consunji Hotels. You will be living in the quarters and will eat what those people eat, Hunter. Sana man lang sa pagkakataong ito, magawa ko ang hindi ko nagawa noon sa anak ko."
Napatulala lang ako habang nakangisi si Uncle Ninong sa akin. This is just fucking wrong!
"You are not a demigod anymore, Hunter. Isa ka na lang aliping saguiguilid ngayon. Deal with it."
BINABASA MO ANG
One more night
General FictionMainitin talaga ang ulo ni Hunter Ray Demitri. In his opinion, siya ang nag-iisang pinakamatinong anak ni Yza at Helios Demitri. He spent his whole life trying to do good in his parents' eyes, but one incident made him doubt himself and it involves...