18. Tangled

110K 3.8K 464
                                    


Junko's

Hunter has a house in Antipolo. Ikinagulat ko talaga ang bagay na iyon dahil ang buong akala ko puro pasarap na lang siya sa buhay. Sa isang linggong magkasama kami ay nakilala ko siya nang mas pa kaysa kay Alexious noong nasa Japan kaming dalawa. He was very playful, para talaga siyang bata kung minsan at talagang napakahilig niya sa kahit na anong manok. He once told me na mabubuhay siya kahit fried chicken lang ang kainin niya sa loon nang isang taon, I also discovered that he invests his money in the stock market – may ginagawa naman pala siya sa buhay niya, hindi lang talaga halata.

Wala pa rin akong balita kay Alexious. Hindi niya ako tine-text or kinakamusta man lang – hindi naman na problema sa totoo lang kasi sabi nga ni Hunter, bawal akong makipag-usap sa kanya. I don't mind not talking to him. Sa totoo lang, halos hindi ko na nga siya naiisip. Nag-aalala lang ako sa sasabihin niya sa akin oras na magkita kaming dalawa.

I was cooking lunch for Hunter that day. Hinihintay ko na lang siya. Ang sabi niya pauwi na rin siya dahil sinamahan niya si Heath na gawin ang something na hindi ko naman maintindihan. Habang iniaalis ko sa skillet ang manok na niluto ko para sa kanya ay narinig kong bumukas ang pinto sa living room. Hindi naman nagtagal ay sumilip na siya sa kitchen.

"Nandito ka na pala! Lika na, kain ka na. I cooked chicken!" I enthusiastically told him. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin pagkatapos mula sa likuran niya ay naglabas siya ng kulay puting cattleya. Isang piraso lang iyon pero ang ganda-ganda at hindi ko mapigilang ngumiti.

"Thank you, Hunter." I said at him. I could feel my heart leaping with joy. Hinalikan naman niya ako sa labi. "Kain ka na ha." Sabi ko pa. Ipinaghain ko na siya. Tumabi ako sa kanya habang nilalantakan niya ang manok na iyon. I was just looking at him and I am telling myself how lucky I am to have him – kahit na gaano kapangit ang naging simula naming dalawa, hindi ko pa rin maitatanggi that I like what we have now.

"What's wrong? Shocked by my demigod-like features?" Tanong niya na para bang nakakaloko. Kinindatan niya pa ako.

"Sira!" Tumawa ako at kinurot ang pisngi niya. "Pero ang gwapo mo. Sobra. Pakagat sa cheeks!"

"Iyong butt cheeks mo kakagatin ko din mamaya!" Nangigilgil na naman siya. Tumawa ako. Ginawa niya iyon noong nakaraan at talagang nagulat ako. Actually, I have learned a lot from him. Never in my thirty –ive years of existence did I imagine myself doing the things that he's teaching me.

He's a good teacher and according to him, I am great student.

Pagkatapos niyang kumain ay siya na rin ang nagligpit. Umakyat naman ako sa kwarto para ihanda iyong pampaligo niya. He usually takes a bath in the afternoon tapos mahihiga lang siya hanggang alas dos nang hapon and then he'll work out pagkatapos ng work out niya maliligo na naman siya tapos siya na rin ang naghahanda ng dinner. At night we would talk until I fall asleep. Magigising ako nang madaling araw nang nasa ibabaw ko na siya at ungol nang ungol. Minsan naitatanong ko sa sarili ko kung anong kabutihan ang nagawa ko and I am experiencing this kind of orgasms in the middle of the dawn.

Hunter is really loud when we make love – hindi siya nahihiyang sabihin kung anong gusto niya at sa paanong paraan niya ito gustong gawin. He's a very experienced lover and I kinda of like it.

"Hey..." Tumabi siya sa akin matapos niyang maligo. He smelled so good. Nasa kama ako at nagbabasa ng libro. Noon ko siya tiningnan.

"Nag-usap na ba kayo ni Heath?" I asked him.

"Yes. We went to Adonis Emilio. Reese freaked out about it. Siya iyong Thanatos at kilala niya si Alexious Morris." Ibinaba ko ang binabasa ko at tiningnan siya. Seryoso ang mukha ni Hunter ngayon. "Hindi ko sinabi sa'yo ito dati but I asked Reese to have a background check on him. It was normal at first but then when she dig deeper she found things that we can't explain but the most important fact is that he;s the one that wants our father dead."

One more nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon