Junko's
I watched as Mrs. Cho fix my things as I sat on the hospital bed. Ngayong araw ang labas ko ng ospital at ngayong araw ang punta naming sa Isla Verde. Sasama sa akin si Hyron at si Hati. Hindi pa daw kasi nauuwi noong dalawa si Cocoy sa Isla kaya sasabay sila ngayon. I was glad to have heard that but I felt gladder when Hyron confirmed that Hunter was tagging along with us.
"Are you excited, Junko?" Mrs. Cho asked. I just smiled a bit. "Makakabuti sa'yo ang bakasyon na ito, Miss Nagao. To take your mind off things." Pinisil niya ang kamay ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Hindi na muna ako mag-iisip. Gusto kong makahinga. Gusto kong kalimutan na nawalan ng saysay ang labindalawang taong inipon ko ang galit ko at ang pagkamuhi ko para kay Hunter Demitri – wala naman pala siyang kasalanan talaga.
I want to dig deeper kasi may kaunti pa ring porsyento sa puso ko na niniwala na siya nga ang gumawa niyon sa akin, but then the DNA says it all. It's authenticated at isa pa, hindi hahayaan ni Hyron na maloko pa ako. He said that it's real, isa pa, ipinatest niya rin sa ibang testing center ang DNA ni Hunter at ng nakuha sa anak ko – same lang ang lumabas na resulta – NEGATIVE.
"Hi!"
Ngumiti ako kay Lualhati nang pumasok siya. Hawak niya si Hecate na may dalang red roses para sa akin. Agad niyang inabot iyon at saka nagmano na rin.
"Ready ka na ba? Uuwi tayo sa Isla. Masaya doon. Mapapahinga ka."
"Thank you, Hati for doing this."
"Sus, wala iyon. Mahalaga ka kay Hyron kaya mahalaga ka rin sa akin. Pamilya na rin kita, Junko kaya h'wag na h'wag mong iisiping mag-isa ka. Dahil hindi, nandito ako, si Hyron, si Hecate, si Cocoy at si Mrs. Cho, mahal ka naming lahat."
"Si Hunter rin." Singit ni Hyron. Napatingin ako sa kanya.
"Ha?" Ano bang sinasabi niya.
"Si Hunter rin, nandito na. Nasa baba, nag-aabang lang sa atin." Ngumisi siya na para bang may alam siyang hindi ko alam. Napangiti na lang ako dahil sa ngisi niyang iyon. Ang presko lang tingnan ni Hyron at Hecate ngayon. Terno silang dalawa ng white shirt na may kwelyo at khaki pants. Si Lualhati naman ay na-dress na kulay yellow.
I am very grateful for this family.
Inalalayan ako ni Mrs. Cho na makababa sa kama. Si Hyron ang nagdala ng gamit ko habang si Hati ay hawak ang isa kong kamay. Nang makalabas ng silid ay sinalubong kami ng isang nurse na may dalang wheel chair. Umupo ako roon. Sa pagkakataong iyon ay si Mrs. Cho na ang nagtulak sa akin.
We reached the parking lot. Nakita kong naroon si Hunter, nakasandal sa van ni Hyron na tila ba naiinip. He's on his motorbike fashion sense again. Ang init pero naka-jacket siyang itim. Suot na naman niya iyong ripped jeans niya.
Tumingin siya sa akin.
"Hello." He greeted me.
"Hi." I greeted him back.
Ibinukas noong driver iyong pinto ng van. Tumabi si Hunter. Si Hyron ay inalalayan ako para ipasok sa van but the, all of a sudden, Hunter Ray carried me in his arms at saka maingat na ipinasok nga ako sa van. I saw Hyron grinning like a naughty little boy. Iyong para bang tuwang-tuwa siya.
"Okay ka na dito?" Tanong ni Hunter sa akin.
"Yes. Thank you."
"Maliit na bagay." Sagot naman niya. Pumwesto siya sa bandang likod. Si Hati ang katabi ko sa harapan. Sa tabi ng driver si Mrs. Cho habang si Hyron ay katabi si Hecate at karga ang anak nila.
BINABASA MO ANG
One more night
General FictionMainitin talaga ang ulo ni Hunter Ray Demitri. In his opinion, siya ang nag-iisang pinakamatinong anak ni Yza at Helios Demitri. He spent his whole life trying to do good in his parents' eyes, but one incident made him doubt himself and it involves...