[ Fiera's POV ]
"Kyaaaah we're here!!!" Sigaw ko ng masilayan ko na ang mystinious academy. Nag tatalon pa nga ako sa sobrang saya!
"Oo nga! Waaaaah!" At para kaming timang na nagtatalon dito ni Patty.
OMG nakaka excite naman pumasok ulit! Matapos kasi ang dalawang linggong sem break ay makakapasok na ulit kami dito! Yieee Em so excited!!! ^____^ oo nga pala. Sa dalawang linggong yun ay si Patty ang kasama ko. Nasa normal world lang kami. Nag shoshopping at gumagala gala lang. Siya na talaga ngayon ang bestie ko!
"Alam mo mamaya na tayo mag saya! Baka ma late pa tayo eh." Sabi ni Patty.
"Oo nga noh. Tara na nga!" Sabi ko naman. Nag lakad na nga kami papasok ng Mystinious Academy. Marami pa kaming nakakasabay na students habang papasok.
"Nakaka miss din pala talaga tong school na to noh?" Tanong ko kay Patty.
Andami nang nagbago sa Mystinious academy :/ matapos kasi yung war 1 year ago ay inayos ulit itong academy. Mas lumaki pa at lalong gumanda.
"Ay naku sinabi mo pa! Nakaka miss yung mga nangyari." Sagot ni Patty.
Natanaw ko si Luke mula sa malayo. At papunta siya dito sa direksyon namin ni Patty. Napangiti naman ako.
"Eh ayun hindi mo ba namiss?" Tanong ko kay Patty sabay turo kay Luke.
Automatic naman na namula ito at biglang nahiya. Wahahaha! Kahinaan talaga nito si Luke. Palibhasa boyfriend na niya. Oo sila na! Nung isang buwan pa. Pero mag bebreak din yan sa 23. Hindi bitter ah! Haha
"Uy Fiera maayos ba yung itsura ko? May dumi ba ko sa mukha? Magulo ba yung buhok ko?! Ano?!" Sunod sunod na tanong nito. Ay sus! Nakita lang si Luke na conscious na siya sa itsura niya.
"Wag kang mag alala mukha ka pa namang tao." Sagot ko. Hinampas naman niya ako sa braso. Napaka sadista talaga nito.
"Hi Honeybunch. Hi Fiera." Nakangiting bati ni Luke samin nang makalapit na siya.
"Ahehe hello Honeybunch..." Pabebeng sabi ni Patty.
Oo tama kayo ng basa. Honeybunch ang call sign nila! Ang corny nga eh noh? Di pa ginawang cake at cup cake.
At ayun na nga. Pinanuod ko nalang sila habang nag lalampungan sa harap ko. Jusko nakalimutan yata nila na andito pa ko!
"Fiera..." Napalingon ako ng may tumawag bigla sakin.
Nagulat ako ng makita si Ace. Pero mas nananaig ang kilig! Kyaaaaaaaaaaah!!!! I miss him T.T
"Hello Ace! Long time no see!" Sabi ko. Syempre hindi ko pinahalata na malapit na akong mag collapse sa kilig.
Kung hindi ko pa nasasabi sa inyo ay manliligaw ko na ang lalaking yan! Opo manliligaw ko na siya! Nag reklamo pa nga yan eh. Sabi niya mahal ko na din naman siya kaya kami na daw! Aba sabi ko hindi naman ako ganun ka easy to get! Kaya ligawan niya muna ako. Hindi porket mahal ko na siya eh ganun ganun na nalang na kami na agad! Syempre halos lahat ng babae ay pangarap na maligawan sila at maiparamdam sa kanila kung totoo bang mahal sila ng lalaking yun.
Right girls?
"I miss you." Nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin. Feeling ko namula ang pisngi ko tenga ko noo ko ilong ko ngipin ko buhok ko kilay ko pilik mata ko at buhok ko sa sobrang kilig! Uwaaaah em gonna die now!
"Yieeeee! Congrats dude."
"OMG kinikilig ako~"
Humiwakay bigla ako kay Ace nang ma realize na nasa gitna nga pala kami ng campus! Waaaah nakakahiya! PDA ang peg namin.
"Hello Kaizer! Hi Ynah!" Tawag ko kina Kaizer. Hindi namin namalayan na nasa likod na pala namin sila! Busy kasi kami ni Ace sa pag PDA kanina.
Anyway girlfriend ni Kaizer yan si Ynah. Mabait at cute! Pero mas cute ako :/ pero seryoso. Nakakatuwa dahil naka move on na sakin si Kaizer. Good for him!
"Tss. Istorbo -___-" Nakasimangot na sabi ni Ace. Siniko ko naman siya agad para umayos.
"Ahaha sorry naman. Namiss lang namin sila Fiera. Diba Love?" Sabi ni Kaizer sabay tanong kay Ynah.
"Oo nga Love! Masyado mo kasing sinosolo si Fiera, Ace!" - Ynah.
"Akin kasi siya. Kaya natural lang na solohin ko siya." Sabi ni Ace.
Hinarap ko siya. "Hoy hindi pa kita sinasagot!"
"Wahahaha basag!" Singit ni Luke na naka akbay kay Patty.
Kompleto na pala kaming mag totropa dito? Hindi ko napansin haha!
"Lul." Poker face na sabi ni Ace.
Kinurot ko siya bigla sa tagiliran.
"Aray!" Daing niya.
"Diba sabi ko sayo wag kang nag mumura?!" - ako.
"Oo. Sorry na." - siya.
"HAHAHA UNDER!" Kaizer/Luke.
Sinamaan ko silang dalawa ng tingin at naglabas ng fire ball sa kamay ko.
"Hindi kayo titigl jan?" Sabi ko at nakatutok ang fire ball sa kanilang dalawa.
"Under ka kay Fiera? I can't believe it dude! Isang Fiera Kim Cress lang pala ang makaka bihag sayo!" - Luke.
"Ganyan talaga. Mahal ko eh." Sagot ni Ace.
Napatingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Namaaan eh! Hindi ako kinikilig! Hindi talaga! Promise hindi talaga! Huhu >//////<
"Waaaah nag bablush siya!!!" *O* sabi ni Ynah at tinuro pa yung pisngi ko.
"Ahahaha oo nga noh!" Sabi naman ni Patty at pinisil pisil pa yung pisngi ko.
Huhu pinag tulungan po nila ko T.T
"KRRRIIIIIING!!!" Tunog ng bell. Sign na kailangan na namin pumunta sa room namin.
Saved by the bell!
"Lika na nga girls!" Sabi ko at hinila na sila Patty at Ynah.
"Sandali!" Sigaw naman ng tatlong lalaki. Bahala sila jan! Inaaway nila ko >.<
==========
Wait for my next update guys. Vote and comment 😉😘
BINABASA MO ANG
The Fire Princess 2 [COMPLETED]
FantasyThe war is not yet over. Dahil ang totoo, nag sisimula pa lang ang totoong laban. PS: Book 2 po ito ng The Fire Princess. Bago niyo ito basahin make sure na nabasa niyo na yun para hindi kayo malito sa daloy ng story! Paki tignan nalang po sa profil...