Chapter 16: Mysterious Enemy

2.3K 81 12
                                    

[ Fiera's POV ]

Shet. Katapusan ko na.

Mag dadasal na sana ako na sa langit ako mapunta nang biglang naputol ang buhok ni Flare kaya nalaglag ako. Aray ah! Sakit ng pwet ko.

"Don't you dare, hurt my girl." Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Ace na nasa harapan ni Flare na ngayon ay putol putol na ang buhok. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang putol na din ang katawan niya.

"FLARE!" Sigaw nang dalawang kasama niya. Sila Raven at Xinio. Susugurin na sana sila nila Luke nang tumakbo na ang mga ito palayo.

Tumayo na ako at lumapit kay Ace. Ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko. Buti nalang talaga dumating si Ace, kung hindi baga naging abo na ko ngayon.

"I'm sorry." Nsgulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Sorry saan? Ako nga dapat mag thank you sayo." Nagtatakang sinabi ko.

"Sorry dahil late ako. Sana kanina pa kita naligtas. Hindi ka na sana niya nasaktan pa." Sabi niya. Napangiti naman ako. Ang sweet niya talaga :'>

"It's ok. Wala kang kasalanan." Sabi ko.

"Ikaw kamusta ka? May sugat ka ba?" Tanong ko kay Ace.

"Wala. Ayos lang ako." Sabi niya.

Bumalik na kami kila Kaizer. Naupo muna kami saglit para ma heal ni Patty ang mga sugat namin. Si Ynah ang pinaka maraming natamong sugat sa aming lahat.

"Ok na." Sinabi ni Patty matapos niya akong iHeal. Ako na yung last. Buti nalang talaga ay may kasama kaming healer dito. Bumalik na nga pala ulit ang mga kapangyarihan namin.

"Sa tingin niyo, sino kaya ang maaaring mag utos sa Raven Tail para atakihin tayo?" Pagtatanong ni Kaizer.

"Wala akong ideya. Sa pagkaka alam ko patay na ang Dark king at Dark prince." Si Luke ang sumagot.

"Kung patay na sila. Hindi kaya... May bago tayong kalaban?" Sabi ni Ynah.

"Kung meron man, sino?" Tanong ni Patty.

"Sa ngayon wala tayong ideya kung sino ang nasa likod ng lahat ng to. Pero sinisigurado ko na may kaugnayan ito sa dark king at dark prince." Sabi ni Ace.

Napa isip ako. Sino kaya ang maaaring kalaban namin? Bakit hindi kaya siya mag pakita? Mas lalo lang akong natatakot sa mga pwede niyang gawin laban sa'min.

"Tara na guys." Tawag samin ni Patty.

"San tayo punta?" Tanong ni Ynah.

"Sumakay na tayo sa mga pegasus nang maka alis na tayo. Baka may dumating nanaman---" Hindi na natuloy ni Patty ang kanyang sasabihin nang sagutin ito ni Ynah.

"Wala na ang mga pegasus. Pinatay sila nung Raven."

Nanlaki ang mga mata namin. Hala seryoso?! Edi wala na kaming sasakyan?!

"Ano ba yan! Ang malas naman." Wala nang nagawa si Patty kung hindi bumalik sa pagkaka upo.

"Wala tayong choice kung hindi mag lakad." Sabi ni Ace. Tumayo na ito at naunang naglakad. Wala kaming nagawa kundi sumunod nalang sa kanya. Haynako nag iba nanaman po ang mood niya!

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon