Chapter 57: Surprise

2K 65 14
                                    

[ Fiera's POV ]

Isang linggo na magmula ang away namin ni Ace. At sa isang linggo na yun ay ni anino niya hindi ko naramdaman. Hindi siya nagpapakita sakin. Iniisip ko nga kung sinukuan na ba niya ako?

"Hoy Fiera baka gusto mo namang galawin yang pagkain mo?" Sabi sakin ni Ynah. Hindi ko kasi pinapansin yung pagkain kong nasa pinggan.

Nandito kaming tatlo ngayon sa cafeteria. Ewan ko dito ako niyaya nila Patty at Ynah eh.

Tapos na din ang pag dedesign nila sa gym at umalis na din daw yung haliparotang Hayley.

Sa isang bukas na yung Mystinious Ball kaya eto, problemado kami sa susuoting gown. I mean ako lang pala. May isusuot na daw kasi sila eh. Ang dadaya diba?

Napahinto kami sa pagkain nang biglang may dumating na lalaking estudyante sa harapan ng table namin. Hingal na hingal pa ito na akala mo tumakbo mula sa kabilang bayan hanggang dito.

"Fiera fiera!" Sabi nito.

Kumunot naman ang noo ko.

"Sino ka?" Tanong ko.

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Si Ace! Natagpuan sa likod ng campus na walang malay!" Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kila Patty at Ynah at ganun din ang reaksyon nila. Nagulat.

Tumayo agad ako at mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria. Habang tinatakbo ko ang daan patungo sa likod ng campus ay ang lakas ng tibok ng puso ko.

Shit. Anong nangyari sa kanya?! Kaya ba hindi ko siya nakikita nitong mga nakaraang araw?!

Pagdating ko dun ay natagpuan ko nga si Ace na nakahiga habang walang malay. Lumapit ako sa kanya at inalog alog siya.

"A-ace.. Ace wake up.." Naiiyak kong sabi.

Mag sasalita pa sana ulit ako nang bigla kaming binalot ng isang magic circle. Nag liwanag yun at tila hinihigop kami.

Nang mawala ang liwanag ay nanlaki ang mga mata ko.

Nasa isang isla lang naman kami ngayon!

Palubog na ang araw at maraming fairies ang nagliliparan.

Pagtingin ko sa likod ko ay nakita ko si Ace na nakatitig sakin habang nakangiti.

*DUG DUG DUG*

Napahawak ako sa dibdib ko. Shet yung puso kooo!!!

Lalo siyang gumagwapo pag ngumigiti! Nawawala yung mata niya! ^___^

"A-ace! Ano to? Asan tayo?" Tanong ko na kunwari galit.

Ayan na! Hindi na tuloy ako galit sa kanya! Sabi ko sa inyo eh, oras na makita ko siya mawawala na yung galit ko!

"Sorry na please? Bati na tayo." Tumayo ang balahibo ko sa boses niya. Ang husky!

Hinawakan niya ang mga kamay ko habang nilulunod ako sa mga titig niya.

"Hindi ko kayang magalit ka sakin. Ayokong hindi kita nakikita... Kahit isang araw. Pakiramdam ko kulang ako... Please? Mahal na mahal kita."

I gulped. Ilayo niyo sakin ang lalaking tooooo! Magagahasa ko to! Joke lang!

"Oo na!"

Mas lalo siyang napangiti.

"Anong oo?"

Nag iwas ako ng tingin.

"Oo na! Bati na tayo!" Sabi ko.

Hinampas ko ang braso niya. "Kaasar ka! Galit dapat ako sayo eh! Kung hindi lang kita nakita. Hmp."

Mahina siyang nataw. Palihim naman akong napangiti nang yakapin niya ako. Waaaah! Kakulay na talaga ng kamatis ang mukha ko ngayon! Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag niyakap ka ng taong mahal na mahal mo.

"Woooh bati na silaaa!" Agad akong napatingin sa mga taong lumabas sa likod ng mga puno at halaman.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita sila Ynah, Patty, Kaizer at Luke na nakangiti habang nakatingin sa'min.

Waaaaah kasabwat sila dito???!!!

==========
Sorry po ulit sa late update.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon