Chapter 24: Bloody Night (PART2)

2.1K 91 9
                                    

[ Fiera's POV ]

"Huli na tayo." Sabi ni Ace sa tabi ko habang pinagmamasdan ang paligid. Nangatog ang tuhod ko at nanghina ang kawatan ko nang makita ang kalagayan ni Patty. Walang buhay itong naka handusay sa lupa habang nakabaon parin ang ispada sa kanyang likod.

This is not happening. Wake me up please...

"Patty..." Napatingin ako kay Luke. Hinang hina ito habang nilalapitan ang walang buhay na si Patty. Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon. Wala na si Patty. Wala na ang bestfriend ko...

Naramdaman ko ang kamay ni Ace sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Nginitian ako nito. "Lapitan natin siya." Sabi niya. Tumango naman ako.

Habang papalapit kami kay Luke ay mas lalo pa naming naririnig ang pag hikbi nito. Kalong kalong niya sa kanyang dalawang braso si Patty. Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Nag unahan lumabas ang mga luha ko.

Bahagya akong lumuhod at hinagod ang likod ni Luke. Para kahit papano ay kumalma siya.

"Ang sarap sa pakiramdam! Ang sarap sa pakiramdam na makakita ng bangkay na galing sa mystinious academy." Napatingin kami kay Erza nang humalakhak ito. Ang sama niya. Napaka sama niya.

"Ikaw..." Tumayo ang balahibo ko sa boses na yun ni Luke. Nararamdaman ko ang matinding galit sa kanya. Nakakatakot ang titig at ang aura niya. Hinigit ni Ace ang braso ko at inilayo kay Luke. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Galit na siya." Sabi ni Ace. Huh? Hindi ko siya ma gets.

"Pinatay mo si Patty... Pinatay mo ang babaeng mahal na mahal ko..." Nakayukong sabi ni Luke.

"Eh ano naman ngayon? May magagawa ka ba? Wala! Isusunod na kita sa walang kwentang babaeng yon." Sabi ni Erza.

"Kukunin ko din ang buhay mo." Matapos sabihin yun ni Luke ay malakas na lumindol. Napakapit tuloy ako kay Ace.

"Anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Erza habang natutumba tumba.

Lumutang ang mga bato at nag form into a kind of monster. Sinugod ng mga batong halimaw si Erza pero walang kahirap hirap niya itong natalo gamit ang ispada. Itinapat ni Luke ang kamay niya kay Erza. Maya maya pa ay tumubo ang mga malalaking ugat sa tinatayuang lupa ni Erza. Pumulupot iyon sa braso at kamay ni Erza. Pero namilog ang mga mata ko nang nagkaroon iyon ng mga tinik.

"AAAAAAAHHH!!!!" Sigaw ni Erza. Wala siyang magawa. Siguro ay masyadong mahigpit ang mga ugat na naka pulupot sa kanya. Dumudugo na ang mga kamay at binti niya dahil sa tinik. Nakaka diri. Hindi kaya siya maubusan ng dugo dyan?

Naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Gumapang ang mga ugat at pumulupot sa ulo niya. Shit. Biglang dumilim ang paningin ko. Tsaka ko lang napagtanto na tinakpan pala ni Ace ang mga mata ko.

"Wag mong tignan." Sabi niya. Napa pout nalang ako at walang nang nagawa.

"AAAAAAAAAAHHHHH SHIT! A-AHHHH!!!!" Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Erza. Sigaw pa lang niya ay naimagine ko na ang ginagawa ni Luke sa kanya.

Pagtapos ng ilang segundo ay inalis na ni Ace ang kamay niya sa mata ko. Muntik na akong masuka nang makita ang itsura ni Erza. Halos matakpan na ng dugo ang buong ulo niya. Butas butas ang ulo niya at may mga nakabaong tinik. Luwa ang mga mata niya at wakwak ang leeg. Bumaliktad ang sikmura ko, kaya napaluhod ako at sumuka. Shit, hindi ko kinaya. Kadiri!

"Ganyan magalit ang isang Luke Earthfield." Sabi ni Ace. Matapos kong sumuka ay tumayo na ko.

Nakita kong buhat buhat ni Ace si Luke. Naka akay ang braso ni Luke sa balikat ni Ace habang inaalalayan itong makatayo. Siguro na sobrahan ito sa paggamit ng kapangyarihan.

==========
Vote and comment :)

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon