Chapter 26: Fiera vs Queen Elisa

2.3K 86 3
                                    

[ Fiera's POV ]

"Ugh bwisi!" Sigaw ko nang mapa upo nanaman ako sa lupa. Ilang beses ko nang sinubukang pumasok sa loob gamit ang teleportation spell pero sadyang ayaw talaga akong papasukin. Paano na to?! Hindi ako pwedeng bumalik kila Ace nang hindi nasasabi sa headmaster ang nangyari. Lalo na't Importanteng malaman niya ang mga sasabihin ko.

Natigilan ako nang mag iba bigla ang aura dito sa gubat. Humangin ng malakas at nanayo ang mga balahibo ko. Nag iba ang aura ng paligid. Para bang may paparating na demonyo.

"Well, well, well..." Muntik na akong tumalon sa gulat nang biglang may nag salita. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. At nakita ko ang isang anino ng babae sa dilim... Anino pa lamang nito ay nakaka kilabot na.

"Sino ka? Lumabas ka." Sigaw ko. Nag labas ako ng apoy in case na kalaban ang babaeng to.

Narinig ko ang mahinang halakhak niya. "Ako ang papatay sayo Fiera."

Kumunot ang noo ko. Kilala niya ako? Paano?

"Bakit mo ako kilala? Sino ka ba? Mag pakilala ka." Sigaw ko.

Napaatras ako nang dahan dahan itong lumabas mula sa dilim. Namilog ang mga mata ko at nanayo ang mga balahibo ko nang makita ang itsura niya. Meron siyang dalawang sungay at pure black ang outfit niya.

"Ako si Elisa." Pagpapakilala nito. Nakaka kilabot ang mga ngiti niya. Ngiti na hindi mo gugustuing makita.

"Elisa, Anong kailangan mo? Bakit ka naririto?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko? Isa lang naman ang kailangan ko..."

"Ano?"

"Ang buhay mo!" Agad akong umilag nang hagisan ako nito ng matalim na ispada.

That was close!

Pero bakit kaya gusto niya akong patayin? Anong kasalanan ko sa babaeng to?!

Kung gusto niya ng laban hindi ko siya aatrasan! Hindi pa ko pwedeng mamatay. Ayoko pang iwan ang mga mahal ko sa buhay.

"Fire blades!" Bigkas ko. Ikinumpas ko ang mga kamay ko. Lumitaw ang isang magic circle sa harapan ko. Nag liwanag yun at ilang sandali ay sunod sunod na nagbuga ng fire blades. Nag mistulan yong machine gun na fire blades ang bala.

"Shadow shield!" Bigkas naman ni Elisa. Nagkaroon ng maliit na shield sa harap niya. Nagtaka ako ng makita na sa maliit na shield niya napupunta ang lahat ng mga fire blades na binabato ko. Para bang hinihigop iyon ng kanyang shadow shield.

"Mahina pa ang elemento mo Fiera. Napag hahalatang wala kang laban sakin." Nakangisi nitong sabi.

"Ikaw ang mahina! Alam mo naman palang wala akong laban sayo bakit mo pa ako nilalabanan? Bakit hindi ka humanap ng ka level mo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Wala kang alam!" Sigaw niya. Ikinumpas niya ang kamay niya kasabay ng pag tilapon ko. Naramdaman ko pa ang sarili ko na humampas sa isang puno. Napangiwi nalang ako sa sobrang sakit.

"Nag paalam ka na dapat sa mga kaibigan mo. Dahil ito na ang huling araw mo dito sa magic world."

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon