[ Ynah's POV ]
"Magsibalik na kayo sa inyong mga klase ngayon din! Ang mahuhuling nandito sa hallway ay bibigyan ng kaukulang parusa!" Sigaw sa'min ng isang professor nang makitang hindi parin kami umaalis sa labas ng headmaster's office.
Sa sinabing yun ng professor ay unti-unti nang nag si-alisan ang mga estudyante dito.
"Sa tingin niyo sino kaya ang pwedeng gumawa nun sa Headmaster? Mahigpit na nga ang seguridad ng academy pero may kalaban paring nakapasok?" Wika ni Kaizer habang naka akbay sa balikat ko.
Naglalakad na kami ngayong anim sa hallway. Nakakatuwa nga dahil kompleto kami ngayon. Pero hindi yun ang nasa isip ko. Nag lalaro sa utak ko ang mga naganap kanina at sa headmaster.
Posible bang may traydor? Ayokong isipin pero pilit na sumisiksik sa utak ko na SIYA ang traydor.
Oo siya. Si Patty.
Siya lang ang tanging naiisip kong gagawa nun sa headmaster. Hindi ba nag paalam siya nung isang araw na pupunta siya sa office ng headmaster?
Ayokong isipin na siya nga ang traydor dahil alam kong hindi niya yun magagawa. Tsaka wala pa akong matibay na ebidensya para pag bintangan siya.
Kailangan ko muna siyang imbistigahan.
[ Fiera's POV ]
Andito na kaming lahat ngayon sa classroom at hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sino ang traydor dito sa Academy.
Kailangan kong malaman ng mas maaga upang hindi na madagdagan pa ang masasaktan dahil sa kanya.
"Bukas ng nga pala yung Ball! Kyaaah I'm so excited!" Sabi bigla ni Ynah. Lah kanina lang seryoso to ah?
"Yeah. Pero hindi ako excited." Sabi ko.
"What? Bakit naman? Masaya kaya yun! Maraming pogi hehe."
Napa irap nalang ako. Kahit kailan talaga tong babae na to.
"Class dismissed." Sabi ng professor namin.
Lumabas na kaming lahat sa classroom. Gabi na nga pala dahil madilim na ang kalangitan. Late na pala kaming pinalabas ng professor namin.
Kaming dalawa nga lang pala ni Ynah ang magkasama dahil hindi namin kaklase kanina sina Ace, Kaizer at Luke. Si Patty ay ewan namin kung nasaan.
Habang naglalakad kami sa hallway ay biglang nagsalita si Ynah.
"Fiera, I think may traydor dito sa Academy." Sabi niya na nag patigil sakin.
So napansin niya rin?
"Same tayo. Yan din ang kanina pang gumugulo sa isipan ko." Sabi ko.
"Talaga? Kung ganun may idea ka ba kung sino ang traydor?" Tanong niya.
Umiling naman ako. "Wala pa. Wala akong napapansing kaka-iba sa mga estudyante dito."
"Kung ganun wala ka pang idea kung sino ang traydor." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit ikaw? May idea ka ba kung sino?"
Tumingin tingin muna siya sa paligid na parang chicheck kung may tao ba bago siya nagsalita.
"Sa tingin ko si Patty." Natigilan ako sa sinabi niya. Si Patty? Paano naging si Patty?
"Huh? What do you mean?"
Kinwento niya sakin ang nangyari daw nung isang araw. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.
Nagulat ako at naguluhan nang marinig ang buong kinwento ni Ynah.
"T-talaga?" Tanong ko matapos niyang mag kwento. Sa sinabi ni Ynah ay talagang nakakaduda ang ginawa ni Patty. Tugmang tugma sa mga nangyari.
"Oo." Sagot niya.
"Pero kung talagang si Patty ang traydor, bakit niya magagawa yun sa headmaster?" Tanong ko kay Ynah.
Nagkibit balikat siya. "Yun ang kailangan natin malaman."
Magsasalita na sana ako nang may isang babae akong maaninag sa hindi kalayuan. Naka tayo siya sa gate ng academy at parang may hinihintay. Nakasuot siya ng cloak. Teka, kilala ko ang cloak na yun.
"S-si Patty ba yun?" Sabi ko sabay turo sa babaeng nakatayo sa gate ng academy.
Lumingon naman si Ynah sa tinuro ko. Nanlaki ang mga mata niya. "Oo nga noh. Anong ginagawa niya dun?"
Nagkatinginan kaming dalawa na parang nag-uusap sa mata.
Posible bang si Patty ang traydor?
BINABASA MO ANG
The Fire Princess 2 [COMPLETED]
FantasyThe war is not yet over. Dahil ang totoo, nag sisimula pa lang ang totoong laban. PS: Book 2 po ito ng The Fire Princess. Bago niyo ito basahin make sure na nabasa niyo na yun para hindi kayo malito sa daloy ng story! Paki tignan nalang po sa profil...