[ Fiera's POV ]
Pumikit ako at nag teleport kaming dalawa.
Lumitaw kami sa tuktok ng bundok. Humiwalay agad siya sakin at tinitigan ako ng masama.
"Dito mo ba gustong mamatay at dito mo ako dinala?" Sabi niya.
"Dito kita dinala para wala ka ng ibang maperwisyo." Sabi ko.
"Kahit ano pang gawin mo hindi mo ako mapipigilan!" Sigaw niya.
"Lahat gagawin ko mapigilan ka lang. At hanggat nabubuhay ka pa, hindi pa ako pwedeng mamatay." Sabi ko.
"Isa lang ang pwedeng matira sating dalawa. Mabubuhay ako at mapapatay kita!" Sigaw niya.
Nagkaron ng kulay black na magic cirlce sa harap niya at sunod sunod yun na nagpakawala ng maraming dark shadow blades papunta sakin.
Akala ba niya magpapatalo ako?
Tinaas ko ang kamay ko at gumawa ng kulay pulang magic cirlce sa aking harapan. Nagpakawala naman yun ng maraming fire balls papunta kay Elisa. Ang kinalabasan ay nag babanggaan ang fire ball ko at ang dark blades niya.
Kung saan saan tumatama ang kapangyarihan namin kapag nag babanggaan kaya paulit ulit na nagkakaron ng pagsabog sa paligid namin.
Nang tumigil na siya ay tinigil ko na din ang atake ko. Nakita kong sinummon niya ang kanyang Dark Swords at tinutok sakin.
"Itong espada na to ang ibabaon ko sayo Fiera. Sisiguraduhin ko na hindi matatapos ang gabing ito na hindi kita napapatay." Sabi niya.
Ngumisi naman ako at nilabas din ang espada ko. Tinutok ko sa kanya yun.
"At ito naman ang ibabaon ko sa dibdib mo Elisa. Wag ka ng umasa na mapapasayo ang mundong ito. Dahil kahit nuon pa man, hindi ka nababagay dito." Sabi ko.
Nakita kong nag igting ang bagang niya. "Papatayin talaga kita!" Sigaw niya at sinugod ako.
Hinanda ko ang aking sarili at hinintay ang paglapit niya sakin. Nang makalapit na siya ay hinarang ko ang espada ko dahilan para ito ang sumalo sa espada ni Elisa.
"Magkamatayan na tayo Elisa!" Sigaw ko.
Sunod-sunod na nag banggaan ang mga espada namin. Tanging tunog lang ng mga ito ang maririnig mo dito sa lugar.
No matter what happen, hindi dapat ako ang mamatay dito. Kundi si Elisa, dahil oras na ako ang mamatay kawawa na ang magic world. Mapasasakamay na ito ni Elisa na siyang hindi ko hahayaang mangyari.
Saglit kaming tumigil at tumalon palayo sa isa't isa. Tinitigan niya ako ng masama. Ganun din ginawa ko.
Tinapat niya ang palad niya sakin at naglabas ng Dark Energy papunta dito sa kinaroroonan ko. Tinapat ko din ang kamay ko sa kanya at naglabas ng Fire Energy papunta sa kinaroroonan niya.
Nagbungguan ang mga kapangyarihan namin at pilit na nag tutulukan palapit sa isa't isa. Kailangan kapangyarihan ko ang manaig. Pinipilit kong palakasin ang pwersa ko pero pinapalakas niya din ang pwersa niya.
Hanggang sa...
Naisip ko ang sword na binigay sakin ni Cassiopeia. Baka makatulong ito. Alam kong makapangyarihan ito dahil sa kanya pa ito nagmula. Tama gamitin ko yun at baka sakaling makatulong.
"Katapusan mo na Elisa!" Sigaw ko at kinuha ang sword sa likuran ko. Tinutok ko yun kay Elisa at naglabas ng malakas na Fire Energy yung sword. Nanlaki yung mga mata ni Elisa ng makitang unti-unti nang humihina yung Dark Energy niya. Palapit na din ng palapit sa kanya ang dalawang Fire Energy ko.
BINABASA MO ANG
The Fire Princess 2 [COMPLETED]
FantasyThe war is not yet over. Dahil ang totoo, nag sisimula pa lang ang totoong laban. PS: Book 2 po ito ng The Fire Princess. Bago niyo ito basahin make sure na nabasa niyo na yun para hindi kayo malito sa daloy ng story! Paki tignan nalang po sa profil...