Chapter 25: Goodbye Patty

2.2K 87 8
                                    

[ Fiera's POV ]

"Dalhin natin si Patty. Gusto kong bigyan siya ng maayos na libing." Sinabi ko kay Ace habang naka upo sa tabi ni Patty. Wala parin akong tigil sa pag iyak. Hindi ako makapaniwalang wala na talaga siya. Ang bilis ng pangyayari.

"Sige. Kung yan ang gusto mo." Sinagot sakin ni Ace habang inaalalayan makatayo si Luke. Hinawakan ko ang mga kamay ni Patty.

"Mamimiss ka namin." Bulong ko. Mas lalo lang akong naiyak. Hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang mawalan ng isang kaibigan. Talagang hindi natin masisiguro ang itatagal ng buhay natin.

"Umalis na tayo." Sabi ko kay Ace. Tumayo ito at humawak na sa balikat ko. Pumikit ako at mabilis kaming naglaho.

Lumitaw kami sa malayong parte ng gubat. Kung saan ko dinala si Kaizer at Ynah.

"Buti dumating na--- Oh my god." Napatakip sa bibig niya si Ynah nang makita niya kami. At si Patty na patay na. Alam ko na ganyan talaga ang magiging reaction niya.

"Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Kaizer. Napayuko ako.

"Patay na siya. Pinatay siya ni Erza." Sagot ko. Tumulo nanaman ang mga luha. Pero this time hindi na ko nag iisa. Pati si Ynah ay umiiyak na din. Sunod sunod ang paghikbi niya.

Inihiga muna ni Ace si Luke sa lupa. "Ilibing na natin siya."

***

Matapos ang ilang oras na pag huhukay ay nailibing na namin si Patty. Nakapalibot kaming lima sa pinaglibingan sa kanya. Si Luke ay gising na pero walang balak tumigil sa pag iyak. Nakaka awa ang kanyang sitwasyon ngayon. Hirap na hirap siya at labis na nasasaktan. Kung meron man saming sobrang nasaktan sa pagkawala ni Patty ay si Luke yun.

"Hindi ko inakalang ganun kabilis siyang mawawala." Sabi ni Ynah.

"Pinag handaan talaga nila ang plano nila." Sabi naman ni Kaizer.

"Mag babayad silang lahat. Kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito." Kalmado pero may halong bighating sabi ni Luke.

"Guys. Paano natin to sasabihin sa academy? At sa mga magulang niya..." Tanong ko.

"Fiera, pumunta ka ng Mystinious Academy at ipaalam sa headmaster ang nangyari." Sabi ni Ace. Ilang segundo akong natahimik. Sigurado ba siya?

"Ayokong iwan kayo." Sabi ko.

"Wag mo kaming alalahanin. Ang importante ay malaman ito ng headmaster." Sabi pa niya.

Wala na akong nagawa. Alam ko naman hindi siya magpapatalo. Tumayo na ako at mabilis na naglaho.

Sana lang ay matapos na ang lahat ng ito. Sana wala nang iba pang mawala. Sino ba kasi ang sinasabing kalaban?

Nagulat ako ng natigil ang aking teleportation spell at napa upo ako sa lupa. Anong nangyari? Bakit huminto ang aking teleportation spell? Pagtanaw ko sa academy ay nakita kong binabalot yun ng kung anong mahika. Tsaka ko napagtanto na may barrier nga pala ang academy.

Shit naman! Paano ko masasabi sa headmaster ang nangyari kung hindi ako makapasok sa loob?! Hindi pwede to. Kailangan ko itong gawan ng paraan.

[ Queen Elisa's POV ]

Kanina pa ako humahalakhak dito sa aking trono habang umiinom ng alak. Napanood ko sa aking bolang crystal ang buong pangyayari. At ikinatutuwa kong napatay ni Erza ang isa sa mga estudyante ng mystinious academy. Kahit papano ay nabawasan ang mga hadlang sa plano ko.

Ngunit tumaas ang isang kilay ko nang makitang hindi makapasok si Fiera sa mystinious academy. Sa pagkat nababalot ito ng malakas na barrier.

Sumilay ang ngiti sa labi ko nang may maganda akong naisip. Inilapag ko ang alak sa gilid ng trono ko. Tumayo ako at hinubad ang aking korona. Si Fiera.

Siya ang babaeng pumaslang sa aking anak at asawa. Siya ang babaeng matagal ko ng gustong paslangin!

At ngayon na ang pagkakataong iyon.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon