[ Cassiopeia's POV ]
"Hindi ito maaari..." Sambit ko sa aking sarili habang pinapanood ang nagaganap na kaguluhan sa Mystinious Academy.
Batid ko ang buong pangyayari. Alam kong itinapon ni Elisa si Fiera sa ibang mundo. At walang iba kundi sa underworld.
Tama ang sinabi ni Elisa. Si Fiera ang tagapagligtas. Siya ang itinakda sa propesiya na balang araw ay mag papabagsak sa mga dark sides. Ngunit paano niya gagawin ang kanyang mission kung malayo siya dito? Pero hindi... Hindi dapat ako mag aalala dahil kung karapat dapat nga talaga siyang maging tagapag ligtas ay magagawa niyang maka alis ng underworld sa sarili niyang pamamaraan.
Pero hangga't wala pa siya ay kailangan kong pangalagaan ang mga naiwan niya. Hindi nararapat na magtagumpay ang maitim na balak ni Elisa.
Oo Isinumpa ako ng bathalang kataas taasan na hindi na ako pwedeng lumapit sa mga kapwa kong mamamayan dito sa magical world dahil sa kasalanang umibig ako sa isang dark sides... Si Liardo.
Ngunit kahit ganon, hindi ko pwedeng talikuran nalang ang mga minsan nang naging kakampi ko. Kailangan ko silang protektahan hangga't hindi pa bumabalik si Fiera.
Mula sa aking bolang crystal ay nakita kong naglaho si Elisa at lumitaw sa likod ng headmaster. Agad akong nag palit pandigma at sinummon ang aking ispada.
Akmang sasaksakin na ni Elisa ang head master ngunit dumating ako. Isang malakas na sipa ang binigay ko kay Elisa, dahilan para tumalsik ito palayo.
"Cassiopeia?" Gulat na sabi ng Headmaster.
"Ako nga Harold." Sabi ko.
"Bakit nandito ka? Hindi ba isinumpa ka na bawal ka nang lumapit sa mga mamamayan ng magical world?"
"Alam ko. Pero hindi ko kakayanin na maupo lamang at panoorin kayo habang pinapaslang ni Elisa. Kahit papaano ay mahalaga ang mga taong naiwan ko dito."
"Maraming salamat at hindi mo parin kami iniiwanan kahit na tinakwil ka na namin." Isang ngiti lang ang sinagot ko kay Harold, ang headmaster.
"Cassiopeia?" Tumingin ako kay Elisa.
"Ako nga."
"Umalis ka dito! Huwag kang maki alam sa mga plano ko." Itinutok ko ang ispada ko sa kanya.
"Huwag mo nang ituloy kung ano man ang binabalak mo. Dahil hindi ka din magtatagumpay." Nakita kong nag igting ang bagang niya.
"Let see. Nang dahil jan sa pakiki alam mo ay isasama na kita sa mga papaslangin ko!"
"Iyon ay kung mapapaslang mo ako."
Sumugod sa direksyon ko si Elisa at ganun din ang ginawa ko. Gagawin ko ang lahat para harangin ang balak niya.
[ Third Person's POV ]
Nagtama ang mga ispada ni Cassiopeia at Elisa nang Mag salubungan ang mga ito. Matinis ang tunog ng kanilang mga ispada. Rinig na rinig ang tunog ng mga iyon kada nag tatama.
Nagkataon na sabay silang nag sipaan kaya sabay nilang nabitawan ang kanilang mga armas.
"Ano't nagbalik ka?" Tanong ni Elisa. Nag tititigan lang silang dalawa at handa sa kung sino man ang umatake.
"Wala ka nang paki alam. Basta hindi ka mag tatagumpay sa masama mong binabalak."
Nag init ang ulo ni Elisa. "Pakilamera!" Nagbato ng shadow ball si Elisa. Hindi iyon nailagan ni Cassiopeia. Tumalsik siya at nakadapang bumagsak sa lupa.
"Hindi mo ako kaya Cassiopeia! Kaya kung ako sayo bumalik ka nalang sa lungga mo."
Pilit na tumayo si Cassiopeia kahit nahihirapan.
"Ikaw ang bumalik sa lungga mo. Dahil mabibigo ka lang sa kung anong pinaplano mo."
"Tignan natin kung sino ang mabibigo!" Biglang may itim na kadena ang pumulupot sa katawan ni Cassiopeia. Nang itaas ni Elisa ang kamay niya ay lumutang din paangat si Cassiopeia.
"Useless ang pangingialam mo! Dahil mamamatay ka din ngayon." Sambit ni Elisa habang kinokontrol ang pag angat ni Cassiopeia.
"Wag kang pasisiguro!" Gamit ang nakalabas na kamay ni Cassiopeia ay naglabas ito ng enerhiya at tinira kay Elisa. Tumalsik si Elisa dahilan para maglaho ang kadenang nakapulupot kay Cassiopeia.
"Ngayon mo sabihing hindi kita kaya." Nakangiting aso na sabi ni Cassiopeia.
"Hindi pa tayo tapos." Tumitig muna ng matalim si Elisa kay Cassiopeia at Harold bago ito naglaho.
"Maraming salamat at dumating ka Cassiopeia." Sabi ni Harold.
"Walang anuman. Gusto ko lang tumulong. Lalo pa't nasa panganib ngayon si Fiera at ang kanyang mga kaibigan." Sabi ni Cassiopeia.
Nagulat ang headmaster. "A-ano? Anong nangyari sa kanila?"
"Mabuti pa ay ikaw na mismo ang umalam. Lalo pa't hindi na ako maaaaring mag tagal dito."
"Sandali---" Hindi na natuloy ni Harold ang sasabihin dahil bigla nalang itong naglaho.
BINABASA MO ANG
The Fire Princess 2 [COMPLETED]
FantasyThe war is not yet over. Dahil ang totoo, nag sisimula pa lang ang totoong laban. PS: Book 2 po ito ng The Fire Princess. Bago niyo ito basahin make sure na nabasa niyo na yun para hindi kayo malito sa daloy ng story! Paki tignan nalang po sa profil...