Chapter 19: Battle With Sabertooth

2.4K 100 21
                                    

[ Fiera's POV ]

"I'm gonna kill you all!" Sigaw ni Minerva. Naglabas ito ng dark energy sa kanyang palad at ibinato sa direksyon namin.

"Ako nang bahala." Sabi ni Kaizer at tinapat ang kamay niya sa dark energy na paparating sa kinaroroonan namin. Lumikha ng makapal na tubig si Kaizer at pinasalubong sa dark energy. Pero nagulat kami nang maglaho yun nang bumangga sa dark energy.

"Ilag!" Sigaw ni Ace. Yumuko kami para iwasan ang dark energy. Mabuti nalang naiwasan namin yun agad, pero sumabog yun sa hindi kalayuan.

"Ace, pag samahin natin ang element natin para makagawa tayo ng malakas na pwersa." Sabi ni Kaizer kay Ace, agad naman itong tumango.

"Air tornado!" Bigkas ni Ace. Nagkaroon ng malas na buhawi sa gitna ng gubat. Sa sobrang lakas ay nakaka likha na yun ng makapal na usok.

"Water tornado!" Bigkas naman ni Kaizer. Nagkaron ng maliit na water tornado sa palad niya, pero nang pakawalan niya ito ay naging higanteng tubig na buhawi ito na kasing laki ng Air tornado. Naka likha sila ng isang malaking ice nang pagsamahin nila ang kanilang element.

Nagtinginan sila Kaizer at sabay na tumango. Signal na gawin na ang pag atake.

Nahati sa maliliit ang higanteng yelo. Pero namangha ako nang mag korteng ispada ang mga nabitak na yelo. Naka lutang lang ang mga iyon sa ere at nakatutok kila Minerva. Na ano mang oras ay pwede nang ipang atake.

"Release." Sabay na bigkas ni Ace at Kaizer. Then it happened. Sa isang kisap mata ay sabay sabay na sumugod ang mga ice sword sa kinatatayuan nila Minerva. Pero nagtaka ako nang hindi manlang sila natakot.

"Rufus." Tawag ni Minerva kay Rufus. Ngumiti yung Rufus at nagtungo sa gitna. Parang alam na alam na niya ang kanyang gagawin. Bigla tuloy akong kinabahan.

Pumikit si Rufus at humawak sa kanyang sintido. "Memorized." Bigkas nito. Agad akong naguluhan.

Memorized? What does he mean by that?

"Shit. Naloko na! I think he's using a memory magic." Sinabi ni Ace nang makita niya ang ginagawang konsentrasyon ni Rufus.

"Right. At kaya niyang gayahin ang bawat ataking ibabato natin." Sabi naman Patty.

Tatama na sana sa kanila ang mga ice sword ngunit kasabay ng pagdilat ni Rufus ay ang paglaho ng mga ito. Tinapat niya ang dalawang kamay niya sa direksyon namin.

"Memory make; Ice sword thunder!" Bigkas ni Rufus. Sa isang iglap ay lumitaw sa taas namin ang nga ice sword na ginawa ni Kaizer. Pero hindi na ito basta ice sword nalang. Binabalot na ito ng malakas na kidlat.

"I've memorized your magic." Sabi ni Rufus. Kung ganun pala, ginagamit niya ang memory niya para kopyain ang magic ng iba. At mas pinapalakas pa niya ito bago niya ibato sayo pabalik.

"Plants shield!" Bigkas naman ni Ynah. May bumulagang malaking bulaklak sa kinatatayuan namin at nag mistulan yun na bubong namin at animo'y pinoprotektahan kami. Sa plants shield tumama ang mga ice sword thunder, at bawat pagtama nun ay sumasabog. Mabuti nalang matibay ang ginawang shield ni Ynah.

Naglaho ng kusa ang Plants shield nang maubos na ang ice sword thunder.

"Guys, pano natin sila lalabanan?" Tanong ni Luke.

"Hindi ko alam. Malakas sila at kakaiba ang mga kakayahan nila." Sagot ni Kaizer.

"Mukhang hanggang dito nalang ang buhay natin." Sabi ni Ynah.

"Wag ka ngang ganyan! Makakapag isip din tayo ng paraan kung pano sila matatalo." Sabi sa kanya ni Patty.

"Oo nga naman. Kung ano-ano pang sinasabi mo jan eh." Sabi ko nalang.

"Reivy, Attack them." Utos ni Minerva dun sa Reivy na kanina pa tahimik. Tumakbo na papalapit yung Reivy dala ang kanyang dalawang samurai.

"Ako na ang sasalubong sa kanya." Presinta ni Luke at nilabas ang kanyang Axe made of earth.

"Luke wag!" Pigil sa kanya ni Patty pero tumakbo na si Luke upang salubungin yung Reivy.

"Shit tignan niyo!" Biglang sabi ni Kaizer. Pagtingin namin sa taas ay nakita namin ang libo libong white shadow blades ang tatama samin. Pagtingin ko kila Minerva ay nakangisi sila. Lalo na si Sting.

"Fire shield!" Bigkas ko. Sa isang iglap ay pinalibutan kami ng shield, made of fire.

Mula dito ay natatanaw namin si Luke na nakikipag laban kay Reivy. Ngayon ko lang nalaman na magaling palang humawak ng ispada si Luke.

Nakita ko naman ang pag aalala ni Patty kay Luke kaya niyakap ko nalang ito para pakalmahin ang loob niya.

Muli kong binaling ang tingin kila Luke. Ang bilis ng bawat galaw ng kanilang ispada. Para bang alam na nila ang sunod na atake ng isa't isa.

Pero nag simula akong kabahan nang mapansin na unti unti nang natatalo si Luke.

"Natatalo na siya. Kailangan na niya ng tulong natin." Sabi ni Kaizer.

"Ako na ang lalabas!" Presinta ko.

Pumikit ako at mabilis na naglaho. Lumitaw ako sa gilid nung Reivy. Napansin niya agad ako kaya akmang sasaksakin niya ako pero nagpalabas ako ng fire blast. Dahilan para tumalsik ito palayo.

"Halika na." Hinawakan ko si Luke at mabilis kaming naglaho. Lumitaw kami sa loob ng fire shield na ginawa ko.

"Thanks Fiera." Hinihingal na sabi ni Luke. Agad siyang niyakap ng mahigpit ni Patty.

"Masyado niyo na akong pinapahirapan! Hindi na ko natutuwa sa inyo kaya tatapusin ko na to." Nakangising sabi ni Minerva.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya at bumubuo ng malakas na dark magic. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makitang namumuo na ang itim na aura sa dark magic niya. Sign na magiging malakas ang ataking yun.

Nagulat kami ng maglaho ang fire shield na ginawa ko. At narealize namin na nakatali na kami ngayon sa malaking ugat na nanggaling sa lupang tinatayuan namin. Tsaka lang namin napagtanto na nasa gilid namin si Rufus while using his memory magic.

"I've memorized your magic." Sabi nito. Tinutukoy niya ay yung nature magic ni Ynah.

"Ugh! Pakawalan mo kami!" Sigaw ni Ynah.

"Nope. Ito na ang katapusan niyong anim." Sabi ni Rufus.

"Memory... Replace." Bigkas ni Rufus at sa isang iglap ay naroroon na siya sa kanina niyang pwesto, sa tabi ni Minerva.

"Fck!" Napamura si Ace nang makitang pinakawalan na ni Minerva ang higanteng dark energy. Pabulusok na ito ngayon sa kinaroroonan namin. Bawat punong nadaraanan ng dark energy ball ay namamatay at nag iiwan ng itim na aura.

"Shit katapusan na natin!" Sigaw ni Luke.

"AAAAAAH!!!" Napasigaw nalang kaming tatlo nila Patty nang tatama na samin ang higanteng dark energy. Pero ilang segundo pa ay walang tumama samin. Natahimik na din ang buong lugar.

Pagtingin namin ay may isang babaeng naka armor ang nasa harapan namin ngayon. Kulay pula ang mahaba niyang buhok at may dala itong ispadang bakal. Nakatalikod siya samin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero kahit ganun, alam ko na maganda siya.

Sino kaya siya at bakit niya sinalo ang malaking dark energy? Bakit niya kami iniligtas?

==========
Vote and comment! 😊

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon