Chapter 8: Attack

3K 106 7
                                    

[ Fiera's POV ]

Pagdating namin sa next subject namin ay parang may gyerang nagaganap sa loob ng classroom dahil sa gulo ng mga classmates namin. Haays. Ano pa bang bago? Dumiretso na kaming tatlo sa upuan namin sa bandang likod.

"Hoy nag review ba kayo?" Tanong ni Patty.

"Huh bakit?" Tanong naman ni Ynah.

"Hindi niyo ba alam? May quiz tayo ngayon." Sagot ni Patty.

"Shet oo nga pala!" Sabi ni Ynah.

"Halaaa nakalimutan ko!" Sabi ko.

"Sus kahit naman alam mo hindi ka mag rereview!" Sabi sakin ni Patty.

Napasimangot naman ako. Sa bagay tama naman siya. Nakakatamad kasing mag review eh. Tapos mamaya yung nireview mo hindi naman pala lalabas sa quiz. Sayang lang diba?

"Eh ikaw nag review ka ba?" Tanong ni Ynah kay Patty.

"Syempre hindi!" Sagot niya.

Aba tignan mo! Kung makapag salita isa rin pala siya.

"Oh tignan mo! Ang yabang mo pa ah." Sabi ko.

"Hindi ko na kailangan mag review dahil makakapasa ako sa pamamagitan nito!" Sabi niya sabay labas ng X-ray glasses na kinuha niya sa ilalim ng lamesa niya.

Nanlaki ang mga mata namin. "Hoy saan mo yan nakuha?" Tanong ni Ynah.

"OMG mandadaya ka?!" Tanong ko.

"Ayaw niyo bang pumasa?" Tanong niya.

Ang X-ray glasses ay ang salamin na sinusuot. Kayang tumagos ng paningin mo kahit pa sa makapal na pader basta't suot mo ang salamin na yun. In short, kayang kaya mong mangopya gamit ang salamin na yun. Hindi halatang X-ray glass yun dahil mukha lang yung ordinaryong eye glasses.

"Syempre gusto! Sige gamitin natin yan mamaya ^___^" Tuwang tuwa na sabi ko.

Ngayon lang naman! Next time ay hindi na kami mandadaya.

"Good morning class." Sabi ng prof namin habang papasok ng classroom. Siya si Prof. Bellatrix.

Nag sibalikan na ang mga classmates namin sa mga upuan nila at tumahimik na akala mo ay mga santo. Strict kasi ang prof na to kaya ganun nalang ang kanilang takot dito.

Ikinumpas ni Prof. Bellatrix ang kanyang kamay. Nag lutangan naman ang mga librong nakapatong sa lamesa niya at kusang lumapag sa bawat table namin.

Nag simula na itong mag lecture at kaming lahat ay seryosong nakikinig lang sa kanya. Kailangan namin makinig at maunawaan ang mga tinuturo niya dahil mamaya ay mag tatawag yan at mag bibigay ng question about sa diniscuss niya.

*BOOOOOOGSH*

Napasigaw kaming lahat sa gulat nang biglang may malakas na sumabog. Natigil din sa pag lelecture si Prof. Bellatrix at lumabas upang tignan kung ano ang nangyari. Pagkalabas naman ng prof namin ay nag ingay na muli ang buong klase. Kinakabahan sila sa nangyaring pagsabog.

"Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ni Ynah.

"Hindi ko alam! Pero mukhang nanggaling sa gitna ng academy ang pagsabog." Sagot ni Patty.

"Sana lang walang nasaktan." Sabi ko nalang.

Pati ako ay kinakabahan! Kakaiba ang nararamdaman ko dito. Natahimik at napatingin kami kay Prof. Bellatrix nang pumasok ito sa classroom. Gaya namin ay halatang kinakabahan din ito.

"Utos ng Headmaster ay maayos na bumalik ang lahat sa kani kanilang dormitories." Panimula nito.

Nagtayuan naman na kami at naglabasan ng classroom.

"Oh my god." Napatakip kami sa aming bibig nang makita ang nangyari sa kalagitnaan ng academy.

Nagkaroon ng mistulang malaking hukay sa gitna ng academy dahil sa malakas pagsabog. Pero mas nakakakilabot ang mahigit sampung estudyante ang walang buhay at naliligo sa sarili nilang dugo.

"Sino kaya ang may gawa nito?"

"I bet galing yan sa mga kaaway."

"Grabe naman ang gagawa nito."

Yan ang mga bulungan ng mga estudyante sa paligid. Tulad namin ay kinakilabutan din sa mga nakita. First time ko lang makakita ng bangkay at duguan sa mismong harapan ko.

"Shit. Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kila Ace na nakakarating lang. Bakas sa mukha nito ang pag alala at pawis na pawis pa to.

"Ok ka lang Ynah?" Tanong ni Kaizer kay Ynah.

"Nasaktan ka ba Patty?" Tanong naman ni Luke kay Patty.

"Fiera answer me. Are you ok?" Nag aalalang tanong ulit ni Ace sa'kin.

Hinarap ko siya at nginitian. "Yeah. I'm ok, don't worry." Sagot ko.

"Thanks god." Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Ace ano bang nangyayari?" Tanong ko kay Ace.

"Hindi rin namin alam. Miski kami nagulat din ng biglaang may sumabog. At ikaw agad ang naisip ko." Sabi niya.

"To all students, please proceed to your dormitories quickly." Sabi ng Headmaster sa pamamagitan ng malaking speaker.

Nagpaalam na kami sa mga boyfriends namin na kailangan na naming bumalik ng dorm dahil utos ng head master.

***

"Nakakapagtaka. Ano kayang pakay ng gumawa nun?" Nagtatakang tanong ni Ynah na ang tinutukoy ay ang naganap na pagsabog kanina.

Andito na kami sa dorm namin at nakaupo kami sa couch habang nag uusap. 11:30pm na nga pala at hanggang ngayon gising parin kami, dahil pinag uusapan namin ang nangyaring pagsabog kanina. Alam kasi namin na hindi lang yun pwedeng bastang isabahala nalang. Nararamdaman namin ang aura ng isang dark sides.

*TOK TOK TOK!*

Napatigil kami sa aming pag uusap nang may kumatok sa pinto ng dorm namin. Nagkatingin kaming tatlo.

"May bisita kayo?" Kunot noong tanong ko sa kanila.

Sabay naman silang umiling.

"Wala akong pinapunta." - Ynah.

"Wala rin ako." - Patty.

"Eh sino yun?" - Ako.

"Wait." Sabi ni Patty at nag prisintang mag bukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata namin nang makita kung sino ang taong kumatok.

"Prof. Bellatrix?!" Sabay sabay naming sigaw. Agad niyang sinara ang pinto at lumapit samin upang patahimikin kami.

"Ssssshh! Wag kayong maingay at baka marinig kayo ng iba." Pagpapatahimik nito sa'min.

"S-sorry po. Mawalang galang na, Pero ano po bang kailangan niyo at sa ganitong oras pa kayo pumunta?" Tanong ni Patty kay Prof. Bellatrix.

"Paumanhin kung na istorbo ko kayo. Pero ngayong gabi ay pinapatawag kayo ng council." Sabi nito. Nagkatinginan kaming tatlo na may malaking question mark sa mukha namin.

Anong kailangan sa'min ng council?

==========
Malapit na ang adventure nila! Abangan niyo po sana 😊

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon