Chapter 47: Duel

1.9K 59 18
                                    

[ Fiera's POV ]

"In the count of five!" Sigaw ni Ynah sa'min.

Kasalukuyan kaming naririto ngayon sa training ground upang mag sanay. Utos ito ng headmaster sa mga students. Maliban lang sa mga naka assigned na mag bantay ng academy.

Duel ang gagawin namin. Si Ace ang kalaban ko ngayon. Yung apat ay naka-upo sa grass habang pinapanood kami.

"5..."

Nagtititigan kami ni Ace. Shit. Bakit ganyan siya maka titig? Para niya akong nilalamon sa pamamagitan ng titig niya.

"4..."

He smirked. I smirked too.

"3...2...1... Fight!" Sigaw ni Ynah.

Pagtapos ng sigaw ni Ynah ay dali daling bumuo ng air ball si Ace at ibinato sa direksyon ko.

Agad ko naman yung naharang nang gumawa ako fire wall.

"Nice move baby." Nakangising sabi ni Ace sakin.

"Baby mo mukha mo."

"Catch this one." Tinapat niya sakin ang kamay niya. May ibinulong siyang spell.

Suddenly ay biglang may lumabas na magic circle sa kamay niya.

Lumabas ang isang malaking air cyclone at pasugod na ngayon sa aking direksyon.

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya?!

"Fire cyclone!" Sigaw ko naman. May magic cicle din ang lumabas sa kamay ko at kasunod non ang paglabas ng isang malaking fire cyclone. Sumugod na din iyon sa direksyon ni Ace. Nasusunog ang bawat damong nadadaanan non.

Ang resulta ay nag bungguan ang cyclone naming dalawa. Napapa atras na nga ako dahil ramdam kong mas malakas yung air cyclone niya.

Arrrrgggh... Hindi ako pwedeng matalo!

Ikinumpas ko ang kamay ko kasabay ng pagtilapon ng cyclone namin sa kabilang building ng academy.

"Shit." Sigaw ni Ace.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may isang estudyante ang matatamaan non.

Pero mas nagulat kami nang hinarang niya lang ang espada niya ay naglaho na ang cyclone namin.

Tumakbo yung girl papunta dito sa direksyon namin. At ganun nalang ang gulat naming anim nang makita kung sino ang babaeg ito.

"Patty?"

==========
Sorry po yung lame.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon