[ Fiera's POV ]
"Ano girls ready?" Tanong samin ni Patty. Kaming tatlo nalang ang nandito sa labas ng gymnasium. Ewan ko sa dalawang to at ang lakas ng trip. Sabi nila huli na daw kami pumasok para daw bongga.
Kinakabahan nga ako eh! Baka ang pangit ko. Baka hindi bagay sakin yung suot ko. Ayoko namang maging kulelat sa ball noh. At isa pa, ayokong ma disappoint si Ace.
"Buksan mo na daliii!" Excited na sabi ni Patty.
Agad na binuksan ni Ynah ang double doors ng gymnasium. Tumambad sa'min ang mga babaeng naka gowns at ang mga lalaking naka tuxedos. Nag sasayawan sila.
Biglang naging soft yung music.
Nang maglakad kaming tatlo sa gitna ay sa'ming tatlo nabaling ang atensyon ng lahat...
Or should I say... Sakin? Oo sakin sila nakatingin. Nasa dalawang gilid ko kasi sila Ynah at Patty. A-anong meron sa mukha ko?
Biglang nag slow motion ang paligid ko nang makita ko siya. Si Ace... Bumagal ang lakad ko. Nasa dalawang gilid niya si Kaizer at Luke. Naka black tuxedo silang tatlo.
Eyes to eyes ang titigan naming dalawa. Nakakalunod ang mga tingin na binibigay niya. Nakakatulala ang kagwapuhan niya ngayon. Bagay sa kanya ang black tuxedo na suot niya.
Lumapit na yung dalawa sa mga boyfriend nila. Namalayan ko nalang na nasa harap ko na pala si Ace. Naka ngiti siya sakin. Nilahad niya ang kamay niya sakin.
"May I have this dance?" Nakangiting tanong niya.
Napangiti na din ako at hinawakan ang kamay niya. Feeling ko na koryente ako nang hawakan ko yung kamay niya. Ramdam ko yung sparks.
"Sure." Nakangiting sabi ko.
Marahan niya akong dinala sa mga nag sasayawan at nakisayaw kami. Hindi nga ako marunong sumayaw kaya sumasabay nalang ako sa kanya.
"You're gorgeous." Sabi niya habang sumasayaw kami.
"Ang pogi mo din." Sabi ko naman.
Nagulat ako nang biglang umilaw yung leeg namin ni Ace. Nang mawala ang liwanag ay nakita ko ang leeg ko na may nakasuot na necklace. Kulay gold at korteng korona yung pendant nito. Yung kay Ace naman ay korteng infinite yung pendant.
Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi kami pareho ng necklace?
"Ace..." Sabi ko.
"I know. I'm not your official partner." Sabi niya.
Napayuko nalang ako. Bakit ganun? Pareho dapat kami eh...
"Sorry." Yun nalang ang nasabi ko.
"Don't say sorry. It's not your fault."
Ngumiti nalang ako.
"Ayos lang sakin na hindi ikaw ang partner ko dito, Atleast ako lang yung lalaking mgmamahal at mamahalin ka habang buhay." Sabi niya at ngumiti.
Pakiramdam pumula bigla ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ni Ace.
"Talaga? Baka naman katulad ka lang din ng ibang lalaki, mangangako pero sa huli mapapako." Sabi ko.
Sumeryoso ang mukha niya.
"Try me. I'm not like them." Sagot niya.
Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit nalang ako at hinihintay ang mga labi niyang lumapat sa labi ko.
Nasira ang moment naming dalawa nang biglang magsalita yung nasa stage.
"Good evening everyone! I'm so sorry to disturbing you all but it's time to call our Queen and King of Mystinious Academy!" Sabi ng babae na nasa stage.
Nag simula ang bulong bulungan. Bigla naman akong kinabahan. Alam kong ako ang Queen dahil nasa akin ang Queen crown necklace pero hindi ko alam kung nakanino yung sa King.
Tinakpan ko nalang yung pendant ng necklace na suot ko gamit ang kamay ko.
"Our King and Queen tonight are..."
"Our Queen is Fiera Kim Cress!!!" Nagsigawan at nagpalakpakan ang lahat. Maliban sa iba na ang sama ng tingin sakin.
"And for our King..."
"Is Luke Earthfield!"
BINABASA MO ANG
The Fire Princess 2 [COMPLETED]
FantasyThe war is not yet over. Dahil ang totoo, nag sisimula pa lang ang totoong laban. PS: Book 2 po ito ng The Fire Princess. Bago niyo ito basahin make sure na nabasa niyo na yun para hindi kayo malito sa daloy ng story! Paki tignan nalang po sa profil...