Chapter 44: Welcome Back

2.1K 66 2
                                    

[ Fiera's POV ]

"Girl si Fiera yun diba?"

"I thought nawawala siya?"

"Nakabalik na pala siya."

"Saan kaya yan galing."

Ayan ang mga bulong bulungan sa paligid habang papasok kami sa academy. Nasa likod ko si Balmond at Ynah samantalang nasa tabi ko naman si Ace. Naka pulupot yung braso ko sa braso niya. Ofcourse para malaman nilang taken na ang gwapong nilalang na to.

"At kasama pa niya si fafa Ace!"

"Shet ka inggit naman."

"Akin nalang sana si Ace."

"How to be Fiera?"

"Sayang si Ace huhu."

Aba ayaw pa nilang tumigil huh. Bulong daw eh rinig na rinig naman. Well, sorry sila dahil taken na si Ace at AKIN lang siya.

Mukhang napansin nila yung lalaki sa likod ko. Si Balmond.

"Sino yung boy na nasa likod nila Fiera?"

"Infairness ang gwapo din nung isang guy."

"Dito kaya siya mag aaral?"

"OMG ang wafuu."

Haay nako. Ang lalandi talaga ng mga babaeng to. Pero sa bagay, hindi ko naman sila masisisi. May itsura naman talaga si Balmond. Pero para sakin mas gwapo ang boyfriend ko.

Malayo pa lang ay natanaw na namin sila Kaizer at Luke na mag kasama. Papalapit din sila sa'min. Si Kaizer ay nakangiti pero si Luke ay walang emosyon. I feel bad for him. Maybe hindi pa niya tanggap ang pagkawala ni Patty. Ganun din naman kami. Pero kailangan namin yun tanggapin. Kailangan namin tanggapin ang totoo.

"Nakabalik ka na pala. Welcome back." Nakangiting bati ni Kaizer sakin.

"Oo kanina lang. Thank you." Nakangiting sabi ko din. Tumingin ako kay Luke at pilit na ngumiti lang ito. Nginitian ko nalang din sila.

Napatingin naman ako sa himpapawid ng academy. Nag taka ako nang may makitang mga students na lumilipad duon at dalang telescope.

"Anong ginagawa nila dun?" Tanong ko sa kanila.

"Sila ang mga nag babantay sa taas para makita kung may paparating ba. This days kasi ay mas naging secured pa itong academy." Sagot ni Ynah.

Tumango tango ako. Kaya pala. Mabuti na din yun para sure ang safety ng lahat. Pati na din ang academy.

Pinakilala ko si Balmond kila Kaizer at Luke at natutuwa ako nang iwelcome nila ito. Kaibigan na ang tingin ko kay Balmond and He deserve to have a friends. Besides they're all good to him. Tiyak na mag kaka sundo sila.

"Nga pala, Fiera bilin sakin ng Headmaster na pumunta ka sa office niya pag nakarating ka na." Biglang sabi ni Kaizer.

Kumunot yung noo ko. "Bakit daw?"

"Gusto ka niyang maka usap about sa nangyari sayo." Sagot niya.

I nodded. "Ok sige."

Sinamahan nila akong pumunta sa office ng headmaster. Pagdating namin dun ay naabutan namin ang headmaster na naka upo sa kanyang swivel chair habang nakatingin sa malaking bintana ng kanyang office.

Napansin niya kami agad. Ngumiti ito sa'min.

"Good afternoon Headmaster." Bungad ko.

"Same to you Ms. Cress." Sambit niya. Lumapit kami sa kanya at naupo ako sa tapat ng table niya. Yung lima ay naupo sa sofa. Tahimik lang silang nanunuod sa'min.

"First of all, I'm glad that you're finally back." Panimula niya.

I smiled. "Thank you headmaster."

"Gusto kitang maka usap upang malaman ang buong pangyayari kung bakit ka nawala at saan ka napunta."

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon