Chapter 53: Fiera-Maldita

2.1K 79 20
                                    

[ Fiera's POV ]

Andito ako ngayon sa dorm ko. Apat na araw nalang before mag Mystinious Ball at kagaya ng mga nakaraang araw ay busy ang lahat sa paghahanda.

Naligo na ako at lumabas ng dorm. Sa cafeteria muna ako tatambay gaya ng palagi kong ginagawa. Pakain kain lang naman ako dun.

Anyway, asan na nga pala si Ace? This days kasi hindi nagpapakita sakin yung kumag na yun. Haay bahala siya. Baka busy lang.

"FIERA FIERA SANDALI!" Napatigil ako sa paglalakad nang salubungin ako ni Ynah. Hingal na hingal pa ito na akala mo'y buong araw nag tatakbo.

"Anyare sayo?" Kunot noo kong tanong.

"May ikukwento ako sayo!" Sabi niya.

Ano nanaman kayang chismis ang hatid ng babaitang to?

===

"Oh anong sasabihin mo? Akala ko ba busy kayo sa pag redecorate ng gym ngayon?" Pagtatanong ko kay Ynah.

Andito kami ngayon sa cafeteria. Dito nalang daw namin pag usapan ang ikukwento niya.

"Yun na nga eh! Busy kami sa pag dedecorating ng gym kaso lang..." Panandalian siyang huminto.

Pabitin effect pa tong babaeng to.

"And?"

"Yung designer kasi namin..."

"Ano ba yun?! Binibitin mo naman ako eh." Sabi ko. Konti nalang talaga isusubsob ko na tong babaeng to.

"Nilalandi ng designer namin si Ace!" Sabi niya.

Ahh. Nilalandi lang pala ng--- WAIT WHAT?!

"ANO?!" Sigaw ko. Dahil sa lakas ng sigaw ko ay pinag tinginan kami ng mga students na nandito sa caf.

"Uy kumalma ka nga!"

"Pano ako kakalma kung may lumalandi sa boyfriend ko?!"

"Kumalma ka muna pwede?! Baka mamaya bigla ka nalang mag apoy jan!"

Nararandaman ko nga na nag iinit ang balat ko. Kaya pinilit kong kumalma kahit na gusto ko nang sumabog dito.

"Asan sila ngayon?" Mahinahon kong tanong.

"Nasa Gym." Sagot ni Ynah. May pag aalala sa kanyang mukha.

Tumayo ako at agad agad na lumabas sa cafeteria. Naglakad ako patungo sa gym. Malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang sigawan at tawanan mula duon.

Pag tungtong ko pa lang sa gym ay natanaw ko na si Ace. May pilit na kumakapit sa braso niya pero inaalis niya din ito pero ibabalik din agad nung babae.

Tss. That slut girl. Kumukulo ang dugo ko sa haliparotang yan.

Nag pipigil ako nang galit na lumapit sa kanila. Ipagdasal ng malanding yan na sana makapag pigil pa ako.

"I said get off me! Bat ba ang kulit mo?!" Sigaw ni Ace sa malanding hindot na ahas na mukhang pusit na babaeng may lahing unggoy na half higad at inalis niya ang braso nito na naka kapit sa kanya.

Pero ibinalik din ito agad ng haliparot.

"Bakit ba kasi? Sino ba yang girlfriend mo at napaka loyal mo masyado?" Naiiritang tanong ng haliparot.

Aba nag tanong pa. Humanda ka.

Ikinalma ko ang sarili ko bago nag salita.

"Excuse me. Girlfriend here." Nakangiting sabi ko.

Lumingon sila sakin at ganun nalang ang gulat ni Ace nang makita niya ako. Yung haliparotang babae naman ay bakas ang pagtataka sa panget niyang mukha.

"F-fiera?" Gulat na sabi ni Ace.

Ibinaling ko ang tingin ko sa haliparotang naka taas ang isang kilay habang nakatingin sakin.

"Ace, will you please stay away from the trash? It's dirty."

Nagulat yung babae sa sinabi ko. Aba dapat lang.

"Anong sinabi mo?!" Inis niyang sabi.

I crossed my arms.

Maganda sana siya, kaya lang ang baho ng hininga niya! Wala ba sa bokabolaryo niya ang salitang 'sipilyo'?

"Oops. Bawal ulitin sa tanga." Nakangiting sabi ko.

Kapag nakikipag away ka sa isang taong low class. SMILE lang.  Dun pa lang panalo ka na.

"How dare you?! Sino ka ba dito?!" Sigaw niya. Pulang pula na siya sa sobrang inis. I don't care anyway.

I smirked. "Ako? Ako lang naman ang nag IISANG girlfriend ng lalaking nilalandi mo."

Natigilan siya then after ng ilang segundo ay ngumisi siya.

I swear, ang panget niya.

"Omg. Hindi ko inakalang mahilig sa mukhang trash collector itong si Cute guy." Nakangising sabi niya.

I chuckled. "Oh really? TRASH COLLECTOR pala ako? So pwede na ba kitang COLLECT-TAHIN?" Nakangising sabi ko.

Nag tawanan ang lahat ng tao sa gym. Hindi ko namalayan na marami na palang nanunuod sa'min.

"Oh my god girl. Sa mukhang to? Mukhang basura? Eh mas masarap pa ako sayo eh. Tiyak na mas mag eenjoy pa sakin ang boyfriend mo." Sabi niya habang nakangiting mapang asar.

Mas lalo akong ngumisi.

"Talaga? Pero diba animal abuse yun pag pinatulan ka ng boyfriend ko?"

"Animal abuse? Seriously? Insecure ka noh?"

"Ako insecure? Alam mo para kang DURIAN, masarap ka lang pero mabaho ka."

Nagtawanan nanaman ang lahat. Natahimik naman si Haliparot.

"Alam mo girl, wag kang masyadong desperada na akala mo lagi kang mauubusan ng lalaki. Biruin mo, may girlfriend na nilalandi mo pa? Oh come on, yung totoo? bukod sa utak mo ano pang wala sayo?"

Namula siya at parang kumakapa ng sasabihin. Tss.

"Oh bat umurong yang dila mo? Gusto mo hatakin ko? Oh baka ito gusto mo." Akmang sasampalin ko na siya nang biglang...

"Wag!"

Pinigilan ako ni Ace.

==========
Super sorry sorry sorry po sa sobrang tagal ng update! Simula po kasi nung first day of school tambak na agad ng assignments! Kaya sorry po. Matatagalan po bago ako ulit makapag update :'< hope you'll understand guys.

The Fire Princess 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon