"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni Deanie kay Ronjohn na nakahawak sa nakaharang na malaking gate sa residence ngayon nila Sam.
"Deanie. Deanie open this. Please open this." Sabi nito kay Deanie na parang atat na atat na kinakabahan.
Napakunot ang noo at napailing naman si Deanie dahil sa kakaibang inakto nito.
Tss. Grabe. Hindi ko aakalaing maiinlove ako sa ganitong klasing lalaki. Noon.
Napangiti si Deanie ng patago dahil sa naisip niya. Ang lalaking kinababaliwan niya noon, ang lalaking minahal niya noon, gagawin lahat ng bagay para dito ay hindi na niya mahal ngayon.
Kahit siya hindi siya makapaniwala na makikilala niya si Sam sa hindi inaasahang pagkakataon. Alam niya sa sarili niya na may nararamdaman na siya dito.
At ngayon, sisiguraduhin niyang ito na. Huli na si Ronjohn na nagparamdaman na hindi siya karapatdapat. Alam niyang si Sam na. Si Sam na ang matagal na niyang hinahanap. Ang kanyang Dream Boy.
Napaigting si Deanie dahil sa gulat ng hindi namalayan na nasa tabi na niya si Katelyn.
"Let's go Dean. Huwag kang makinig sa hayop na yan." Sabi ni Deanie. Nagtaka man siya sa tono ng pananalita nito ay hindi niya ito pinansin at hinawakan nalang niya ang kanyang pinsan.
"Are you okay?" Tanong niya dito.
Nag-aalala parin siya sa kanyang pinsan dahil alam niyang natrauma ito sa nanyari sa kanila ni Ronjohn.
Ang kaninang parang galit na galit na ekspresyon sa mukha ni Katelyn ay agad na nagbago. Para itong tuta na takot na takot. Hindi na siya hinintay ni Deanie na sumagot bagkos ay niyakap nalang siya nito ng mahigpit.
"I-I'mm scared." Sabi nito at biglang bumagsak ang luha galing sa napakaganda nitong mga mata. "Please. Let's go.." Pagmamakaawa nito sa kanya.
"Dean. Please listen to me. Makinig ka sakin. Si--"
"Tumigil ka na Ron. Tama na. Tama na na sinaktan mo ako noon. Na ginamit mo lang ako noon. Bu not this. Not this time Ron." Inis na sabi niya kay Ronjohn na ngayon ay nakahawak sa gate nila.
"Yes I know. I know. Pero sana ngayon lang please." Pagmamakaawa nito sa kanya. Nanggigilid narin ang mga luha nito dahil sa kakaibang nararamdaman.
"Ano pa bang kailangan mo sa'kin John? Tapos na tayo! Ayoko ko na sayo! Ilang pasa pa ba ang gusto mong imarka sa katawan ko. Alam kong hindi mo na ako mahal kaya" Sigaw ni Katelyn sa kanya. Umiiyak na ito at nanginginig sa takot.
Sinuntok at pinalo ni Ronjohn ng malakas ang gate at tuluyan nang nahulog ang mga luha.
"Fvck! Alam mong hindi totoo yan! Deanie! Deanie! No!!!" Sigaw nito habang papalayo sa kaniya sina Denie at Katelyn. Napahawak nalang siya sa ulo niya dahil sa takot at kaba.
"Kasalanan ko 'to at hindi ako papayag na magtatagumpay siya. Hindi... AAAAHHHHHH!!!" Halos lumabas lahat ng ugat niya sa leeg dahil sa pagsigaw.
Sobrang sakit sa kanyang kalooban ang nangyayari ngayon. Sinisisi niya ang sarili dahil nangyayari ngayon.
---
"Alis lang ako." Paalam ni Deanie habang ipinasok ang cellphone hiya sa handbag niya.
Tumingin siya sa pinsan niya na ngayon ay nakaupo sa sofa habang kumakain ng popcorn na niluto nito kanina na nakaloose shirt at short lang. Hindi naman niya pinansin ang suot nito at tumingin sa napakagwapong soon-to-be-husband niya.
Nakaupo ito sa isang side pero hindi sa sofa habang nagbabasa ng--?
"Honey. Are you still not finish with that?" Tamong niya dito. Kinuha niya ang Men's Magazine na binabasa nito kanina.
BINABASA MO ANG
My Innocent Dream Boy
RomanceWARNING: SPG | R-18 "Don't touch me, I'm innocent like a baby." -Sam Veldzki Deanie Velania searching for his dream boy, but it turns out to be an innocent one like a child. What would happen if she turned that innocent baby into a wild lion? Would...