CHAPTER SIXTEEN

3.1K 113 33
                                    

3 years after

"I don't wanna hear it Dean, dapat lang na marami kang pasalubong sakin. Aba, umalis ka man lang ng hindi nagpapaalam at hindi nagparamdam ng ilang taon."

Napatawa nalang si Deanie sa mukha ng kaibigan niya habang kausap niya ito mula sa laptop habang umiinom ng kape.

Ang tagal na pero ang hindi parin talaga nagbabago ang kaibigan niyang ito.

"Fine, fine. May magagawa pa ba ako." Sagot niya nalang at nginitian ang kaibigan. Sabi nga nito ay wag na siyang magreklamo pa.

Malaki rin ang atraso niya sa kaibigan niya kaya dapat talaga na meron siyang maraming pasalubong dito.

"Ilang taon nga ba?" Tanong nito.

Napaisip si Deanie, oo nga no? Ilang taon na nga ba simula nung umalis siya sa Pilipinas?

Ilang taon nga ba siyang nakatakas sa mga kasinungalingan niya nuon?

She smiled at her friend and look at her while busy rrading on something. Nagpatayo na naman kasinito ng ibang restaurant.

"3 years." Simpling sagot niya at tumango tango naman ito. "Ah, by the way Jel may aayusin lang ako. See you there soon nalang ha. Bye." Pagpapaalam niya sa kaibigan at pinatay na nga ang laptop.

She took a deep breath at napatunganga saglit.

It's time. Panahon na para mawala lahat ng bigat na pakiramdam ko.

"Oh, there's mommy." Napalingon siya sa pintuan at nakita niya si Bert at ang kanyang anak na may maraming dalang paper bag.

"Mommyyyy" bungad sa kanya ng bata and run towards her. The littke boy hugged her and so she is. Lumapit sa kanila si Bert at ginulo ang buhok ng bata.

"Oh baby, did you enjoy shopping with tito Bert?" Tanong niya dito at tiningnan ang mukha nito.

Napakagwapo talaga ng anak niya, ngumiti ito at kitang kita ang lalim ng dimple nito sa magkabilang pisngi.

"Yes mommy. Tito bought me some new toys and shoes." Sabi nito ng mahina at binuksan ang lahat ng pinamili nila na ikinatawa ni Deanie and Bert.

Napatingin si Deanie kay Bert at ganun din ito at ngumiti.

"Mabuti nalang talaga at bukas na rin yung flight niyo. Ito kasing si dad, hindi pa sana ako papauwiin." Reklamo ni Bert sabay kamot ng batok niya na parang bata.

Tumawa nalang si Deanie at tumayo at inihanda ang mga niluto niyang pagkain kanina.

"Knowing tito, gusto din na nun magkaapo at makahanap ka na ng mapapangasawa mo. Naku jusko, wag' mo sabihing tatandang binata ka." Biro ni Deanie dito at sinamaan lang siya ng tingin ni Bert.

"Hoy, 26 pa ako at may oras pa ako makapag asawa no. Ako pa. Sa gwapo kong 'to." Saad nito sabay pogi pose na ikinatawa ni Deanie.

"Sinabi mo eh. Oh kumain na kayo. Come baby." Sabi ni Deanie at hindi parin tinitigilan timsuhin si Bert.

Hanggang ngayon kasi, wala paring nagtatagal dito. Napaka babaero din kasi ng lalaking ito kaya lahat ng babae niya ay panandalian lang.

It's been 3 years simula ng mag migrate si Deanie sa Australia, at bukas uuwi na nga sila sa Pilipinas. Sakto naman na pinapunta pala si Bert dito for some business matters at bukas na rin ang uwi nito kaya sabay na sila.

Duon na ulit sila titira sa Pilipinas. At namimiss narin ng dad at mommy ni Deanie ang apo nila.

----

My Innocent Dream BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon