Gorgeous
Dati hanggang tingin na lang ako sakanya. Hanggang panaginip. Hanggang pantasya lang. Ngayon, hindi ako makapaniwala na abot kamay ko na siya. Mas lalo ko pa siyang nagugustuhan dahil napapalapit na ako sakanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ng pinsan kong makisama ako sa barkada niya pero pagdating kay Eli ay tiwalang-tiwala siya.
Matapos naming mamili ng mga gagamitin sa pagluto ay niyaya niya akong kumain sa isamg bagong bukas na restaurant. Nagulat ako dahil hindi kami pumunta sa paborito niyang restaurant. Nang makapasok na kami ay agad namang lumapit saamin ang waiter para ibigay saamin ang menu book. I only picked vegetable salad and one glass of orange juice. Siya naman ay umorder ng paborito niyang steak.
"So, what's with the outreach program?" Tanong niya saaking nang umalis na ang waiter.
Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Sayang naman kasi ang fund na walang paggagastusan." I answered. Tumango-tango siya. It's like he is satisfied to my answer.
Sometimes, I don't get him. Why is he so hard to me? Mali ba ang humanga sakanya? Kung ang pagmamahal ay makasalanan then I guess everyone is willing to take a risk.
Naalala ko noon kung paano nauubos ang perang baon ko dahil sa pagpapagawa ng kanyang tarpaulin o di kaya ay ang mga placards na binibigay ko sa mga tulad kong tagahanga niya.
"Ano yan?" Tanong ni Lui nang kinuha ni Eli ang pulang envelope na makadikit sakanyang locker.
"Love letter I think." Kibit-balikat na sagot ni Jake.
"Umalis na tayo dito, baka makita niya tayo rito." Bulong saakin ni Es. Nagpapanggap akong may hinahanap sa loob ng aking locker na ang totoo ay nakikinig ako sakanila.
"Shh, a minute." I put my index finger in my mouth.
Umirap siya saakin at padarag na binuksan ang kanyang locker.
"Uy, ba't mo tinapon?" Gulat na tanong ni Athan kaya napatingin ako sakanila. Sinalubong niya ako ng matalim na titig.
"It's a trash." He said coldy saka hinablot ang kanyang back pack.
Uminit ang sulok ng aking mata habang tinitigan ang sulat na nasa bunganga ng basurahan. Ang sarap sabihin na pinaghirapan ko yun. Pinagpuyatan ko yun. Pero wala e, wala akong lakas.
"Sayang naman nito." Panghihinayang ni Athan habang pinulot ang envelope.
Kahit nanghihina ako ay nagawa ko paring tawirin ang distansya namin ni Athan.
"Hoy, teka-" 'Di niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil nilayo ko kaagad ang sulat sakanya.
Hinila ko si Es para lumayo sa locker. Naiwang tulala si Athan habang tinuturo ako. I know all of them already know that I like their friend.
"Ano keri pa?" Nakangiwing tanong ni Es.
Tumango sakanya at tinago ang sulat saaking bag.
"Go Eli!" Sigaw ko habang dinidrible niya ang bola. Lumipad ang kanyang tingin saakin.
Kumaway ako sakanya at tinaas pa lalo ang tarpaulin. May text itong EliNation.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang naagaw ng kalaban ang bola sakanya. Napasabunot siya ng sarili niyang buhok saka ako tinignan ng matalim. Tinapik naman nina Guv, Athan, Jake ang kanyang balikat. But same expression drawn in his face.
"Supportive ha. Mauna na ako sayo andiyan na si Daddy sa labas. Enjoy ka." Natatawang wika ni Es.
Tumango sakanya pero nanatili pa rin akong nakatitig kay Eli na binabantayan ang kalaban.
BINABASA MO ANG
A Suffering Wife
ChickLitMula pagkabata ay pangarap na ni Anne ang isang buong pamilya na hindi niya kailan man naranasan. She want her child to grew up in a complete and sustainable family ngunit hindi ata umaayon sakanya ang tadhana dahil iniwan niya ang lalaking mahal n...