Kabanata 10

502 10 0
                                    

Selos

"Ano na naman ito?" Nangangalating wika ni Es habang tinuturo-turo ang mga placards, tarpaulins at T-shirts na nakahain saaking kama.

"Showing supports!" Maligaya kong sagot.

Sabi kasi ni Coach Alex mamaya na ang game nila sa Olivia Academy kaya pinaghandaan ko ito. Buong week kong hindi ginastos ang baon ko para ibayad kay Mang Boboy.

Pabagsak siyang umupo saaking kama at ngumiwi. "You're not giving up."

Umiling ako. Wala sa bokabularyo ko ang sumuko. Masaya na kasi ako na makita siyang masaya sa loob ng court.

"Hindi tayo pupunta doon!" Utas niya.

"What? Es naman. Alam mo naman na-"

She cut me. Nakapamaywang siya saaking harapan. "Na gusto mo? I know. Pero katangahan yang ginagawa mo! Ayaw niya sayo! Look at yourself, nangangayat kana! Hindi ka kumakain para lang igasta sa taong walang paki sayo! Ang baon mo! Na pang kain mo SANA!" She shouted. Her face turn into red.

Tumayo ako at lumapit sakanya. Trying to calm her down.

"It's my choice. Dito lang ako masaya. What? Do you want me to jail myself here? Manonood kung paano mag murahan ang mga magulang ko?" Nagkasalubong ang aking kilay. Trying to stop my tears.

Mabuti sana kung may peace of mind ako rito sa bahay ngunit wala e. Murahan at sigawan ang palaging eksena rito mula umaga at hanggang gabi. I bet hanggang sa opisina nagsisigawan parin sila. Gusto kong umangal ngunit wala akong karapatan. Sa paaralan lang ako natatahimik. Sa paaralan lang ako sasaya. Sa paaralan ko lang nararamdaman na may rason kung ba't ako nabubuhay. And that's because of Eli. My inspiration.

Worth it naman lahat ng sakripisyo ko dahil masaya naman siya na makitang marami ang sumusuporta sakanya. I'm happy to see his success. Kahit na puro dedma lang ang inaani ko I'm fine with that at least I was there for him. Supporting him wholeheartedly. Hindi naman ibig sabihin na ginagawa ko 'to ay desperada na ako na makuha siya. He's not a toy or thing na pwedeng bilhin through support. I just admire him. Kung ayaw niya saakin edi wag. I'm not forcing him.

I'm just a person appreciating him as a person.

"Go Greeks!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa court ng Olivia Academy. Mabuti nalang at pumayag si Es na pumunta kami para suportahan sina Guv.

"Go Athan!" Sigaw naman ni Lyan habang winawagayway ang placards.

Marami ang sumisigaw sakanila para i-cheer ang pambato ng paaralan. Simple lang ang ginawa ng mga estudyante ng Olivia Academy pinuno lang naman nila ang kabilang side ng court ng "Go! Go! Go! OliviaNation' panay rin ang sigaw ng kanilang cheerleader. Hindi rin naman nagpahuli si Krystal nagngingit ito sa galit dahil chinicheer nito si Jake. Mabuti na lang at nagustuhan ng members ko ang print ng t-shirts na suot namin ngayon.

Binaling ko ang aking atensiyon sa gitna nang court. Pawis na pawis na si Guv sa paghahabol ng bola sa kalaban. Lamang ang Olivian ng anim na puntos magaling kasi yung Akihito na player nila. Humihingal na rin si Jake sa ilalim ng court nag-aabang ng bola na ipasa ni Athan. Si Lui naman ay todo bantay sa point guard ng kalaban. Si Guv naman ay nakapwesto sa three point line trying to score.

Mabilis na tinakbo ni Peter ang bola na pinasa ni Athan papunta sa ring. Handa na ang lahat para sumigaw ngunit na block ng kanilang captain si Peter. Agad iyong tinakbo ng captain nila at diretsong shinoot. Umingay ang court dahil sa pagkakapuntos nila. Nagkatinginan kami ni Es. Mali ata na minaliit ni Guv ang talento ng mga Olivian. Ngayon ko palang nakitang nahihirapan ng ganito ang Greeks. Tumawag ng timeout ang kalaban. Binalik ko ang aking tingin sa pwesto nina Guv. Kinakamot nito ang kanyang ulo tila nagpipigil ng galit. Samantalang tinapik naman ni Jake at Athan ang balikat ni Peter para kumalma. Nag-aalab ang kanyang mata habang tinititigan ang captain ng kalaban na nginingisihan siya.

A Suffering WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon