First kiss
Katulad ng sinabi ni Dave ay hinatid niya ako sa bahay hindi ko na siya pinatuloy dahil nagmamadali narin siya. Sa biyahe ko nalang nalaman na pareho kami ng university na pinapasukan. Coincidence ba 'yun?
"Where have you been?" Salubong agad saakin Guv sa main door. I automatically held my chest. Tapos na ang all souls day pero nanakot parin siya.
Binangga ko siya at tinungo ang kusina para ilagay ang mga pinamili. Sinundan niya naman ako. Nadatnan ko roon si Nanay Glo na mukhang nag alala rin. Nagmano ako sakanya at sumimangot.
"Anne I'm asking you! Where have you been? Ba't ka ginabi? Who's that fucking dog escorted you home?" Napatalon kami ni Nanay Glo sa biglaang pagsigaw ni Guv.
"Sebastian..." Mahinang saway ni Nanay sakanya. I felt my heartbeats ranging fast. Nanlamig ang aking mga kamay.
"Don't you have any idea how worried I am? I told you to stay inside the campus and wait me to fetch you there! You always disobeying me fuck!" I understand him. Nag-alala lang siya that's why he is acting ferocious.
"I-I.. I'm sorry nag-"
"And is that really hard to text or call me where you heading? Ha? Ginawa mo akong tanga kakahintay sayo sa loob ng campus! Kung saan-saan ako pumunta mahanap ka lang tapos uuwi ka na parang okay lang ang lahat? Pano kung may masamang mangyari sa'yo ha? Katigasan ng ulo hindi mo maiwan! Fuck!" He punched the wall behind him.
I made my way to him. Yumuko ako.
"Sorry. Pumunta ako ng mall at namili doon.." di ko matapos-tapos ang aking sasabihin.
"And who's that bastard escorted you home? Nagsisinungaling kana ba saakin? Nakikipagkita kaba sa boyfriend mo? Sino? Ha?" Nanlilisik ang kanyang mga mata. Tanga ko! Ba't hindi ko naisip na violent pala si Guv kapag nagagalit. Hindi siya nanakit pero sarili niya ang sinasaktan niya.
"What? Calm down pleasee... Wala akong boyfriend. We just bumped each other in mall and had some chitchat kaya ginabi ako. Sorry..." Malakas parin ang tahip ng aking dibdib.
"Siguraduhin mo Annaliza! Siguraduhin mo!" He warned. Tinuro pa niya ako. Hinigit niya ako niyakap.
"Pasensya na nag alala kapa.." Sabi ko sakanyang dibdib kasabay 'non ang paglandas ng mga luha.
He wiped my tears.
"I'm sorry too. I was just carried by my emotions I didn't mean to get violent.. You're scaring us. Isipin mo kasi na may mga taong nag-aalala sa'yo.. Magsabi ka kung saan ang lakad mo nang di kami kinakabahan...Nagkalat na ang mga masasamang loob mahirap na..." Tumango-tango ako sa sinabi niya.
"Umakyat kana Annaliza at magbihis. Jusko, ba't basa ka?" Saway ni Nanay Glo nang magkaayos na kami ni Guv.
Guv eyes travelled to my body. "Why you're soaking wet?"
I grinned. "Ah nagtampisaw kami sa wishing well fountain sa mall."
Umiling siya saakin at hinaplos ang aking buhok. "Para kang bata! Umakyat kana at bumaba para makakain na."
Tumango ako at umakyat ng aking silid. Matapos kung punuin ang bathtub ay agad akong lumusong at pumikit. Tama si Guv dapat akong magpaalam kung saan ako para di siya mag alala. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako sa banyo at nagsuklay ng buhok.
"Annaliza, narinig mo sinabi ng pinsan mo ha. Makinig ka! Tigas ng ulo mong bata ka!" Ani naman ni Nanay Glo habang inaayos ang aking kama.
"Opo. Pasensya na po.."
BINABASA MO ANG
A Suffering Wife
ChickLitMula pagkabata ay pangarap na ni Anne ang isang buong pamilya na hindi niya kailan man naranasan. She want her child to grew up in a complete and sustainable family ngunit hindi ata umaayon sakanya ang tadhana dahil iniwan niya ang lalaking mahal n...