Venus Angelic Montemayor
Nang sumunod na araw ay naging abala ako sa pagrereview para sa third examination namin. Ginugol ko ang oras ko sa paggawa ng projects at assignments. Nilibot ko rin ang mga subject teacher ko para tignan kong may activities o projects akong hindi pinasa ngunit pinagtawanan nila ako. Sabi nila bakit pa daw ako mag-aalala eh sa talino ko ba daw. Kailangan ko ring humabol sa game nina Eli. Magpapaprint pa ako ng tarpaulins at placards.
"Uso manhid eh no?" Masungit na wika ni Es habang hinihintay namin si Mang Boboy sa shop.
Umirap ako sakanya. "Support lang naman."
Hinarap niya ako at tinitigan ng masama. "Seriously? Ganoon ka kadesperada sakanya-"
"Hindi desperada tawag roon no. Masama ba ang supportahan siya?" Ngumuso ako.
"Hayst, ewan ko sa'yo." Pagsuko niya.
Dumating ang lunes at abala ako sa pag aayos ng gamit ko. Nilagay ko ang aking mga pinaglumaang libro saaking backpack. Mag tututor kasi ako mamaya sa anak ng isang insik na nasa likod ng University. Sayang rin naman kung hindi ko tatanggapin dagdag bayad yun sa pinaprint kong tarpaulins.
I eat my own words sabi ko wala akong plano mag teacher pero doon din pala punta ko.
"Hija bilin pala ng papa mo." Ani Nanay Glo habang kumakain ako ng almusal. Inabot niya saakin ang pera.
"5,000 daw yan. Baon mo daw. Pinapasabi niya. Good luck sa exam mo." Nakangiting wika niya. Tumango na lamang ako.
Siguro nag-away na naman sila ni mommy kaya maaga na nama siyang umalis. Gusto ko sanang tanungin si dad tungkol sa sinasabi ni mommy na Mistress niya ngunit natatakot ako. Baka pati saakin magalit siya.
Ito ang unang araw na hindi ako makakapanood ng practice nina Eli. Buong araw ko ring iniwasan si Es pati narin sina Krystal, Lexie at Bianca dahil pagnalaman nila ang ginagawa ko paniguradong bubugahan na naman nila ako ng sermon kaya minabuti ko nang umiwas. Wala kaming klase dahil busy lahat sa pagpractice para sa district meet yung iba naman busy sa pag rereview para sa exam. Ngunit sina Es busy sa pagboboy-hunting.
Dakong alas singko nang umalis ako ng paaralan. Narinig ko pa ang tilian ng mga estudyante. Sinisigaw ang pangalan ng mga idolo nila. Ngumingiti na lamang ako habang tinatahak ang daan palabas. Agad akong pumasok sa kotse at sinabihan si Manong na ihatid ako sa likod ng University.
"Ms. Perez?" Tanong ng babae na chinita. Siya siguro si Victoria. Rebounded ang kanyang buhok, maganda ang hubog ng katawan na parang hindi nanganak, maputi, makinis, mataas, at ang angelic ng awra niya.
Pinapasok niya ako sakanilang bahay. Puno ng mga certificates ang puting wall nila, fully furnished din, may nalaking t.v sa sala. Pinaakyat niya ako sa second floor at tinawag si Xian. He's 10 years old nag-aaral sa Chinese academy. Mabait siyang bata, madali lang matuto, kung tutuusin hindi naman niya talaga kailangan ng tutor eh. Nagbreak muna kami ng ilang minuto para kumain nang hinandang merienda ni Mrs. Song. Nakisali narin saamin ang kanyang kapatid na si Hubert na walong taong gulang. Puno ng tawanan at halakhak ang buong silid ni Xian. Nagkaroon kaming tatlo ng deal na kapag mali ang sagot nila kikilitiin ko sila kapag tama naman sila ako yung kikilitiin nila.
"Tama na yan. Aalis na si Teacher.." Ani Mrs. Song nang umakyat siya sa silid ni Xian.
"Balik ka po teacher ha." Ani Hubert. Tumango ako sakanila at inayos na ang aking gamit.
"Hubert, you're ate Anne is busy. Shell come here every Monday only." Ani Mrs. Song.
Hindi ko namalayan ang oras alas otcho na pala. Pinilit pa ako ni Mrs. Song na doon na lang kumain ng hapunan para makilala ko na rin ang kanyang asawa ngunit dumating na ang sundo ko. Nakakatuwa kasi ang rangya ng buhay nila ngunit ang pagtrato nila sa mga panauhin ay pantay-pantay. Pagdating ko ng bahay nakasalubong ko agad si mommy sa labas na naka cocktail dress na kulay pula she also wearing silver necklace and earring.
BINABASA MO ANG
A Suffering Wife
ChickLitMula pagkabata ay pangarap na ni Anne ang isang buong pamilya na hindi niya kailan man naranasan. She want her child to grew up in a complete and sustainable family ngunit hindi ata umaayon sakanya ang tadhana dahil iniwan niya ang lalaking mahal n...