Date
Sabi nga nila pagmasaya ka madali lang ang paglipas ng mga araw. Yung tipong para kang nasa planet mercury dahil sa bilis ng kanyang pag-ikot. Umiling ako at tinuon ang aking atensiyon sa naghihiyawang estudyante sa loob ng court. Tinaas ng EliNations ang kani-kanilang mga placards para suportahan si Eli. Si Es naman ay todo ang sigaw para i-cheer si Guv na naliligo na ng pawis sa ilalim ng court.
"You bite your tongue?" Narinig kong wika ni Bianca saaking gilid habang winawagayway ang pomspoms na dala.
"No.." I retorted.
She shrugged her shoulder and continue shouting to her bias, Prince. I faced the court and saw Eli dribbling the ball to enemies court. He stopped for a moment and circled his sight to someone's who's available. He ran his fingers to his wet hair. Arcus is under the ring, he's waiting for ball. Daniel Samaniego is just calm parang sisiw lang sakanya ang laro. Hambog!
Eli didn't have a choice but to throw the ball in three point line.
"Oh shit!" Sabay sigaw ni Bianca at Krystal. Samantalang si Eserela naman ay napatakip nalang ng kanyang bibig. Lahat ng tao sa court ay natahimik. Parang tumigil sa pag rotate ang Earth dahil sa pagtapon ni Eli ng bola. Lahat ay nininerbiyos, Greeks leads the score kung mapasok iyon ni Eli mahihirapan nang naghabol ng puntos ang Olivian. This is championship game dapat namin makuha ang kampyonato!
The referee blew his whistle. The ball is counted, wala sa sarili akong napatalon at sumigaw dahil sa kasiyahan na nararamdaman. Ang galing! Tinapik ni Guv ang kanyang balikat at sumunod naman sina Prince, Arcus, Lui at Jake na parang asong ngumingisi. Napadapo ang aking tingin kay Daniel na ngayon ay parang badtrip, tinapik ng kanyang kasamahan ang kanyang balikat pero winaksi niya ang mga iyon at nagwalk-out ng court.
"Inspired ba si Eli?" Makahulugang tanong ni Es. Napalingon na rin ang dalawa.
My face sours.
"Don't worry nasabi na saamin ni Eserela..." Wika ni Krystal saka kumindat. Napanganga ako at tinitigan si Es na ngayon ay nagpeace sign. Ang Chismosa talaga!
The score is 87-70 Greeks leads. Huling quarter na ito kaya dapat mas magalingan pa nila. Walang nagawa ang Olivian kundi ang tumahimik na lang at magmasid sa buong court. Naupo muna ako sa bench para magpahinga dahil sa paninikip ng aking dibdib habang ang tatlo ay tila hindi napapagod sa kakahiyaw.
"Are you okay?" Tanong saakin ni Lyn.
"Oo, masakit lang ang dibdib ko.." Mahina kung sabi. Umingay na naman ang court dahil nakapuntos ang Greeks. Buti nalang at nasa unahan kami.
"Eserela, dalhin mo muna si Anne sa clinic baka na suffocate to sa crowd.." Lyn's concerned voice.
"Ha? Anyari ba? Teka, okay kalang ba?" Wika naman ni Es. Sinagot ko lang siya ng tango. Hindi ko talaga kaya! Nahihirapan akong huminga!
Tinulungan ako Es na makatayo dahil pakiramdam ko nawala lahat ng lakas ko. Nagpaalam siya sa mga kasama namin na kailangan namin magpaclinic dahil nahihilo ako.
"Nurse, ano pong nangyari sakanya?" Hindi mapakaling wika ni Es nang mahiga ako sa hospital bed na naroroon. The nurse checking my pulse rate and getting my blood pressure...Pumikit ako ng mariin at pagmulat ko ay dalawa nang nurse ang umaasikaso saakin...
"Her heart beats abnormally.." Wika ng nurse na kakarating lang. Randam ko ang pagtaas-baba ng aking dibdib.
"Ba't po kailan ng O-oxygen?" Eserela voice starts to broke. Pabalik-balik siya sakanyang kinaroroonan..I want to tell her to keep calm pero wala na akong lakas para magsalita.
BINABASA MO ANG
A Suffering Wife
ChickLitMula pagkabata ay pangarap na ni Anne ang isang buong pamilya na hindi niya kailan man naranasan. She want her child to grew up in a complete and sustainable family ngunit hindi ata umaayon sakanya ang tadhana dahil iniwan niya ang lalaking mahal n...