Cindy's POV
It's been 1week nung umalis sina jaycee at minzy.. lagi naman kaming naguusap ni jaycee every night tumatawag sya kasi doon umaga palang tapos dito gabi nya..
At etong sexytary ko eh ubod ng daldal, kada maglilibot ako sa campus para icheck ung hindi pumasok sa tamang oras eh, laging may dinadakdak ung tipong pati ata paghinga ng mga estudyante dito alam nya.
Eto naman si nick, medyo maayos syang maging VP kasi badboy sya kung umasta pero kapag dadaan lng sya sa harap ng mga babae eh halos mahimatay ung mga babae dito. Tignan nya lng ng konti tumitili na kaagad ung mga karekeng na mga babae.. pero lalo syang nag cloud face, ung halos pagsabay nya ung pagkain nya at ung pagpirma ng mga kailangang pirmihan ,naka cloud expression parin..
Tsaka minsan nlang kami nag uusap, siguro kapag nag memeeting nalang kami nakakapag usap..
At ako naman eh laging nagbibigay ng first warning.. halos ata lalake.. ewan ko ba umalis lang si jaycee tumigas ung mga ulo ng mga lalake. Pero sa babae siguro dalawa lng.. magbff ata ung dalawa, hindi pumasok sa sched nila nasa garden pa naman sila nag ccp tsaka nag tsitsismisan.. eh sakto papunta ako ng garden nakita ko sila. Nung nahuli ko nga para sila nakakita ng multo, ayaw pa ibigay ung sched notebook nila, lalo pa akong nainis ayun napahiya pa sila. Hahaha bagay lng sakanila un..
Nandito ako ngayon sa hallway, kasama tong madadak kong secretary...
"Madam!" Nagulat naman ako kay barbie.
"Ano?!" Nakakairita naman to.
"Wala! Ang lalim kasi ng iniisip mo malalim pa sa pacific ocean."
"Sus! tara na nga" tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad
habang naglalakad kami may nakita akong babaeng nakahiga sa tapat ng mga locker. may dugo ung bandang ulo nya.... wait dikaya-------
"Tignan nga natin un" sabay turo sa babae.
"oh my gosh!" sigaw ni barbie
"shhhh" pambabawal ko kay barbie
"hehehe sorry na" tsk.
"tumawag ka ng guard tsaka mo padala to sa clinic" utos ko pero mukhang nagulat si barbie
"Clinic?!" tanga ba to?
"hindi hindi, sa basurahan.. alangan sa clinic bilis!" napatakbo naman bigla si barbie papuntang gate.
ng naka alis na si barbie, hahawakan ko sana ung babae kaso baka ako ung makuhanan ng fingerprint kaya di ko nalang tinuloy.... nagkalat sa sahig ung dugo mula sa ulo nya, hayst mga tao nga naman dto.. pero ung hawak nyang notebook parang diary, hmm kunin ko nga.. umupo ako sa bandang kanan nya para hindi halata na ako ung kumuha.. kukunin ko na sana kaso dumating na ung guard.
"ayan po" sabi ni barbie sa guard
"Mam Cindy saan po ito dadalhin?" tanong sakin ng guard
"Sa clinic muna" at agad nyang binuhat ung babae.
"Barbie tawagin mo ung mga janitor, palinis mo to" utos ko
"Ok"
"Puntahan mo nlang ako sa office, at wag mong sasabihin kahit kanino tong nakita natin"
"Oo na!" sabay alis para tawagin na ung janitor..
papunta na akong ng office ngayon, pero hindi parin mawala sa isip ko ung babae parang papunta sya ng office kasi ung ulo nya nakaturo sa daan papuntang office, di kaya may sasabihin sya sakin?.. hayysst nevermind..
nandito na ako sa office ng madatnan kong natutulog sa ibabaw ng mga papeles si nick, cguro pagod to... pumunta na ako sa desk ko na katabi ni nick.... ng makaupo na ako sa desk ko ay tumambad sakin ung mga folders hmmm ano kaya to? siguro mga pinapapirma lng to.....pagkabukas ko, nakapirma na lahat... wait sino nagpirma neto?!
"Ako" napatingin naman ako kay Nick, nakapikit parin sya... sira ulo talaga to
"Bakit mo to pinapakelaman!, nakikita mo naman ung nakalagay oh! signature of Presi---"
" Or Vice president" sabi nya habang nakapikit parin..
"Hayyssst! pakialamero!" napasandal nalang ako sa upuan ko na may halong pagdadabog.
"Pasalamat ka nga pinirmahan ko na yan eh! kanina pa yan pinapabigay sa office, tapos wala ka pa! edi ako na nag asikaso! sus!" sabay tayo na may halong pagdadabog at lumabas sya ng office..
tangina netong lalakeng to! ang sungit!!!!!!! pasalamat sya sya naging vp kung kung hindi-- hay naku! nakaka stress!!
"Cindy nasa clinic na ung babae, buhay pa" napatingin naman ako kay barbie na hingal hingal.
"May nahuli kaba?" tanong ko
"Wala" sabay upo sa sa harapan ng lamesa ko.
"Himala" sabay irap ko.
"Tsaka nag kagulo nga pala kanina kasi may natira pa palang dugo doon sa harap ng locker ayun pinagtsimisan."
"Tanga tanga pala ung janitor eh" sabay buntong hininga ko.
"Sinabi mo pa"
"Bumili ka nga ng lunch natin sa cafeteria" sabay abot ko sakanya ng pera.
"Ok" sabay alis sa office.
as usual ako nanaman mag isa dito, nakaka boring.. hmmm tawagan ko kaya si jaycee?
kinuha ko ung cellphone ko tsaka ko tinawagan ung number ni jaycee... pero gabi na pala dun, siguro tulog na un... mamaya nalang.....
maya-maya nandito na si barbie dala-dala ung lunch namin.
"Oh, Eto na" sabay abot sakin ng pagkain ko... binuksan ko na tsaka ako sumubo, grabe guton na gutom talaga ako..
"Welcome ha!" sabay irap sakin ni barbie..Di ko nalang sya pinansin, kumain nlang ako..
ng matapos na kaming kumain, pinuntahan namin ung babae na nakita naming duguan.. Ng makarating kami sa clinic, sakto gising na sya..
"Hi" bati ko na halos ikinagulat nya.
"M-ms. Cindy" mautal utal nyang sinabi ang pangalan ko.
"Akala ko patay kana" nakangisi kong sinabi sa kanya.
"Ms, C-cindy may kailangan kang ma--"
"Ano yun?" putol ko sakanya.. lalo syang yumuko, halos hindi nya kayang tumingin sakin.
"S-si, Si, si"
"Sino?!" lalo lang ako naiirita hayysst.. napapaluha na tong babae to ng nasigawan ko sya. tangina iyakin, mahina to.
"Si Trina." bigla naman akong kinalibutan sa sinabi nya.
"Oh napano?" medyo mataray kong tanong
"B-buhay siya" what?!
"Ano?!" sabay naming sigaw ni barbie.
"Totoo po, s-siya po may gawa sakin neto. pinukpok nya ako ng malaking bato nung papunta ako ng office, para sabihin na buhay sya." hindi, hindi maaari!
"Imposible! patay na sya! Pinatay ko na sya!" bigla naman umiyak tong babae. haayysstt mahina.
"Anong pangalan mo?"tanong ko
"Joyce po."
"Joyce?"
"I mean Joyce Dizon po" ahhh.
"You may go, bumalik ka na sa klase mo ngayon din" bigla syang tumayo at tumakbo palabas ng clinic.
"Bullshit!"
"Hey calmdown" pag aalala sakin ni barbie... "Sa dorm muna tayo ok?" tumango nalang ako. at tuluyan na kaming pumunta sa dorm.
_________________________
(A/N: so ayan nalagyan ko narin ng cast and dedication, inagahan ko nalang ung pag uud kasi bukas may gagawin pala kami, nagyon lng wala.. so Vote and Comment lng.. tnx!)