Cindy's POV
"Hey" bigla akong natauhan nung tinawag ko ni Jaycee.
"Hmm?"tanong ko, tsaka ako hiniga ung ulo ko sa balikat nya, at tsaka nya ko inakbayan.
"Sinong tinitignan mo dun?" Tsaka nya tinuro ung puno kung saan ko nakita ung babae kanina.
"Wala" tipid kong sagot.
"Ahm Cindy, may sasabihin lang ako." Bigla naman akong napatingin sakanya. "Ano un?"
"Kinuha kami ni Minzy ng isang school sa Amerika , para maging representative ng isang school sa California. Tsaka isang buwan pala kami dun, kasi mag rereview pa kami kaya isang buwan kami dun, pero kapag maagang natapos ung contest, babalik ako kaagad." Mahabang sabi nya sakin.
Grabe 1month?! As in?!
"Mamimiss kita" sabay yakap ko sakanya ng sobrang higpit.
"Mamimiss din kita" sabay halik sa noo ko. "Wag mo kong pagpapalit ha?" Bigla nman akong natawa. "Ikaw dapat. Wag mo kong ipagpapalit gwapo ka pa nman" bigla nman syang ngumiti sa sinabi ko.
"Opo promise po yan" sabay taas nya ng kamay na parang batang nag papromise sa nanay. "Tsaka sa wenesday na alis ko, kaya~" bigla nman nyang hinawakan ung baba ko dahilan para maglapit ung mukha namin. "Susulitin ko na ung oras na natitira para sayo" sabay halik sa labi ko.
Jaycee, sobrang swerte ko sayo ang sweet mo, lagi mo kong inuuna, tapos kapag pagod kana, parang wala kang pakialam, basta makita mo lang ako ayos kana.
Kumalas na kmi sa halik namin tsaka namin pinagdikit ung noo namin.
"I love you Cindy" sabi nya sakin
"I love you too Jaycee" tapos hinalikan nya ako ulit.
------------------
Nandito ako sa dorm, at nandito na rin si Minzy.. pasalamat sya di ko sya sinaktan.pero sinampal ko naman sakanya ung masasakit na salita.Nagbabasa ng libro si Minzy, at si Barbie naman namimili ng damit para sa foundation day.
"Guys sa sa tuesday na ung foundation day, nalipat ng sched kasi aalis na sa wenesday na aalis si Jaycee" nanlaki naman ung mata nila habang nakatingin sakin.
"Seriously?, duh? Wala pa akong napipiling damit oh?"sabay turo ni barbie sa cabinet nya.
"Paano ba nman, ang dami dami mong damit tapos iilan lang ung red mong damit, ang hilig mo kaya sa black."sabi ni minzy.
Napa-upo naman si barbie sabay pout.
"Pagawa ka nlang kaya" sabi ko, bigla naman syang napangit sa sinabi ko.
"Oo nga noh? Di ko naisip yan. hayysstt nakakasira ng beauty." Sabay haplos sa mukha nya.
Natawa nalang kami ni minzy sa inasal nya. Kahit kailan nga naman.
Bumaba na kmi para kumain. Dumiretcho kmi sa cafeteria at nag order na ng pagkain. Umupo na kami sa vacant table. Naalala ko tuloy nung umupo dito si nick. And he has a second warning. Pero dahil sya MUNA ang magiging VP natanggal ung mga warnings nya pero kapag dumating na si jaycee, balik ulit ung warnings nya.
"Eto na yung pagkain huy!" Bigla naman akong natauhan sa sigaw ni barbie.
"Oo na! Wag mong paka sigaw noh?!" Tsaka ko sya inirapan.
Bigla naman silang nagkatinginan ni minzy. At maya maya bigla nalang sila tumawa.
"Anong nakakatawa?!""Hahaha! Ang cute mo pag naiinis noh? Tapos kanina lang tumawa ka tapos ngaun taray na ulit?, pasalamat ka hindi natunaw yang bintana dyan sa titig mo! Haha!" Tawa sila ng tawa. Nakakairita ha!
"In the count of 1 kapag hindi kayo nanahimik dadaplis to dyan sa balat nyo.!" Habang hawak hawak ko ung kutsilyo ko. Napaayos naman sila ng upo at sabay subo sa pagkain nila.
Kumain nalang din ako, nakakabwisit ha!.
After 10mins. Natapos na kaming kumain, si minzy dumiretcho sa library para magreview then si barbie naman pumunta kay Ms. Gomez, na mommy na para daw i-contact ung gagawa ng damit nya.
At ako naman. Saan ako pupunta? Ewan ko. Hmmm sa garden nlang.
Nandito na ako sa garden, umupo ako sa may bench. Pangalawang beses ko palang tumambay dito at di parin nagbabago ung itsura. Nung nagtransfer ako dito para mag first year, eto ung una kong pinuntahan. Kaya nung naging VP ako di na ako masyadong nakakapunta dto.
Napasandal nlang ako sa bench tsaka tinignan ung mga ibon na lumilipad.
Pero napatingin ako sa may gilid
Ko kung saan nakatanim ung blue flower. Di ko na maalala ung pangalan, pero ang GANDA. Pero mas maganda ako haha! Hinimas ko nlang, bawal kasi magpitas ng bulaklak dito.Sumandal nlang ako ulit, tsaka sinalubong ung sariwang hangin.. hmmm.. napapikit nalang ako dahil sa sarap ng hangin na sumasalubong sakin.
Nang dumilat na ko may tao sa kabilang bench, lalaki. Wait si nick ba to?
"Nick!" Lumingon naman ung lalaki pero hindi si nick un, wait si~
"Kyle not Nick okay?" Sabay lapit sakin.
"Okay, i thought your nick" umupo naman sya sa tabi ko, habang naka ngisi
"You know eusheka right?" Napalingon naman ako sakanya.
"Yeah, ur ex-girlfriend right?"tumango sya habang nakatingin sa malayo.
"You look like her, you two both of you are strong,smart,beautiful and bitchy attitude." Di ako sumasagot at nakinig nlang ako sakanya "Nakakamiss din ung pwesto ko dati, a Supremo. Ung ako ung kinakatakutan, makapangyarihan. Pero nawala lahat yan nung mamatay si eusheka. Umalis ako bilang Supremo. Nagtransfer ako sa amerika. Then bumalik nalang ako ulit dto ng malaman kong buhay si josh. And cindy"bigla naman nya akong tinignan ng seryoso. "Be ready, be ready anytime. I know na may nagtatangkang pumatay sayo, TDL is she or he's signature in each letters right?" Napakunot naman ung noo ko. Paano nya nalaman?
"Yeah, your right. You know him?" Napangisi naman sya sa sinabi ko.
"You know her" sabay tayo at naglakad palayo dito sa garden.
Sino ba si TDL?! Nakakabanas na ha!
~~~~~~~~~~~~~~
(A/N: So sa nagtatanong kung sino si TDL or sino ung roleplayer nya. Si Jisoo po ng blackpink. And sorry rin kung late update!... and kung may book 2 daw.. malalaman nyo nalang sa epilogue. Hehehe..(hanggang chapter 90 or 95 ito hehe tnx!)