Chapter 2-Cold Kitchen

45 5 0
                                    

Pagkababa ko ng elevator, nagmadali na kong maglakad papunta sa naghihintay na taxi sakin. Nagpatawag ako sa guard kanina bago ko lumabas ng unit ko.

"Hindi na ko manonood ng korean drama. Napupuyat lang ako. Late na tuloy ako ngayon." naiinis kong bulong ko.

5:50 am.

"Manong, kaya po ba natin makarating ng Roxas Boulevard bago mag 7am?" hinihingal kong tanong.

"Tignan natin." napakamot siya sa ulo.

"Kahit magdagdag nalang po ako kung magkano aabutin sa metro." napangiti ako habang sumasagot sa driver ng taxi.

"Nako, hindi na. Kung ano lumabas sa metro ko, yun lang ang babayaran mo." sagot sakin ng driver tapos ngumiti siya.

Tingin ko nasa 55-58 na yung edad ng driver.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagtext ako sa mom ko:

"Taxi na po ako. M. Villegas plate no. UVX 8801."

Pagkatapos ay nilagay ko na kagad ang cellphone ko sa bag ko. Tahimik lang ang naging biyahe ko.

"Oh nandito na tayo." sabi ng driver.

Tinignan ko ang nasa labas, nandito na nga kami. Ang initials ng hotel ay DH. Makikita mo na nakalagay ito sa pinakataas ng building. Huminga ako ng malalalim nilabas ko ang wallet ko, at chineck kung magkano ang nasa metro.

P283.50.

Binigay ko kay manong driver ang 400. Nagthank you ako at nagsabi na ang sobra ay pang breakfast niya.

6:40 am.

Hindi pa ako late. Buti nalang.

Naglakad ako papunta sa employee's entrance. Chineck ang bag ko. Kinapkapan ako.

"Isa ka ba sa mga magsisimula ngayon?" tanong ng lady guard sakin.

"Opo." sagot ko.

"Sandali lang, upo ka muna, tatawag ako sa office. Nasaan ang ID mo?" tanong niya.

Binigay ko ang license ID ko.

"Hello Mrs. Garcia, nandito po sa baba, Summer Leigh Lopez ang pangalan." nakatingin sakin yung lady guard.

Sana maging okay ang first day ko.

"Sige po, paakyatin ko na." sabi niya pagkatapos ng tawag.

"Akyat ka na daw Ms. Lopez. Kaliwa ka. Elevator, third floor. Goodluck." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Salamat po." sagot ko naman.

Nang makaakyat na ko sa office, ipinaliwanang sakin kung saan ko puwedeng kuhanin ang uniform ko.

Tinuro din sakin kung saan ang cold kitchen at locker room.

Nagbiometrics fingerprint ako, yun ang gagamitin ko sa time in and time out ko.

May free meal din ako sa canteen ng hotel. Instead of using food stubs, they require you to put your biometrics fingerprint first before claiming your free meal.

Nakapagsuot na ko ng uniform ko, at papunta na ng cold kitchen. Nasa ground floor ang cold kitchen kaya kailangan ko ulit gumamit ng elevator pababa.

Nagsimula na ang trabaho ko, mababait ang mga kasama ko. Ang ginagawa namin dito ay mga appetizer.

May kumatok sa pintuan, pinihit na nito ang door knob pero hindi tumuloy sa pagpasok. Napatingin ako. May glass kasi sa pinto hindi purong kahoy kaya kita mo kahit papano kung sino ang papasok. Biglang bumilos tibok ng puso ko.

Seryoso? Nandito siya? Bakit?

*****

SAE's POV

I was born and raised in Canada, 100% Pinoy. Musician. I love music. I do covers from my favorite artists and upload it on my social media accounts. And I got my first ever album, entitled Blue Skies.

Why I am here at Manila? Because my dad ask me this favor. Family business as usual. Isa si dad sa mga stock holders ng isa sa pinakakilalang hotel sa Maynila. And he wants me to check on it. Maybe I'll stay here for 3 months. Depende pa.

Today, may meeting ako kasama mga board members sa DH. 8:00 am.

Mas pinili kong dito nalang sa condo ko sa Quezon City mag stay kaysa sa hotel "namin" na pinagpipilitan ni dad. Kahit na libre na lahat. Ayoko pa din.

I'm thinking kung mag-uber nalang ako hindi ko kasi kabisado daan sa Maynila. Kaya lang baka matagalan ako sa pag-book. May waze naman, I decided to use my car.

Color gray ang kotse ko, na pa letter T ang logo, may nakasulat sa ilalim nito na FORTUNER.

Naghihintay ako sa may elevator para makasakay ng biglang..

"Ooopss, sorry po." the girl said.

May bumunggo sakin galing sa likod ko. Ayos, sumingit si ate. When the door about to closed, I saw her. I find her beautiful. Chinita, I think 5'4" ang height, maputi, medyo kulot ang buhok niya, length is almost on the level of her breasts. Hmmm...

Sae you're here for business, hindi para sa babae. Napailing ako habang nakangiti.

The last time that I visited DH, I think 8 years ago. Well, some had renovations. Some are still the same.

"Good morning Mr. Encarnacion, it's nice to see you again." I'm already here at the conference room of the hotel. Lumingon ako para tignan kung sino ang nagsalita.

"Oh, Hi! Good morning Mrs. Garcia. How are you?" I smiled widely to her. Mrs. Garcia is my dad's secretary when he's here at the hotel.

"Im good. How about you? How's your career at states?" She smiled back at me.

"Well, doing great. I'm enjoying everything." I replied.

"Do you still know how to speak the language here in the Philippines?" she asked.

"Opo naman po." medyo slang kong sagot at nagtawanan kami. Nagtatagalog ako pero may accent pa din.

"The meeting will starts at 8am. Do you want to wait here or you want to check first the other departments? You still have 45 minutes."

Nag-iisip ako. "I'll just wait here. Mamaya nalang po siguro after the meeting." I answered.

"Okay. Just call me when you need anything. Use the intercom." Mrs. Garcia said.

"Yeah sure. Thank you, Mrs. Garcia." I nodded.

And then she left.

Pumwesto na ko bago pa magdatingan yung ibang mga board members. Malapit na magsimula ang meeting. Handouts are complete. Nakaready na din ang presentation.

The meeting went smooth. There are some suggestions. The hotel is still stable.

Nagdecide ako magtour sa hotel.

Nasa labas na ako ng cold kitchen.

Dad calling...

"Yes dad?" i answered.

"How are you? How's everything?" my dad asked.

"It's fine, don't worry dad." madami pa siyang sinabi and then I said goodbye to him.

Papasok na ko ng cold kitchen, I already knocked and holding the door knob when Mrs. Garcia called me.

"There you are Mr. Encarnacion. It's already lunch time. Sabay ka na samin." she insisted.

Oh well, maybe I'll come back here some other time. Hindi naman to aalis.

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon