Chapter 3-Menu

31 4 0
                                    

Summer's POV.

Bakit siya nandito?

I paused for 5 seconds. Ganoon ba talaga kaliit ang mundo? Siya iyong nakita ko kanina sa elevator, tapos dito din pala siya papunta.

"Lunch na tayo, sabay ka na samin ni Rica." nakangiting sabi ni Ate Maggie. Isa siya sa mga casual. 6 months na siya dito sa hotel. Si Ate Rica naman, two years na.

Kinalabit niya ko.

"Huy. Kain na tayo. Tulala ka diyan." pagsita sakin ni Ate Maggie.

"Ah oo. Sige ate sabay nako sa inyo." pag sang-ayon ko.

Hindi ko namalayan ang oras, 12nn na pala. Ganito pala dito pagdating ng 12nn halos lahat nasa canteen na.

"What's your name again? tanong sakin ni Ate Rica.

"I'm Summer, Ate Rica." I smiled at her.

"Oh tama. Sorry. Makakalimutin." tumawa siya ng mahina.

Nasa canteen na kami.

"Biometrics ka na girl." nakatingin sakin si Ate Maggie.

"Ay sorry, ito pala yun sinabi sakin kanina sa office." dali dali akong nagbiometrics.

Isang rice, fried chicken, crab and corn soup, saka mixed fruits ang pinili ko.

Naghanap kami ng mauupuan, medyo marami rami na ding tao galing sa iba't-ibang department ang nandito't kumakain.

Kaniya-kaniyang kwentuhan.

"May boyfriend ka na, Summer? tanong ni Ate Rica habang hinihimay ang bangus na ulam niya.

Uminom muna ako ng tubig saka ako sumagot. "Wala pa ate. NBSB ako."

"ANO?! Seryoso ka ba diyan?!" sabay nilang sambit ni Ate Maggie.

"Hala grabe kayo. Ngayon lang ba kayo nakakilala ng NBSB?" sagot ko sakanila na nakakunot ang noo.

"Oo girl. Itong si Rica, hindi na nga yan V eh. Dami na ngang naging boyfriend niyan eh." natatawang sagot ni Ate Maggie.

"Hindi ba pwdeng sobrang ganda ko lang talaga kaya maraming nagkakagusto sakin?" pairap niyang sagot pero halata namang hindi galit, nakikipagbiruan lang.

Nagtawanan kami at tinapos ang pagkain.

Bumalik na kami sa trabaho, ang bilis talaga ng oras kapag madami kang ginagawa.

"4 na! Ano mga hard working ba kayo at ayaw niyong pang umuwi?" habang tumatawa ay nakalagay sa beywang ang dalawang kamay ni Chef Chico.

"OMG Chef. For real uwian na?" nag-stretch si Ate Rica habang ako naman ay nagliligpit na sa working area ganoon din si Ate Maggie.

Pagkalabas ng cold kitchen, dumiretso kami ng locker room para magpalit ng damit pang-uwi  at dinala na namin sa laundry area ang mga uniform namin.

Buti nalang free ang laundry dito, hindi ko na problema ang maglaba. Hindi man ako marunong maglaba pero the best akong magluto.

Nagpaalam na si Ate Rica samin sinundo kasi siya ng boyfriend niya. Si Ate Maggie kasabay ko maglakad hanggang LRT, malapit nalang kasi doon ang bahay nila.

"Ate Maggie, ilang taon ka na?" mabagal lang ang lakad namin.

"Ako, 23. Ikaw?" sumasagot siya sakin habang nagtetext.

"21 po." matipid kong sagot.

"NBSB ka ba talaga? Gusto mo hanapan kita ng boyfriend?" panunukso niya.

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon