Chapter 20-Find A Way

5 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to kay Sean. Hindi pa ko ready, masyado pang maaga. Pero kung binigay talaga 'to samin, isa itong blessing. Nandito ko sa cr ng isang hospital. Hawak ko ang tiyan ko. Sana maalagaan ko siya ng mabuti.

Paulit ulit kong naalala ang sinabi ng doctor sa 'kin.

"Congratulations! You are seven weeks pregnant."

Nakipagkita ako kay Yumi. Nasa isang cafe kami.

"I'm pregnant." pag-uumpisa ko.

"OMG Summer!!! Talaga?? Ilang weeks?" hinawakan niya ang tiyan ko.

"Seven. Seryoso ba yan? You're really happy?" tinignan ko siya.

"Yes! Yes! Syempre isa ako sa mga magiging ninang di ba, kaya may ninang na maganda si baby." halos kausapin niya na yung tiyan ko.

"Kaya pala lately nakakaramdam ako ng hilo at pagsusuka every morning. Akala ko pagod lang ako, dahil sa puyat, kulang lagi sa tulog. Iyon pala buntis na ko." hinawakan ko siya sa kamay. "Natatakot ako Yumi."

"Why?" she raised her left eyebrow.

"Baka kasi-" pinutol niya sasabihin ko.

"Baka kasi bigla kang iwanan ng boyfriend mo?" tumaas ng kaonti ang tono ng boses niya.

"Hindi naman. I trust him. Baka kasi hindi ko kayanin." pag-aalala ko.

"Hello?! Nandito ako Summer, kami ni Niel. Si tito and tita, alam na ba nila?" she asked.

"Hindi pa. Ikaw pa lang sinabihan ko. Kanina lang din ako nagpa-check." uminom ako ng tubig.

"You know what, I got this feeling na matutuwa sila kapag nalaman nila na magkaka-apo na sila. They are getting older na rin 'no." excited talaga siya. Kinuha niya ang phone at akmang may tatawagan. Pinigilan ko siya. Siya pa lang kasi nakakaalam.

"Easy. Si Niel lang 'to. Okay?" pagdepensa niya.

Hinayaan ko sila mag-usap. Nang matapos saka ko sinagot ang sinabi niya.

"You had a point. Kaya lang diba dapat kasal muna bago baby." obviously I'm not yet ready.

"Hindi na iyon uso ngayon, ano ka ba!? Kailan mo balak sabihin sakanila? Saka sa boyfriend mo?" inalok niya ko ng cake.

"Kila dad, baka this coming weekend. Uuwi ulit ako sa Laguna. Sa future husband ko, plan ko sa birthday niya." I smiled. Bahala na.

*****
Hinatid pa ko ni Yumi hanggang dito sa unit ko. Akala mo naman may mangyayari sa 'kin na masama. Siya nagdrive ng kotse ko, tapos nag-uber nalang siya pauwi. Wala rin kasi si Niel.

Nakahiga na ko ngayon sa kama ko, hindi ako nakapunta ng knight and princess. Sabi ko nalang sa supervisor na hinired ko, if may problem tawagan nalang nila ako.

Hindi ko pa rin lubos maisip na magkaka-baby na kami. Isang napakalaking responsibilidad nito. Lalo na't kung after three years pa kami magkikita ulit ni Sean.

Baka mabigla rin siya. Syempre iniisip ko rin ang career niya. Siguro pariringgan ko nalang muna siya kapag nakapag-usap na kami. Yung tipong kung ano mga gusto kong kainin. Para magka-hint siya ng konti. Sana lang magets niya.

Sobrang busy niya recently. Dami niyang shows. Halos hindi ko na rin masyado makausap. Tiwala pa rin ako sakaniya.

Last na pinadala niya sa 'kin na photo last night was his playing with his guitar while singing.

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon