My Daily Routine...
Gigising ng 4:30am. Aalis ng 5:30am. Makakauwi ako mga 5:15pm. Pero minsan 5:30pm na din.
Hindi ko na muna ginagamit kotse ko. Para makatipid na din.
Gusto ko kasi matuto magbudget. Para hindi ako masyadong umasa sa parents ko.
Pag kailangan lang talaga saka ko nagkokotse.
Jeep saka LRT na ang lagi kong sinasakyan. Jeep hanggang Roosevelt, LRT hanggang Pedro Gil tapos lalakarin ko nalang.
*****
Saturday na, bilis ng araw. Naka-five days na pala ko, bukas wala kong pasok. Off ko na. Nag-eenjoy ako. Sobra!
Naghihintay ako ng jeep, when I saw him.
Okay. Nakita na nanaman kita.
Pumara at sumakay na ko ng jeep. Sumakay din siya! Sa tabi ko pa umupo. Kikiligin na ba ko? Ang bango niya. Nakakainlove iyong amoy.
'Yung amoy na bigla ka nalang mapapapikit dahil sa nakakaadik ito sabay hingang malalim.
Pero bakit sumakay din siya ng jeep? Mukha pa namang hindi siya marunong. May hikaw pala siya na color black sa magkabilang tenga. Ang bad boy niyang tignan. Okay lang. Mas bagay sakaniya.
Nauna siyang magbayad kaysa sakin.
"Bayad po. Roosevelt lang." slang niyang sabi sabay paabot ng bayad sakin. Nagulat ako 1000 php ang binabayad niya.
Ito na nga ba ang sinasabi ko hindi nga to marunong.
Binalik ko sakaniya ang pera niya. Nagtataka siya.
"Hmmm... 8 pesos lang ang pamasahe pa-Roosevelet, hindi ka masusuklian. Ako nalang muna ang magbabayad ng sa'yo." nilabas ko ang coin purse ko at nagbayad.
"Bayad po, dalawa, Roosevelt lang." tumingin ako sakaniya at ngumiti.
"T-thanks. I o-owe you." nabigla siya, parang hindi niya alam ang isasagot niya sa'kin. Sabay iwas ng tingin sa'kin.
Ang sungit ng dating niya pero ang gwapo talaga niya.
"It's okay. Kahit wag na." nilalagay ko na ang sukli sa coin purse ko.
Nagtetext lang siya habang nasa byahe. Tumitingin tingin ako ng konti sakaniya.
Stop it, Summer! Para kang teenager. Nakakainis pero nagugustuhan ko ang ganitong feeling.
"Roosevelt, may bababa?" sigaw ng driver.
"Meron po." medyo pasigaw kong sagot baka kasi hindi ako marinig.
Pinauna niya kong bumaba. Kasunod siya. Naglalakad na ko paakyat sa hagdanan ng LRT, nakasunod siya sakin. Nasa tapat na kami ng bilihan ng ticket nang bigla niya kong tinawag.
"Hey, look. Miss, can I borrow 100 php from you? I promise to pay. I just don't have small bills on my wallet." parang out of nowhere biglang niyang sinabi 'yun? Nakahawak ang kanang kamay niya sa batok niya.
"Ha?" nagtataka ako. Pero umoo ako. "Yeah, sure. In one condition." habang kinukuha ang pera sa wallet ko.
Pagtripan ko kaya 'to?
"What is it?" iyong itsura ng mukha niya, halatang nag-iisip kung ano ang sasabihin ko.
"Smile ka muna. Sungit mo kasing tignan eh." natatawa ko.
Ngumiti siya ng konti.
"There. Okay na?" inabot ko na sakaniya.
"Okay na po." I smirked at him.
"Thanks. Promise, I'll pay you." naghiwalay na kami ng daan. Siya pababa ng LRT, sa kabilang side ata siya papunta, may mall kasi doon. Ako naman paakyat ulit para makasakay na ng tren.
Kung scammer man siya. Atleast 100 lang nawala sakin. Wala ng iba. Okay lang din kahit hindi niya ko bayaran.
Nakasakay na ko ng tren pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Kinikilig ako? Napapangiti akong mag-isa. OMG Summer! Kumali ka. 'Wag kang masyadong umasa. At saka hindi ka nagmamadali di ba?
Nakarating na ako ng hotel at nagsimula ng magtrabaho, chill lang ako. Nakangiti, good vibes lang.
"Inlove to Rica. Kanina pa nakangiti eh. Alive na alive." nakanguso si Ate Maggie sakin.
"Mukha nga. Kala mo naka-high eh, pero tama naman mga ginagawa niya." nilalabas ni Ate Rica yung mga gagamitin niya.
Tinapik ako ni Ate Maggie.
"Huy, hindi ka ba magrereact? Kanina ka pa namin pinagchichismisan." natatawa siya.
"Ha? Ako po ba kausap niyo? Hala. Sorry." nalilito kong sagot.
Tinutukso nila akong dalawa hanggang sa kumain kami ng lunch at mag-uwian na. Kinukulit nila ako. Hindi ako umaamin. Saka nalang pag sure na ako.
Pero ganoon ba talaga ko ka-obvious?
*****
SAE's POV
Magkikita kami ng boyfriend ng pinsan ko sa isang mall malapit sa Roosevelt Station. Sasamahan niya kong kuhanin ang kotse ko sa Banawe, Quezon City. Nasira pa kasi last time. Ang hassle tuloy. Hindi nalang kasi ko sunduin sa condo, out of way daw.
Sabi niya, itry ko daw sumakay ng jeep pag nagcommute ako. Masaya daw. Okay sige, i'll try it today.
Nakasakay na 'ko ng jeep. I don't know how much is the fare. Naglabas ako ng 1000 php.
This girl on my right side, she's familiar. I know I saw her somewhere.
She gave me back my 1000 php and said:
"Hmmm... 8 php lang ang pamasahe pa-Roosevelet, hindi ka masusuklian. Ako nalang muna ang magbabayad ng sa'yo." and then she paid for my fare.
F*ck, I don't let any girls pay for me.
But I had no choice. Kung may barya lang sana ako. I don't know what to say. In the end, I just said thanks, and I owe her.
Roosevelt na, bumaba ako after her. Nakasunod ako sakaniya.
I don't know what's on my mind and then suddenly bigla ko siyang tinawag at nanghihiram ako ng 100 php. For what? For emergency purposes since I do not have small bills on my wallet? That's the most stupid reason Sae!
I really don't know, maybe gusto ko lang makita ulit 'yung mukha niya? Gusto ko pa siyang makausap ulit? Ano bang meron sakaniya? Am I attracted to her?
And before she lend me, may isang condition pa. I asked her what was it and told me:
"Smile ka muna. Sungit mong tignan eh." natatawa siya.
I smiled. Konti lang.
Mukha ba talaga akong masungit?
The way she laughed.... D*mn, that made her very attractive.
I promised to pay her. But how? I didn't ask her number, when or where can we meet. Bahala na nga!
Nagkita na kami ng boyfriend ng pinsan ko. Kinuwento ko lahat ng nangyari kanina. Ito ang sinabi niya...
"Ang cool diba, Kuya? Sabi ko sa'yo eh." hawak niya ang tiyan niya, walang tigil siya sa pagtawa. "Sumakay ka ulit ng jeep next time. Hindi ka pa naglalabas ng pambayad mo, may magbabayad na para sa'yo, Kuya."
"You're crazy." that's the only word I replied to him. Natawa nalang din ako.
This is the most unforgettable day of my life.
BINABASA MO ANG
Give It A Try
Fiksi UmumSiguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal.. Kahit alam mo na masasaktan ka lang, sa huli susugal ka pa rin. Kasi malay mo.... Ikaw naman ang manalo.