Chapter 7-Meeting

10 2 0
                                    

Nakahiga na 'ko ngayon, hindi ako makatulog. Tatagilid ako sa kaliwa, tapos sa kanan, dadapa, lahat na nagawa ko na, kahit nga paupo natry ko na din makatulog lang.

Arrggghh! Kung sino ka mang nag-iisip sa'kin, please please please patulugin mo na 'ko.

Pakiramdam ko pagod na pagod na 'ko. 'Yung tipong gusto na ng katawan mo, pero ayaw pa ng diwa mo. Ang hirap!

Kinuha ko ang phone ko, nagbrowse ako sa playlist ko from Spotify.

Last song I heard before my I fell asleep.

One word
Is all I need to say exactly how I feel
One word
A single word that's from the heart and keeps it real
One word

One Word - Elliot Yamin

4:00 am na ata ako nakatulog.

Yumi calling....

Yumi calling....

Yumi calling....

Message from Yumi:

Hey, gising ka na?

Please answer my call.

Summer!!

OMG!!!

11AM NA. THE MOVIE WILL STARTS AT 12:30PM. Sayang ticket. :(

Yumi calling....

Yumi calling....

Yumi calling....

SUMMER LEIGH LOPEZ!!!

Nagising ako, kinuha ko ang phone ko, chineck ko kaagad ang oras. 11:30 am na!

Yumi dialing....

"Sorry." bungad ko. "Kagigising ko lang. 4:00 am na ko nakatulog." nakapili na ko ng susuotin bago ko maligo. Color black na jeans, off shoulder na blouse saka sneakers na white.

"Mamaya ka na mag-explain, dalian mo na ah! Cinema 6. Call me again kapag nasa labas ka na, bigay ko ticket mo. Pareho pa kayo ng pinsan ko, ngayon pa lang din siya gumagayak." inis na siya, halata naman sa boses niya.

"Yes ma'am Yumi. Sorry ulit." I ended the call.

Nagmamadali akong gumayak.

In 30 minutes nagawa kong matapos mag-ayos, naglakad na ko papunta ng mall. Buti naisipan nila na dito nalang. Malapit lang sa condo, walking distance.

Tinawagan ko si Yumi na labas na siya kasi malapit na ko sa cinema.

"Buti ka pa sumipot, 'yung pinsan ko biglang may emergency." I just nodded to her.

Maybe next time makikilala rin kita.

*****

Sean's POV

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon