Siguro ganito talaga pag natutunan mo na kung paano magmahal.. Kahit alam mo na masasaktan ka lang, sa huli susugal ka pa rin.
Kasi malay mo....
Ikaw naman ang manalo.
Ang bilis ng oras at araw dito sa Australia, last night ko na dito, bukas balik Pinas na ko kaya sinulit ko na. Nandito ako ngayon malapit sa Sydney Harbor Bridge.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang ganda lang pagmasdan. This night will be perfect kung kasama ko sana siya.
I took a deep breathe. It's getting colder than what I expected, ilang days nalang din kasi winter na dito. I decided to go back to the hotel, suddenly I bumped into someone.
"How are you? Anong ginagawa mo rito?" I asked him with curiosity. Malay ko ba kung sinundan pala niya ko dito.
"Fine. I'm here for vacation. Ikaw?" balik niya sakin.
Biglang humangin ng malakas kaya halos matakpan ng buhok ko ang buong mukha ko.
Hinawi niya ang buhok na tumakip sa mukha ko, medyo napaatras ako. Pero tinuloy niya pa rin ang ginagawa niya.
"T-this is my last night here, our seminar just ended last three days ago." nailang ako, hindi ako makatingin sakaniya.
"I know." he smirked.
My lips parted. "How did you know?
"Before ako umalis ng hotel, they also asked me if I want to attend the seminar, I said no. Nakaplano na rin kasi lahat. Kasama na rin yung pag move on ko sa nangyari satin." ang layo ng tingin niya.
"Sorry." ang tangi kong nasabi habang nakayuko.
Hinawakan niya ko sa baba, at iniangat ang mukha ko. "You don't have to be sorry, it's not your fault. Okay?'
"Bakit hindi mo magawang magalit sa 'kin?" tanong ko sakaniya.
"Hindi ko rin alam. Kasi siguro wala ka naman talagang kasalanan? Hindi ka dapat sisihin sa mga nangyari. Well, at the first place, hindi naman naging tayo. Hindi mo naman ako pinaasa. Ako lang itong umasa talaga ng sobra." he smiled at me.
"Sean is very lucky to have you." hinawakan niya ang kamay ko.
Binawi ko rin kaagad ang kamay ko.
"Nice to see you here, Cliff." pag-iiba ko ng usapan. "Balik na ko sa hotel maaga pa ang flight ko bukas." tinapik ko siya sa balikat.
Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya kong pinigilan.
"Can I hug you? I swear this is the last time, I really want to move on Summer." gusto ko na rin talaga siya maka-move on. Nagpaubaya ako. Pumayag akong yakapin niya, pero saglit lang. Five seconds. Ako rin ang unang kumalas.
"I hope you find the girl that really deserves your love and attention. Pakilala mo ko ha, kapag nahanap mo na siya." I smiled and waved at him.