Chapter 11-Two Weeks

18 1 0
                                    

Nagising nalang ako nasa isang kwarto na 'ko.

"Hi." nakapambahay na siya na suot. Tshirt na black saka boxer shorts.

Umupo ako. Niyakap ko ang tuhod ko. "Hindi mo 'ko ginising kanina? What time is it?" medyo namamaos ako.

"Already 9:18pm. I've tried to wake you up. Pero ang himbing ng tulog mo." kumuha siya ng damit niya, tapos iniabot niya sa 'kin.

Akala naman nito napakalayo ng tirahan ko, apat na pintuan lang naman pagitan namin.

"I don't have your keys, so I decided to bring you here. And you have a fever." chineck ko ang sarili ko, mainit nga ako, medyo nahihilo ako, mabigat ang pakiramdam ko.

Umalis siya saglit, pagbalik niya may dala na siya na isang tray. May soup, tubig saka gamot.

Umupo siya sa tabi ko. He fed me. Ang kulit, sabi ko ako na, kaya ko naman. Pero hindi pala kasi nanghihina pa ako.

"Ayaw ko na." umiiling na 'ko, bloated na ang feeling ko.

"Two more baby, please?" 'yung dating masungit at matalim kung tumingin ngayon ang amo na.

Tinawag pa kong baby, ano ba akala niya? Ganoon nalang?

Fine. Pumayag ako. Pagkatapos binigay na niya sa 'kin 'yung gamot.

"Wait lang." I stopped him. "Ten minutes then I'll take my med. Feeling ko masusuka na kasi ako."

He nodded at me. Binigyan niya din ako ng jacket, and puts the room temp on automatic. Para hindi ako mas lalong lamigin.

"How's the room temp? Better now?" masyado siyang nag-aalala sa'kin ha.

"Yeah. Much better now." he's now preparing the space where he will sleeps. He get his owm blanket and pillow.

"Sean...." Lumingon siya sa'kin. "Pwede na 'ko sa unit ko, I'm fine now." I pouted.

He stops on what he's doing, and looked at me.

"No, you'll stay here. I'll take care of you." umiling siya, tumabi siya sa 'kin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ng paulit ulit habang nagsosorry siya.

Gusto kong makipagtalo pero ayaw ng puso ko. "Oh-kay. But do you have an extra toothbrush?" dahan dahan akong gumalaw sa kama para makatayo.

"Use mine." Nanlaki mata ko. "What?!" Natawa siya. "I said use mine, baby. I don't have an extra toothbrush."

"Kunin ko nalang kaya 'yung akin?" nakatayo na 'ko, pakiramdam ko lumulutang ako.

Tinitigan niya ko. "Just use mine. Wag matigas ulo."

Sabi ko nga eh.

Pumunta na ko ng comfort room niya. Okay, gagamitin ko 'yung sakaniya. Binilisan ko nalang ang paggamit tapos nag-mouthwash na 'ko. Nagbihis na din ako gamit ang pinahiram niya na damit.

Nakahiga na kami pareho. Sa kama ako, siya sa sahig. Hindi ako makatulog.

"Sean, still awake?" iniisip ko siya baka hindi siya makatulog nag maayos.

"Hmmmm? Bumangon siya at umupo. "Adjust ko pa 'yung room temp?"

Umiiling ako. Mukhang nakutuban niya ang ibig kong sabihin.

"She's the daughter of dad's business partner. She's so drunk that night. I don't know her address. Kaya dito ko siya dinala." tumigil siya ng konti, huminga ng malalim. "Pauwi na ko noon when she called and asked if I can pick her up. Sinundo ko siya sa isang bar."

Lumuhod siya sa gilid ng kama. Binasa niya ang ibabang labi niya. "Walang nangyari samin. I swear to God." he explains. "Nasukahan niya ko, that's why I'm only wearing jersey shorts that time. Her dress? I'm about to pick it up when you knocked. I lend her my shirt. Sa sofabed din siya natulog." pumikit siya samantalang ako nakatitig ako sa mga labi niya.

"She's not my girl to sleep here on my bed." Patuloy niya. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Okay." tinaasan ko siya ng kilay.

"Summer, do you trust me?" Hindi ako sumagot.

"Please baby, trust me. I'm telling you the truth." Wala akong maisagot sakaniya.

"Tulog na tayo." Pag-iiba ko. Hindi na gumagana ang utak ko.

Pinikit ko ang mata ko. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko, medyo matagal.

Kinabukasan, kaya ko na. Hinatid niya ko sa unit ko, hindi niya ko pinapasok. Bukas nalang daw. Bukas nadin ang simula ng training ko as a secretary. Mrs. Garcia will teach me for one week bago ang leave niya.

Kahapon lang galit na galit ako sakaniya tapos ngayon hindi ko maintindihan. Hay nako Summer!!

*****

Nagdecide akong magkotse ngayon dahil naka formal attire ako, hirap magcommute lalo na sa LRT. Ang ikli pa ng skirt ko.

Dumirecho na ko sa 27th floor, abala si Mrs. Garcia. Samantalang sarado ang office ni Sean. Baka busy siya.

"Good Morning ma'am." Bati ko. Naghintay ako saglit, may tinatapos pa kasi siya nang dumating ako.

Inisa isa na ni Mrs. Garcia ang mga gagawin ko. Nagsulat ako sa notebook bilang guide ko. Madali lang naman ang gagawin.

"Ms. Lopez? Pag-agaw ng atensyon ko ni Mrs. Garcia.

"Sorry po ma'am." nakatingin kasi ako sa pintuan ng office ni Sean.

Nagproceed si Mrs. Garcia. Dami ko rin natutunan kahit papaano.

Pinagbreak niya muna ko. Kinuha ko ang thumbler ko saka nagtimpla ng kape.

Hindi pa nga pala ko kumakain ng breakfast.

Naghahalo ako ng kape tumunog ang phone ko.

Message from Clifford:
"How are you? I miss you."

Me:
"I'm okay now, don't worry about me. Thanks."

Message from Clifford:
"Can I see you later?"

Me:
"Why?"

Message from Clifford:
"Wala lang. Gusto ko lang sana. Are you fee?"

Biglang nagring ang intercom. Hindi na 'ko nagreply kay Clifford.

Sinagot ko, si Sean ang tumawag.

"Can you come here?" the tone of his voice teeling me that he needs someone to talk to.

I knocked. Nagbilang muna ko hanggang tatlo. Inayos ko ang uniform ko, huminga ko ng malalim at saka pumasok.

May kausap pa siya ulit sa phone nang pumasok ako. Naglalakad lakad muna ko sa loob ng office niya. Nakatalikod ako sakaniya. May mga pictures saka certificates na naka-hang sa wall. Sa dad niya.

Hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sa 'kin. Bigla niya kong niyakap mula sa likuran ko. Ang higpit ng yakap niya. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko.

Humarap ako sakaniya. Tinanong ko siya.

"What's wrong?" Iniangat ko ang mukha niya. Nakayakap pa rin siya sa'kin.

"In two weeks time, I'm going back to States."

Para kong sasabog sa narinig ko.

"T-that's nice. Then, you can continue your career." I smiled fakely.

Ayokong igive up niya lahat para sa 'kin. Ayokong maging makasarili. Alam ko naman na ganito ang mangyayari.

Okay na rin siguro ang ganito, walang commitment. Kapag ayaw na ng isa, madaling kumalas. Madaling makakalimot. Madaling makaka-move on. Kasi wala naman talagang kami. Walang label.

Give It A TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon